Chapter 39

9.6K 281 48
                                    

Happy Chantel Choi POV

"Happy."

"Kuya Harry!"

Napayakap ako kay Kuya Harry at hinalikan sya sa pisnge. Namiss ko sya. Ang tagal din namin hindi nag kita. Napansin ko si Lorraine na nasa likod nya. Kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at lumapit kay Lorraine. Karga nya si Hunter na anak nila ni Kuya Harry.

"Hi Hunter.."

Kinarga ko din si Kalie at pinakilala sya kay Hunter. Tahimik lang silang magpinsan habang magkatitigan. Mukang kinikilala pa nila ang isat-isa. Nilapag namin sila at sa una nagkakahiyaan pa pero after ng ilang minuto ay naglaro na din sila.

"Handa ka na ba mabatukan ni Daddy?" Natatawang tanong ni Kuya Harry.

Ngayon kasi ang pagpunta namin sa bahay ng parents ko. Syempre kinakabahan talaga ako dahil alam ko na galit na galit saamin si Dad. Sa ginawa ko ba namang pagtakas at paglihim na buntis ako. Tapos ngayon babalik ako na may dala nang anak. Expected ko na syempre.

"Alam ba ni Mommy na ngayon tayo pupunta?"

"Oo, sya pa nga nagsuggest na sa bahay tayo pumunta at dalhin daw natin yung mga apo nya."

"Kinakabahan ako Kuya Harry."

"Okay lang yan. Hindi ka naman sasaktan ni Dad. Malamang ako ang masusuntok non. Always naman."

Natawa ako, kawawa naman si Kuya Harry. Sya talaga kasi ang palaging napapagalitan at nasusuntok noon ni Dad kahit minsan kasalanan ko naman talaga.

Nagbiyahe kami papunta ng bahay. Ako, si Kuya Harry at kasama yung mga anak namin ang pumunta sa bahay, ayaw kasi ni Lorraine pumunta sa bahay ng parents ko dahil hindi daw nya feel at naiintindihan ko naman sya.

Pagdating sa bahay tinawagan namin si mommy at paglipas ng ilang minuto ay natanaw na namin sya na palabas ng gate at patakbo na papunta sa sasakyan namin.

Bumaba ako ng sasakyan para salubungin si mommy. Nag-iyakan kami dahil sa sobrang pagka-miss namin sa isat isa.  Naalala ko nung umalis ako dito ako pa ang baby girl nila. Ngayon pagbalik ko may sarili na akong baby girl.

"Anak Happy, miss na miss kita. Bakit hindi mo saakin sinabi." Umiiyak na saad ni Mommy.

"Mommy.. I'm so sorry po, natakot po kasi ako."

"Nasaan ang apo ko?"

Naglakad si mommy papunta sa car at binuksan nya yung back seat. Mangiyak-ngiyak sya na niyakap sina Kalie at Hunter. "Ang mga Apo ko na maganda at gwapo." Naluluha pero bakas sa boses ni Mommy ang kagalakan na makita ang mga apo nya.

Kinarga ni Mommy si Kalie habang si Hunter sumunod naman sa kanya. Nagtungo kami sa loob ng bahay. Pero grabe ang kaba sa dibdib ko, nanlalamig na pinagpapawisan din ang kamay ko dahil sa halong emosyon na nararamdaman ko. Napalingon ako kay Kuya Harry, mukang chill lang sya, sanay na yata sya masuntok.

Pagdating namin sa lounge area, nag-utos si mommy sa kay Ate Inday na gumawa ng Juice at snacks para sa mga bata. Kinausap ako ni Mommy at kinamusta. Sinabi ko naman na okay lang kami ni Kalie at tahimik lang ang life namin ngayon sa Europe. Tinanong din nya ako kung sino ang tatay ng anak ko pero wala akong sinagot. Ayoko na malaman ni Mommy na si Dannielle ang father ni Kalie dahil siguradong tatawagan nya sa Dannielle.

"Nasaan po si Daddy?" Tanong ko.

"Nasa office nya, may ginagawang work." Sagot ni Mommy.  Napatango lang ako.

Niyaya kami ni Mommy na pumunta sa room nila dahil may ibibigay daw sya saamin ni Kuya Harry. Iniwan muna namin si Hunter at Kalie kay Ate Inday.

Nang makarating kami sa room nila ni Daddy ay inabot saamin ni Mommy ang isang envelope, tig isa kami ni Kuya Harry non. Agad namin yun binuksan para tignan at nagulat kami dahil may nakalagay sa loob non na title ng property nya dito sa Baguio.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon