Chapter 23

8.3K 251 21
                                    

Happy Chantel Choi POV

Kinabukasan maaga akong gumising at nagpaalam sa kanya na uuwi na. May duty ako ngayon at hindi pwedeng late ako papasok kundi mapapagalitan ako.

"Ingat sa pagdidrive, see you later."

"Salamat Doc Lee." Sagot ko bago ko tuluyang paandarin ang sasakyan.

Pagdating sa bahay nagtataka ako. Ang busy ng mga tao. Nakasalubong ko si Kuya Harry na pababa ng hagdan.

"Anong meron Happy?" Tanong nya.

"Ewan ko, wala naman ako dito kagabi."

Napakibit balikat nalang kami at di na pinansin ang mga kasambahay na busy sa pagaayos at pagkilinis ng bahay. Nagtungo ako sa room ko para maligo at mag prepare. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako. Di na rin ako nakapag almusal dahil sa pagmamadali.

Pag dating ko sa Ospital, naging busy ako dahil sa sunod-sunod na utos saakin para kumuha ng AFIS ng mga corpes. Nasasanay na ako sa trabaho ko dati takot at nandidiri pa ako ngayon parang normal nalang. Ganon yata siguro.

Pagdating ng tanghali, dumating si Claude at Hope, sinusundo nila ako para sabay sabay kami mag lunch. Naisip ko si Doc Lee na yayain kaso baka busy din sya, wala din kasi syang text saakin.

Pagdating sa hospital cafeteria. Nagulat ako na nandun si Bianca, kasama nya yung mga anak nya. Kaya tuwang tuwa ako na makita sila. Nakarating na pala sila.

"Kyrie, kyleen. Ang lalaki nyo na mga babies." Saad ko saka lapit sa kanila para pisilin ang pisnge nila.

"Kumain na kayo, madami akong food na dala para sa inyo." Saad ni Bianca, habang nilalabas yung mga pagkain na dala nya.

Excited kaming umupo at kumuha ng plato. Masarap pa naman luto ni Bianca kaya namiss ko talaga yung mga luto nya. Habang kumakain kami dumating si Doc Anderson, Doc Lee,Doc Cyn at Professor Kate. Seryoso silang apat na nag-uusap saka sila umupo sa kabilang table. At dahil tsimosa talaga ako, nanlalaki nanaman yung tenga ko makasagap lang ng tsismis. Mukang about lang sa work ang usapan nila kaya di ko na din pinansin.

"Parang ang busy ng mga ganap ngayong araw? Sa bahay din diba Kuya Harry?"

"Oo nag'general cleaning sila, kasi darating sila Lolo at Lola at balak mag stay sa pilipinas ng tatlong buwan." Saad ni Kuya Harry na mukang disappointed.

Napabuntong hininga ako, ang tagal ng tatlong buwan. Ayoko pa naman na nandyan si Lolo at Lola kasi nga mga pakealamera ng life at sigurado by book nanaman ang galaw namin nyan sa bahay.

Habang nagiisip ako, lumapit saakin si Kyleen, inaabot nya saakin yung teddy bear nya. Paghawak ko sa bandang paa ng Teddy ay basa.

"Bakit basa si Teddy?" Tanong ko sa bata. Di sya sumagot pilit lang nya saakin binibigay yung Teddy bear nya.

"Happy, Pasensya kana kinakagat nya kasi yang Teddy bear nya kaya nababasa dahil sa laway nya." Natatawang sabi ni Bianca.

Natawa din tuloy ako. At kinarga si Kyleen. Ang cute nya grabe tapos ang taba pa.

"Kuya Harry, mag-asawa ka na nga para magkaroon naman ako ng Pamangkin."

Napatingin saakin si Kuya Harry saka sumimangot.

"Ikaw kaya ang mag-asawa para naman tumino ka na."

"Sige basta hanapan mo ako."

"Ako nga wala, tapos hahanapan pa kita?" Sagot nya. Mukang wala din balak mag-asawa si Kuya Harry. Nakakaloka naman, ano ba itong lahi namin layuin ng mga Papabols at chick's samantala di naman kami panget ni Kuya.

"Pag mag'asawa itong si Harry, reregaluhan ko to ng Aloe Vera." Natatawang saad ni Claude.

"Aloe Vera? Para saan?" Tanong ko. Pero di sumagot si Claude at natawa lang, mukang inaasar nya si Kuya Harry.

"Madulas kasi yung Aloe Vera." Sagot naman ni Monique na kanina pa pala nasa likod na upuan at nakikinig lang.

Sa pagkasabi non ni Monique, natawa si Hope at Bianca kaya halos mangamatis yung muka ni Kuya Harry sa hiya.

"Congratulations Monique, mabilis ka na maka'gets." Pang-aasar ni Bianca.

Natawa na din ako, kasi na gets ko na. Lumapit si Kuya Harry kay Claude at binatukan to. Napakamot tuloy si Claude sa ulo nya.

"Anong akala mo sakin Claude? Mag-aasawa ng 85 years old?" Napipikon na saad ni Kuya. Di na si Claude nagsalita at lumayo nalang. asar na kasi si Kuya Harry baka magkapikonan pa sila.

After nila Doc Lee mag'usap-usap tumabi sya saakin, kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti naman sya habang nakatingin saakin. Ilang saglit pa binaba nya yung tingin nya sa plato ko, kaya napatingin din ako sa food ko.

Kumuha sya ng plastic spoon at nagulat ako dahil naki-share sya saakin ng food. I mean nasa iisang plato kami. Napatingin tuloy saamin yung mga kaibigan namin pati si Doc Anderson halatang nagulat.

"Ang sarap, ikaw nagluto nito Bianca?" Tanong nya kay Bianca.

"Yes Doc Lee, okay ba lasa?"

"Yes, ang sarap mo pala magluto."

Napangiti naman si Bianca.

"Doc Lee, gusto mo ng bagong plate?" Tanong ni Hope.

"No, share na kami ni Chantel." Sagot nya. Napalunok tuloy ako at napatingin sa kapatid ko. Si Kuya Harry parang di makapaniwala dahil napapailing pa ito.

"Chantel? Wow Happy mas bagay mo ang second name mo ang conservative pakingan." Pang'aasar ni Claude.

Naramdaman ko tuloy na uminit ang pisnge ko. Pucha! Nakakahiya.. ano ba naman to si Doc Lee di man lang pumili ng lugar para sa ganyang galawan nya. Hindi ko ito en'expect.

Natapos na kami Kumain. Pauwi na din sila Bianca sa bahay nila, pero in'invite nya kaming lahat para sa dinner mamaya gabi.

Habang papunta kami sa duty, tinanong ako ni Professor Kate about sa status namin ni Doc Lee. Di ako nakasagot kasi isang beses palang naman kami nag'date. Si Papa Cyn naman natatawa lang paminsan'minsan. Alam nya kasi yung feelings ko para kay Doc Lee kasi nga nasabi ko sa kanya. Sa totoo lang crush lang ang nararamdaman ko para sa kanya, kaso tuwing kausap o kasama ko sya parang di makahinga ang puso ko sa kilig at saya.

Mas prepared ko sana ang guy kasi gusto ko makasal at magkaroon sana ng sarili kong family. Ayoko din sana ng complications especially ang Daddy ko, siguradong sya ang unang-unang hahadlang  kung sakaling gagawa ako ng isang desisyon sa buhay ko na sa tingin nya ay di dapat.

Pero gusto ko din naman mag explore. Maka-experience ng kagaya kong babae. Nakaka-appreciate din naman ako ng personality, traits and beauty nila kaya minsan nagcu'crush din ako sa girl. Pero gosh! Itong kay nga Doc Lee di ko inaasahan. Bigla nalang akong kinilig sa kanya hanggang sa napansin ko nalang na masaya na akong kasama at kausap sya.

Napabuntong hininga ako. Kaya napatingin saakin si Professor Kate at Papa Cyn.

"Anong iniisip mo Happy?" Tanong ni Professor Kate.

"Di ko na yata kayang pigilan ang kalandian ko, Professor.." sagot ko.

"Huh? Bakit?"

"Basta.."

"Push mo na yan Happy, support ka namin." Natatawang saad ni Papa Cyn.

Bahala na nga, kakalimutan ko na yung mga pogi na papabols dyan. I give up ko na din ang magkaanak at bahala na din kung magalit ang parents ko. Basta pag naka tatlong date na kami sasagutin ko na sya. Itotodo ko na itong kalandian ko.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon