Chapter 6

10.5K 302 20
                                    

Happy POV

Tanghali na ako nagising, paikot ikot pa ako dito sa bed ko.. napabalikwas ako ng mapadako ang mata ko sa wall clock. yes!

Walang pasok makakapag walwal ako mamaya at makakapag shopping. Bumangon ako at mabilis na pumunta sa banyo para maligo at magbihis. Dahil medyo hot ang panahon at kasing hot ko pinili ko ang white bodysuit, distress Demin short, straw hat, at neutral sandals. Oh diba pak sa freshlook! After ko magbihis pina-side ko lang yung hair ko at light make up. "Pak! larga na!"

Palabas na ako ng main door ng bigla akong tinawag ni Mommy. Napahinto tuloy ako at tinanong sya kung bakit.

"Wala ka naman ngayong pasok diba?"

"Yes mom, pero may lakad ako with Hope."

"Instead na mag-gala kayo ni Hope, bakit di nalang kayo sumama sa Bible Study?"

"Po?" Nginitian lang ako ni Mommy, at saka nya hinawakan ang kamay ko at hinila nya ako papuntang roof top, dun daw kasi sila magba-Bible Study.

Pagdating namin dun, nandun na ang mga kaibigan ni Mommy, at may iilan din na kasing edad ko siguro mga anak ng mga kaibigan nya. Napasimangot ako, kelangan makaalis ako dito ayoko makisali sa Bible study nila. Napatingin ako sa muka ng mga Amiga ni Mommy, kilala ko yung isang mataba na matanda sa gilid Classmate ko yung anak nya. Masama ugali nyan kung sigawan nyan yung Guard sa Albany University wagas akala mo sya ang nagpapa sweldo. Itong isa naman kilala ko din sya number one na tsimosa yan, sya nga nagkalat ng mga maling kwento patungkol kay Tita Ava na Mommy ni Hope.

Napaikot pa yung tingin ko. Sa likod may babaeng kasing edad ko, naka palda sya at nakasalamin. Nakalugay ang mahaba at itim na buhok. "What the..." mahinang bulalas ko, pero agad kong tinakpan ang bibig ko. Kilala ko si Ate gurl. Sya yung babaeng lumapit kay Claude nung nagpunta kami ng Bar, at pinipilit nya si Claude na sumama sa kanya, para makipag-one night stand. Kaya nga nagpanggap kami ni Claude na mag-jowa non para lang magtigil sya. Napataas ang kilay ko. Akalain mo yun, muka syang virgin na inosente ngayon.

Nagsimula na mag-pray. Habang nakapikit sila at nagdadasal kinuha ko yung phone ko at mabilis akong nag text kay Hope. Kelangan makalayas ako dito. Sinabi ko kay Hope na sunduin nya ako at  kunwari pinapatawag kami sa Hospital, pag ako lang kasi ang magsabi siguradong di maniniwala si Mom, kaya kelangan ko talaga nang tulong ni Hope.

Natapos ang prayer, naghahantay ako ng reply ni Hope. Pero nakaka five minutes na di parin sya nag rereply. Ano ba nangyari dun? Ilang saglit pa naramdaman ko na nagvibrate yung phone ko. Kaya nagpaalam ako na mag-totoilet lang.

Pagdating sa toilet, agad kong kinuha ang phone ko. Napa-frowned ako, bakit si Doc Lee ang nag message? Agad kong binuksan yung message nya at sh*t! Wrong send!  Napasapo tuloy ako sa muka ko. Nalaman nya tuloy na nagpapanggap akong may pasok para makatakas sa bahay at ang masaklap pa nasabi ko sa text na Bible study.

[ 🤥.(long-nose emoji) ]-Doc Lee.

Bumalik na ulit ako sa Bible Study nila. Nakatawag na ako kay Hope at papunta na sila dito sa bahay. Buti nalang kasama nya si Professor Kate kaya 100% na papayagan ako nito. Paglipas ng ten minutes lumapit si Yaya saakin at sinabi nya na nandyan si Hope at si Professor Kate. Napatingin ako kay mommy at lumapit ako sa kanya. Tumango naman sya pero sinamahan nya ako para siguraduhin na si Hope talaga ang pumunta.

Pagdating namin sa sala, nandun si Hope at Professor Kate nakaupo. Medyo nahiya pa si mommy di nya kasi ineexpect na nandito din si Professor Kate. Kaya di na sya masyado pa na nagtanong at agad din akong pinayagan.

Nasa loob na kami ng sasakyan ni Professor Kate. At dun palang ako nakapagrelax. Grabe akala ko talaga di na ako makakalayas dun.

"Salamat Professor Kate,Hope."

" Okay lang, buti nasa malapit lang kami."

"Salamat talaga.." muling saad ko.

Nakarating na kami sa Cafe Bianca, at nandun si Monique at Papa Cyn. Niyaya namin sila sa mall para mag-gala kaso may gagawin si Monique sa Cafe kaya di sya pwede. Si Papa Cyn, syempre pag di sumama si Monique di na din sya sasama. Kaya tinawagan ko nalang si Claude at buti nalang available sya. Ayoko nga na tatlo lang kami third wheel nanaman ako? No way!

Pagdating namin sa mall, pumunta muna kami sa isang restaurant para maglunch. Paikot ikot yung tingin ko sa paligid hinahanap ko kasi si Claude. Maya maya pa nag message sya na di sya makakarating kasi bigla daw syang pinatawag sa Ospital. Napabuntong hininga tuloy ako.

"Kumain kana Happy."

"Sige.." matipid na sagot ko. Napansin ni Hope na wala ako sa mood.

"Bakit ganyan yung muka mo Happy? Hindi ba makakarating si Claude?" Tanong ni Hope.

"Hindi nga eh, pinatawag daw sya sa Hospital."

"Matanong ko lang Happy, anong meron sa inyo ni Claude?" Tanong ni Professor Kate.

"Wala.. we're just a friend."

"Okay, akala ko may something na sa inyo, di lang kasi nakarating si Claude ganyan kana ka-sad."

"Grabe ah, di kami talo ni Claude, Professor. isa pa closed lang talaga kami kasi nagkakasundo kami sa maraming bagay. pero friends lang talaga kami."

Tumango lang si Professor Kate at di na sya nagtanong pa. Kumakain na kami ng lunch ng may biglang lumapit at pag-angat ng muka ko si Doc Lee? Medyo nagulat pa ako at napaiwas tuloy ako ng tingin. Medyo kumabog din ang dibdib ko. Pero narealized ko na bakit ba ako kakabahan? Sino ba sya? Duh.

"Your here, Ms. Choi.." Sabi nya sakin.

"Ay, wala ako dito, multo lang ako, kaya wag mo akong pansinin." Sarkastikong sagot ko. Bakit nandito sya? Sa lawak ng Mall na ito dito pa talaga sya napadpad. Kung minamalas nga naman oh. Napahinto ako sa pag-iisip ng niyaya sya ni Professor Kate dito sa table namin. Tinignan ko sya nakangiti sya at infairness medyo cute sya pag ngumingiti. Ano ba tong iniisip ko. Di sya cute!.

"Dito kana umupo Dan." Pagyaya ni Professor Kate.

Nakipag exchange sya kay Hope ng upuan. Pumayag naman si Hope kaya katabi ko na si Hope ngayon at kaharap ko si Doc Lee. Sa una nag kukwentuhan lang sila ni Professor Kate, nang biglang mapadako ang tingin nya sakin at muli syang ngumiti. Napa-ismid tuloy ako.

"How's the Bible Study? Did you Pray well?" Tanong nya habang nagcu-cut sya ng steak.

"Yeah answered prayer." Sagot ko. Nakakabwisit talagang nagtanong pa ng ganyan.

"Mabuti naman." Sagot nya. Matipid na tumawa si Hope, naririnig ko ang mahinang paghagikgik nya kaya pinisil ko yung leegs nya. Si Professor Kate, napapangisi naman.

"Kamusta naman si Ms. Choi as your student?" Tanong ni Professor Kate kay Doc Lee. Nanlaki tuloy ang mata ko, at nalunok ko bigla yung steak na nasa bibig ko.

"Well, she's doing well.. right, Ms. Choi?"

Di ako nakasagot, nawawalan ako bigla ng gana kumain. Gusto ko na umalis dito at mag-isa nalang mag mag-gala.

"Happy, Okay ka lang ba?" Tanong ni Hope.

"Wala ako sa mood Hope, gusto ko nang umalis dito." Pabulong na sagot ko.

"Bakit naman Ms. Choi?" Tanong ni Doc Lee. Napasimangot ako, narinig nya talaga yung sinabi ko?

"Di kasi nakarating si Claude, kaya kanina pa sya wala sa mood." Sagot ni Professor Kate.

Napatingin ako kay Doc Lee at nakatitig sya sakin. Mukang seryoso na sya. "Si Claude? Dr. Villamor ng Gynecology Resident."

Napailing nalang ako. Ano to? Topic ako? Isa pa bakit nadamay si Claude dito? Hay nako! Tumayo ako para umalis. "Excuse me.." Saad ko, saka ko inabot kay Hope yung bayad sa food at umalis ako. Bahala kayo dyan!.

Tinawag pa ni Hope ang pangalan ko pero di ko na sya pinansin at nagpatuloy nalang akong naglakad palayo.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon