Happy POV
"Ms Choi sumama ka daw kay Dr. Valmorida sa Pathology Department isang linggo ka daw dun."
"Teka! Bakit?anong alam ko dun?"
"Sige mamili ka sa Lab o Morgue? Pwede naman tayo magpalit." Sabi ng classmate ko na halatang wala sa mood.
Napaismid nalang ako, nakakaantok pa naman sa Lab at mag test ng mga fluids. Pero ano pa ba magagawa ko? Kaysa naman sa Morgue.
Kinuha ko ang gamit ko at pumunta ako sa office ng Dean para magpapirma ng approval at humingi CBT(Case Based Training) Card. dito nilalagay ang points namin pag na assigned kami sa Hospital at mga Doctor na makakasama namin ang nagbibigay ng points samin.
"Happy!" Napalingon ako at si Hope tumatakbo to palapit sakin.
"Sabay na tayo pumunta sa Albany."
"Buti naman may kasama ako, may makakatsismisan ako sa loob."
Sabay kami naglakad ni Hope papunta sa Albany Medical Hospital at pagdating dun inassist naman kami ng babaeng Nurse para makapagpalit ng damit, kinabit din namin yung name tag na may nakalagay na Albany Medical University, Happy Chantel Choi, Pathology Department.
"Wow ang gaganda ng batch ngayon ah" Sabi ng isang nurse.
"Hi ako nga pala si Nurse Charlie. 35 years old, matagal na nagtatrabaho dito sa Albany."
"Obvious naman po Kuya Nurse, nasaan yung banyo nyo dito? Mag reretouch lang ako." Sabi ko at nagtinginan naman yung mga babaeng Nurse at nagsimulang mag murmured.
"Derecho ka lang dyan Ms. Choi tapos liko ka pa-right tapos dun na yung C.R" Saad ni Nurse Charlie.
"Salamat Nurse Charlie." Sagot ko sa kanya at saka ako naglakad papuntang banyo.
Nilabas ko yung lipstick ko, syempre dapat fresh parin kahit na nakakahagard dito. After ko mag-retouch lumabas na ako ng banyo para bumalik sa Station namin.
Pagbalik ko sa Station agad kong hinanap si Hope.
"Nurse Charlie nasaan si Hope?"
"Ay sinama sya ni Dr. Tan sa Laboratory." Sagot nya.
"Eh paano ako?" Tanong ko kay Nurse Charlie.
"Ah wait lang natin yung call mula sa Department."
Naghahanatay lang ako dito maya maya may lumapit na Doctor. Nanlaki ang mata ko ng makita ko sya kaya mabilis akong tumalikod, pero minsan panakaw na tingin ang ginagawa ko.
"Hi Doc Lee." Greet ng mga nurse. Pero mukang seryoso lang ito na tinignan ang mga records ng pasyente sa station.
"Bakit walang pirma dito?" Seryosong tanong nya, agad naman nagpaliwanag si Nurse Charlie. Pero pinagalitan lang sya dahil walang pirma yung night shift na Nurse, kaya di daw tuloy matukoy kung pinainom ng gamot o hindi yung pasyente. Pero grabe nakakatakot pala tong Doctor na to.
"Ikaw.." nahintuan ako, naglakad kasi ako papasok sa station at napansin nya ako.
"Ms. Choi tawag ka ni Doc Lee." Umiling ako pero hinawakan ako ni Nurse Charlie sa magkabilang balikat at pinaharap sa kanya. Mabilis kong niyuko ang ulo ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya. Pero di ako agad nakasagot kaya si Nurse Charlie ang nagsalita.
"Doc Lee, one week po syang magaassit sa Lab."
"Sumama ka sakin." Napaangat yung ulo ko at napatingin sa kanya. Sabay kinuha nya yung CBT Card ko galing university at pinirmahan nya yun. Kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Code Blue: Love (INTERSEX)
Romance[COMPLETED] Series IV-Intersex (Finished:JUNE 23, 2023) Dannielle Aleena Lee is a Cardiac Surgeon who works at Albany Medical Hospital. A former Volleyball coach who is a close friend of A-Doctors. (Kai, Kate, Cyn.) For Dannielle, career is the mo...