Chapter 15

9.3K 279 24
                                    

Dannielle Aleena Lee POV

"Big Dog late ka yata ngayon?" Si Cyn.

"Oo, mamaya pa kasi schedule ko ng 2:00, straight na yun hanggang umaga."

"Nice ang sipag mo talaga. Kaya ka hindi nagkaka-jowa."

"Ayoko ng Jowa, masakit sya sa ulo."

Napatingin saakin si Cyn, kaya tinignan ko din sya.

"Bakit?" Tanong ko. Nakatingin kasi ito saakin na parang nagtataka.

"Masakit sya sa ulo? So meron kang nagugustuhan?"

Napatayo ako bigla, at saka naglakad papasok sa Hospital. Gaga ko, ano bang sinasabi ko?. Agad naman sumunod saakin si Cyn at inakbayan ako.

"Big Dog masyado ka parin malihim. Sino ba yung gusto mo? Taga Ospital ba? Doctor? Nurse?" Sunod-sunod na tanong nya.

Napahinto tuloy ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.

"Meron akong gusto pero ang sakit nya sa ulo at isa pa she impossible, loud at stubborn. Basta nakakainis."

"Ano ba naman yan, minsan ka na nga lang magkagusto sa isang babae mukang Siraulo pa."

Napabuntong hininga nalang ako. Tama sya Siraulo talaga yung babae na yun. Nagtungo kami ni Cyn sa isang Cafe para magkape. Nag-usap kami about sa kanila ng girlfriend nya. May plan pala si Cyn na umalis sa Albany at pumunta sa Paris kasama yung Girlfriend nya. Nakakatuwa lang kasi magsesettle na talaga sila. Kahit si Kai at Kate may maayos na lovelife ngayon. At masaya ako para sa kanila. Ako ito wala..

Paalis na kami ni Cyn para bumalik sa Hospital ng biglang dumating si Ms.Choi at ang mga kaibigan nya.

"Anong nangyari sa noo nya?" Mahinang tanong ko.

Napakibit balikat si Cyn, kaya tinawag nya si Happy. Unang lumapit si Monique at humalik sya kay Cyn. Napaiwas ako ng tingin. Nagpapalpitate talaga ako pag nakakakita ako ng lambingan  sa harapan ko.

"Happy anong yang nasa noo mo?" Tanong ni Cyn.

"Ah ito? Ganda." Sagot nya habang nakaturo sa muka nya. Natawa si Cyn at inasar sya. Pati tuloy ako napatakip ng bibig ko at saka natawa. Minsan talaga may kakapalan ng muka itong babae na ito. To the highest level ang pagkafeeling nya.

"Ewan ko sayo Happy, lakas mo talaga." Saad ni Cyn, saka nya ako niyaya na bumalik na sa Ospital.

Napatingin saakin si Ms. Choi at sa ka ito umismid. Napataas tuloy ang kilay ko. Tatarayan pa nya ako sya na ang bwisit kagabi.

Umalis na kami ni Cyn at naglalakad na kami pabalik sa Hospital. Pagdating dun agad akong dumerecho sa Office ko para gawin ang trabaho ko.

Tahimik lang ako na nagtatrabaho ng mayamaya lang ay may kumatok.

"Come in." Agad naman bumukas ang pinto.

"Doc Lee, naturukan na po ng general anesthesia ang pasyente."

"Okay." Sagot saka ko sinarado ang laptop ko at naglakad papunta ng OR. Isang 75 years old na matandang lalake ang ooperahan ko dahil sa malaking aneurysm sa kanyang aorta. After ko maghugas ng kamay, magsuot ng gloves, surgical gown, mask at lahat ng kelangan bago ang operation ay agad ko nang sinimulan ang surgery.

Pagkaabot saakin ng scalpel sinimulan ko agad ang incision para simulan ang strenotomy. Habang ginagawa ko ang wrapping palibot ng heart ng pasyente. Pinabuksan ko ang heart-lung machine o cardiopulmonary bypass machine, at agad naman yun nag pump ibig sabihin maayos ang pag function ng machine para magbigay ng maayos na pump blood sa heart at lungs ng pasyente.

Muli kong hiniwaan ang isang part sa heart para makagawa ng chamber para madali ko maloclate yung aneurysm sa kanyang aorta.

"Cold." Agad naman inabot saakin ang ice at binuhos ko yun sa palibot ng heart. Makakatulong kasi yun para manatiling malamig ang paligid ng heart during the whole surgery. Meron din kasing arrhythmia ang pasyente na kadalasan umaatake pag abnormal ang electrical circuits sa loob ng heart nya kaya kadalasan ang mga pasyente na meron ng ganyang kondisyon ay nakakaranas ng irregular heartbeat which is higher risk of a stroke.

After ko ma-replaced ang Dacron graft sa aorta, nang hiningi ako ng gaze para itapal sa incision chamber sa loob ng heart. Madami kasing dugo ang lumabas. Nakakatulong kasi ang gaze para madaling ma-absorb ang dugo at mabilis na makita ang incision chamber. Naging maayos at mabilis ang surgery at walang state of arrest sa kabuohan ng surgery.

Lumipas ang mga oras at tapos na ang surgery. Bago ko sya I-suture nagbigay muna ako ng CPR sa  heart, kadalasan kasi after ng surgery di agad bumabalik ang heart sa normal rhythm kaya importante ang CPR after surgery para din ma-regulate yung flow ng blood at oxygen sa heart at aorta. Tinahi na namin ulit ang dibdib ng Pasyente para iclose, after ng surgery isesend muna namin sya sa Intensive Care Unit bago dalhin sa recovery room. Minsan kasi may mga reactions ang pasyente pagtapos ng operation.

Naghugas muna ako ng kamay bago lumabas ng OR, kinausap ko muna ang family ng pasyente para sabihin na successful ang operation. Pagkatapos ko makausap ang pasyente bumalik na ako sa office ko.

"Ang tagal mo naman.."  agad akong napalingon sa couch. Napakunot noo nalang ako ng makita ko si Ms. Choi na nakaupo dun.

"Ano nanaman ginagawa mo dito?" Tanong ko, saka ako umupo sa swivel chair.

"Di ka pa tapos sa duty mo?"  Tanong nya.

Di ako sumagot sa tanong nya. Binuksan ko lang yung laptop ko para tignan ang profile ng susunod kong pasyente.

"Bakit ka ba ganyan? Ano bang problema mo?" Naiinis na tanong nya.

Napakamot ako sa ulo ko saka tumingin sa kanya. Muka nanaman syang bata na naka-pout pa.

"Pinahirapan mo ako kagabi." Maikling sagot ko.

"Huh? Ano bang ginawa ko sayo?"

Napabuntong hininga ako at saka sinara yung laptop ko.

"Basta.." matipid na sagot ko. Ayoko na pag-usapan pa. Nakakasawa ang paulit-ulit na magpaliwanag.

"Nakakainis ka naman Doc Lee. Sinabihan na nga kita nung una na ayaw kong uminom kasi nga baliw ako pag nakakainom pero niyaya mo parin ako diba? Tapos ngayon ganyan ka makitungo saakin?"

"Oo na, ako ang mali. Umuwi kana gabi na." Saad ko. Saka ako tumayo para kuhain ang wallet ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya.

"Magdidinner. Gutom ako." Sagot ko. Mabilis syang lumapit saakin at kumapit sa braso ko. Napatingin tuloy ako sa kanya at binawi ko yung  arm ko. Pero makulit talaga sya. Mas lalo pa nyang hinigpitan ang pag kapit sa braso ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako." Naiiritang Saad ko.

"Ayoko!" Sagot nya.

Pilit kong hinihila yung braso ko at nang mabitawan nya yun ay agad akong lumayo sa kanya.

Palabas na ako ng office ko ng maramdaman ko na niyakap nya ako mula sa likuran ko. Kaya pilit kong tinatanggal yung kamay nya sa pagkakayapos sa tyan ko.

"Ang kulit mo! Bitawan mo ako!"

"Ayoko! Galit ka saakin eh!"

"Ang kulit mo! Pag hindi mo ako bitawan lalo akong magagalit sayo!"

Nararamdaman ko na mas lalo pa nyang hinigpitan yung yakap nya.

"Sige na bati na tayo.. bitawan mo na ako." Saad ko nalang. Lumuwag naman yung pagkakayapos nya.
Humarap ako sa kanya at nakangiti sya habang ako naniningkit ang mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Dinner na tayo? Kanina pa kita hinahantay eh." Saad nya. Saka nya kinuha yung bag nya.

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag. sabay na kami naglakad palabas ng office. Nakaka-drained ng energy itong babae na ito. Ang sakit nya sa sistema ng pagkatao ko. Muli akong napasulyap sa kanya. Ang ganda ng ngiti nya, napailing nalang ako at napangiti din. Hinawakan ko yung kamay nya habang sabay kaming naglalakad palabas ng Albany Medical Hospital.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon