Happy Chantel Choi POV
"What the heck?!.."
Agad akong Napatayo at naglakad palayo kina Hope at Monique, para hindi nila marinig yung usapan.
["Bianca naman bakit nakarating yung anak ko sa Albany?" ] Tanong ko habang mahigpit ang hawak ko sa Cellphone dahil pinagpapawisan ang palad ko. Todo paliwanag naman si Bianca saakin.
Ayaw kasi sa kanya ibigay ni Dannielle si Kalie. Kinausap na din daw ni Kai si Dannielle pero hindi binibigay ang anak ko. Kasi ang gusto ni Dannielle ako ang pumunta sa office nya para sunduin si Kalie. Nakakapang-gigil tuloy. Sarap sampalin ng malakas sa muka itong si Dannielle.
[I'm sorry Happy, pumunta ka nalang dito sa Albany. Ibibigay naman nya kaso ikaw nga daw ang kumuha sa bata."]
"Nakakanis naman yang si Dannielle, ano bang trip nya sa anak ko?! Hindi naman sya ang tatay nyan!." Inis na asik ko. Saka ako napasabunot sa buhok ko. Feeling ko maloloka ako nakita nya si Kalie at masaklap pa alam nya na anak ko yung bata.
["I'm so sorry talaga Happy, di ko kasi namalayan na pumunta pala sina Kyleen at Blaire sa Albany para puntahan si Kai, eh sinama pala nila si Kalie."]
"Okay na Bianca, susunduin ko nalang yung anak ko." Sagot ko saka ko binaba yung call.
Kinakabahan habang natatara na ako. What if Dannielle finds out about Kalie? Shit! magkamuka pa naman sila. Syempre mapapansin nya yun. Si Dannielle pa ba? Napaka galing non mag observed daig pa imbestigador. Nakakastress tuloy.
"Saan ka pupunta Happy? Di pa tapos yung pedicure mo."
"Nako mga beh, pupunta ko muna yung anak ko, kayo na muna bahala dito."
"S-sige.." sagot ni Monique, habang nakatingin sa paa ko. Mukang sira lang paano isang paa ko lang ang may pedicure. Haist talaga!
Kinuha ko yung bag ko at nagpaalam na sa dalawa. Nagpahatid ako sa Albany Medical Hospital sa driver nila Bianca. At pagdating ko dun ay wala na akong sinayang na oras. Nagtungo agad ako papunta sa office ni Dannielle. Halos mapakagat ako sa labi sa gigil sa kanya. Nakakainis talaga!
Habang naglalakad ako, may kung sino na tumatawag saakin, pero hindi ko pinansin. Wala akong time dahil ang nasa utak ko ngayon ay yung anak ko na kasama yung tatay nya na tinaguan ko.
Pagdating sa office nya hindi na ako kumatok, agad kong binuksan yung pinto at si Dannielle ang una kong nakita habang nakaupo ito sa swivel, kaharap yung laptop, mukang nagwowork sya. Napatingin sya saakin at nagtitigan kami ng ilang sandali. Nag ismid ako saka ko hinanap ang anak ko. Nakita ko sina Kalie at Blaire na natutulog sa couch.
Mabilis ko silang nilapitan at ginising si Blaire. Ito namang si Blaire hindi magising. Isa din na tulog mantika parang si Cyn. Ayoko pa naman makipag usap kay Dannielle, baka kasi magtanong pa yan.
"Blaire? Gumising kana dyan aalis na tayo." Paggising ko sa kanya kasunod ang pagyugyog sa braso nya. Umungol lang sya at gumalaw ng unti pero di parin gumising. Kaya tinapik ko na yung pisnge nya.
"Hayaan mo muna silang matulog."
Bigla akong nagfroze sa pwesto ko at napapikit. Shit! Nasa likod ko na sya.
"Bakit hindi mo binibigay si Kalie kay Bianca?" Asik ko. Tapang-tapangan muna ako, baka kasi masindak nya ako pag naunahan nya akong magtaray, lalo na nasa panic state pa ako.
"Dahil gusto kita makita at makausap." Mabilis na sagot nya. Napa'ismid ako saka napakagat sa loob ng labi ko.
"Bakit pa? Wala naman tayong pag-uusapan."
BINABASA MO ANG
Code Blue: Love (INTERSEX)
Romance[COMPLETED] Series IV-Intersex (Finished:JUNE 23, 2023) Dannielle Aleena Lee is a Cardiac Surgeon who works at Albany Medical Hospital. A former Volleyball coach who is a close friend of A-Doctors. (Kai, Kate, Cyn.) For Dannielle, career is the mo...