Chapter 19

10.1K 287 16
                                    

Happy Chantel Choi POV

After namin magdecorate sa Café, niyaya ko sila Hope, Monique, Professor Kate at Papa Cyn sa bahay para mag-karaoke, meron kasi kaming karaoke room sa bahay at di namin nagagamit kasi wala naman marunong kumanta saamin.

Pagdating sa bahay, nag-paluto ako kay Yaya ng food at inumin para saamin. Balak ko na unti lang ang inumin kasi bukas may pupuntahan kami ni Doc Lee. Di talaga mawala yun sa isip ko. Kahit di ako mahilig sa Arts nakakaramdam ako ng excitement.

"Happy ikaw naman kumanta." Sabi ni Papa Cyn. Kinuha ko yung microphone at nagsimula akong kumanta. Lahat sila tumahimik at natulala. Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ng boses ko kasi napakaseryoso nila.

Habang nasa kalagitnaan ako nang pagkanta ko dumating si Claude at Kuya Harry. Bigla nila akong pinagtawanan kaya napahinto ako sa pagkanta.

"Hoy Happy, tigilan mo na yan, kaboses mo yung uwak." Pang-aasar ni Kuya Harry.

"Tuloy mo lang Happy." Sabi naman ni Professor Kate kasunod ng mahinang pagtawa. Di ko tuloy matukoy kung encouragement ba yun o charot lang nya.

"Ayoko na nga kumanta." Saad ko ng may pagtatampo.

Lumapit si Papa Cyn saakin at inakbayan ako.

"Okay lang yan, practice makes perfect. Kumanta ka lang." Saad naman ni Papa Cyn.

"Ate Cyn, ang bait mo yata ngayon." Si Claude na tawa parin ng tawa.

Tuluyan ko ng binitawan yung microphone at umupo nalang. Si Monique at Hope lumapit saakin para damayan ako. Kaso napipikon na talaga ako kay Kuya Harry at ngayon pati si Claude kakampi na nya at inaasar na din ako.

Sumunod na kumanta si Monique. Umpisa palang ng kanta napatingin na kaming lahat sa kanya, gaya ni Bianca maganda din ang boses ni Monique, ang sweet ng boses nya. Si Bianca nga lang pang competition talaga yung boses at mataas. pero di mo maikakaila sa kanilang magpinsan na may talent talaga sila.

Habang nakikinig kami sa kanta ni Monique, napasulyap ako kay Kuya Harry. Tahimik syang nakatayo sa gilid habang nakikinig. Medyo napapangiti pa sya. Pag sa ibang tao ang bait pero pag sa sariling kapatid ang galing mang-bwisit nyan. Kaya lalong nakakainis eh.

Pagkatapos namin magkantahan pumunta kami sa rooftop para mag inuman. Pinigilan ko ang sarili ko na uminom ng madami, ayoko kasi na malasing. Medyo nagtaka pa si Claude kasi ilang beses nya akong inalok ng drinks pero tumanggi talaga ako. Naninibago tuloy sya saakin.

Paglipas ng ilang oras nagdecide na din ang mga kaibigan namin na umuwi. Gabi na din kasi may duty pa ang iba sa kanila bukas. Ang naiwan nalang si Claude. Niyaya kasi ni Kuya Harry si Claude na mag sleepover dito.

"Alam nyo kayong dalawa, hanap kayo ng hanap ng babae na magiging jowa, bakit di nalang kayong dalawa bagay naman kayo." Natatawang saad ko. Biglang lumayo tuloy si Claude kay Kuya Harry. Kaya mas lalo akong natawa.

"Yang utak mo talaga Happy may tama na. Anong pinagsasabi mo dyan?" Naiinis na saad ni Kuya Harry. Pero nag 'bleeh' lang ako at mabilis na umalis.

Iniwan ko na sila sa sala kasi gusto ko na matulog. Pagdating ko sa kwarto ko naligo lang ako, nagtoothbrush at nagpalit ng pantulog saka humiga na sa bed. Di ako agad dinalaw ng antok siguro kaiisip ko sa magiging ganap bukas.

"OMG! What was happening to me?"  Mahinang saad ko sa sarili ko habang nakangiti. Napapasapo tuloy ako sa muka ko at kung minsan pagulong gulong sa bed.

Lumipas ang oras, yung inaasahan ko na matutulog ng maaga ay nauwi sa puyatan. Sa sobrang excitement ko di na ako nakatulog. Dinalaw nalang ako ng antok ng bandang madaling araw na.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon