Chapter 43

12.3K 266 52
                                    

Happy Chantel Choi POV

"Dannielle, tingin mo anong maganda dito sa dalawa? Itong pink o itong black?"

Naglakad sya palapit saakin saka yumakap mula sa likuran ko. Habang nakatingin kami sa harap ng body mirror.

"Kahit ano bagay sayo Chantel, pero mas naalala kita sa color pink."

Napangiti ako at tinapat yung pink dress sa katawan ko.

"Maganda talaga ang pink. At bagay ko."

"Yes Chantel, bagay mo ang pink. Ang ganda kasing ganda mo..."

"Dannielle, hindi mo naman ako binobola nyan ah.. Alam mong ayaw ko ng binobola ako."

"Kelan ba kita binola? Sinasabi ko lang naman kung ano ang totoo ah."

"Hmm.. Malay ko ba baka kasi natuto kana mangbola...pero alam mo Honey, kung sabihan mo ako ng pangbobola, maniniwala na ako.." saad ko sabay ang pag pitch sa ilong nyang matangos.

"Bakit naman?" Tanong nya.

"Kasi mahal mo ako. Syempre lahat ng makikita mo saakin ay maganda.. Diba ganon naman talaga pagmahal mo ang tao? Lahat ng bagay na makikita mo sa taong mahal mo ay maganda sa paningin mo."

"So ibig sabihin ba nyan Chantel, maganda din ako sa paningin mo?"

"Oo naman, palagi kang maganda. Kahit di ka maligo, o kahit bagong gising ka.."

"I love you Chantel.."

"I love you too Honey."

Mas hinigpitan pa nya ang yakap nya saakin at nanatili kami ng ilang minuto ng ganong posisyon. Kahit na araw-araw namin gawin ang ganitong bagay ay hinding-hindi ako nagsasawa. Mga simpleng bagay na ginagawa namin ay may kalakip na pagmamahalan. Kaya bawat kilos namin ay mahalaga para saamin ni Dannielle, at tine'treasure namin yun .

"Susunduin ko muna si Kalie sa School." Saad nya, saka sya kumalas sa pagkakayakap saakin.

"Sige Honey, pupunta naman ako sa Office, madami akong kelangan gawin na trabaho." Saad ko.

"Sure Honey, mag-iingat ka sa pagdidrive ah."

Tumango ako saka humalik sa kanya bago sya naglakad palabas ng room namin para sunduin si Kalie sa school.

Four years old na si Kalie, kaya pinasok namin sya sa Albany Nursery School. Exclusive School yun para sa mga anak lang ng mga doctors na nasa residency ng Albany. Mag-classmate sila ni Hunter.

Nakarating ako sa office dito sa company ni Daddy. ang 'Choi Delta Empire' na tinatag ni Daddy. Kami ang gumagawa ng mga equipment na ginagamit sa mga malalaking Hospitals at Pharmaceutical companies sa buong Philippines, Taiwan, Japan, Korea. At isa ang Albany Medical Hospital at Villamor Pharmaceutical Group of Company sa Client namin. Madalas dito sa Company umiikot ang oras ko. Pag kelangan naman ako sa Albany ay nagduduty parin ako as Pathologist. Pero mas pinili ko na tulungan si Daddy sa Company nya. Dahil si Kuya Harry ay focus sa career nya bilang Neuro-Surgeon.

"Director Chantel Choi, nandito po si Chairman Choi."

"Sige papasukin mo."

Maya-maya pa bumukas ang pinto at mabilis akong tumayo para alalayan sya.

"Daddy, bakit maman kayo nagpunta dito? Dapat nagpapahinga muna kayo. Kalalabas nyo lang ng Ospital."

"Anak Happy, wag mo naman ako sermonan. Kaya nga ako nagpunta dito dahil ang ingay ng bibig ng mommy mo. Tapos ikaw din."

"Haist.. Ang tigas kasi ng ulo nyo Daddy. Hindi kayo marunong makinig." Kasunod ang pag'ismid ko.

Gumawa ako tea para saaming dalawa. Pag dumadaan si Daddy dito sa office ko, alam ko na gusto nyang makipag kwentuhan. Kaya kahit may meeting ako, pinapa-cancel ko talaga para lang makakwentuhan sya. Sa taon na lumipas humarap din  ang family namin sa malaking pagsubok nang inatake sa puso si Dad. Naoperahan sya at buti nalang talaga magaling na Cardiac Surgeon si Dannielle at nailigtas nya ang buhay ni Daddy. Nabigyan pa kami ng chance na makasama si Dad.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon