Happy Chantel Choi POV
Off-duty ako today, maaga akong bumangon para mag work-out. Nagbihis muna ako ng workout clothes at nagsuot ng running shoes, syempre para komportable. After ko mag bihis agad akong nagtungo sa Gym namin dito sa bahay.
"Ang ingay.." reklamo ko agad pagkabukas ko palang ng pinto ng Gym. Ang lakas kasi ng music na naka-play. Lumapit ako sa table kung saan nakalagay yung remote ng speaker at pagkakita ko dun ay agad kong i'off yun. Napatingin saakin si Kuya Harry saka nya binaba yung dumbbell na binubuhat nya. Nagtungo sya sa table para kuhain yung remote at I'on yung speaker.
"Wag kang papansin dito, alam mo na pag ganitong oras ako ang gumagamit ng Gym." Saad nya. Saka kuha nito sa dumbbell na kanina lang ay binubuhat nya.
"Hindi ikaw ang may-ari ng Gym na ito, kaya malaya ko din itong gamitin anytime." Sagot ko naman.
Di sya umiimik at napailing nalang sya. Pinatay ko ulit yung speaker at napahinto nanaman sya sa pagbubuhat. Di ko sya pinansin at nagtungo na ako sa treadmill. Binuksan ko na yun at nagsimula ng tumakbo.
Lumapit nanaman si Kuya Harry sa table para buksan yung speaker. Napa-ismid ako at pinatay ko ulit yung treadmill. Nakapameywang na ako habang nakatingin sa kanya.
Padabog kong kinuha yung mga dumbbells at isa-isa ko yun binagsak malapit sa paa nya. Napaiwas sya agad at halos mapatalon pa.
"Fvck! Are you crazy Bitch!" Inis na bulalas nya habang gulat na nakatingin saakin. Kinuha ko ulit yung 3 kilos na dumbbell at binagsak ulit yun sa malapit sa paa nya. Napaiwas ulit sya pero sa pagkakataong ito napaupo na sya sa floor.
"Bwisit ka! Alam mong may ibang tao dito ang lakas lakas mo magpa'tugtog ang sakit-sakit sa tenga ng mga song choice mo!" Naiinis na sigaw ko.
Tumayo Kuya Harry mula sa pagkakaupo nya sa sahig. "Bitch!" Inis na saad nya at saka ito lumapit sa table para kuhain yung tumbler nya.
Lumabas si Kuya Harry sa Gym habang nakasimangot sya. bumalik na ako sa treadmill para tumakbo. Sa kalagitnaan ng pagtakbo ko napansin ko na pabilis ng pabilis ang speed no'n.
"What the!" Sigaw ko habang mabilis na tumatakbo. Napatingin ako sa speed ng treadmill at pataas na nang pataas ang speed nito. Napasigaw na ako di ko na kasi makontrol at di ko na kayang sabayan pa yung speed ng treadmill, hanggang sa tuluyan na ako nitong madala..
Nakasubsub ako sa sahig ng ilang segundo saka dahan-dahan na umupo. Hingal na hingal ako at grabe yung palpitation ko. Napatingin ako sa pinto ng Gym ng marinig ko ang pagtawa ni Kuya Harry. Hawak nito ang remote ng treadmill.
"Nice Cardio exercise.." Saad nya saka nito hinagis yung remote ng treadmill sa ibabaw ng table.
"Bwisit ka!" Sigaw ko sa kanya pero tinawanan lang nya ako at mabilis itong umalis. Napapadyak nalang ako sa inis.
After ko maligo at mag-almusal tumawag na ako ng taxi para pumunta sa Café Bianca. Usapan kasi namin nila Monique at Hope na magkita-kita dun para magdecorate. Magpapalit na kasi ng theme ang Café Bianca kaya kaming tatlo ang umisip ng design nya.
Pagdating ko sa Café, nakita ko si Doc Lee na nakaupo sa isang table. Napangiti tuloy ako ng slight. Lalapitan ko sana sya kaso di ko tinuloy nang mahagip nang tingin ko si Kuya Harry at Claude na nakaupo sa Terrace ng Café. Nakatingin saakin si Kuya Harry habang naka'smirked. Napakagat tuloy ako sa loob ng labi ko sabay napa-ismid.
Nakita ko na bumulong sya kay Claude at napatingin naman si Claude sa dereksyon ko. Ngumiti naman sya kaso nakita ko na bumulong ulit si Kuya Harry at nagtawanan sila.
"Nakakainis talaga.." mahinang bulong ko. Nabaling lang ang attention ko sa iba nang lumapit saakin si Monique at kinausap ako. Habang nag uusap kami ni Monique, napansin ko yung dala nyang order slip at sa table 13 yun kung saan si Kuya Harry at Claude nakaupo. Nag offer ako kay Monique na ako nalang ang magdadala ng order slip sa kitchen at agad naman syang pumayag. Habang walang nakatingin nilagyan ko yung order ni Kuya Harry ng Five.
"Hi Kuya Franco, table13 po. 5 tuna sandwich at 1 avocado shirmp" Saad ko. Ngumiti naman si Kuya Franco at saka ko dinikit yung order slip board. Kumain ka ng madami Kuya Harry, para naman tumaba ka kahit minsan. Natatawang sabi ko sa isip ko.
Lumapit ako kay Hope para tulungan sya mag deliver ng mga coffee sa katabing table ni Doc Lee. Pagkaserve ko sa customer ang coffee nila nilapitan ko si Doc Lee na seryosong nagbabasa ng book.
"Hi Doc Lee."
Napaangat ang tingin nya, nang makita nya ako napangiti sya agad at niyaya nya ako na umupo sa vacant chair dito sa table nya.
"Off duty ka pala, yayaain sana kita mag coffee." Saad nya.
"Pwede naman tayo mag coffee ngayon." Sagot ko. Saka ko tinawag si Christine yung isang staff dito. Nag order ako ng americano at pumpkin cheese cake.
"Nice match. I like it too, pumpkin cheese cake."
Napangiti ako sa sinabi nya at tinignan yung hawak nyang libro about yun sa heart diseases. Sinarado nya yun at nilagay nya sa bag nya.
"Are you busy tomorrow? Yayaain sana kita sa painting exhibition ng friend ko, dito lang din sa Baguio gaganapin."
"Ay gusto ko makapunta sa ganyan Doc Lee." Mabilis na sagot ko.
"Talaga? Sino ang favorite Artist mo?" Tanong nya.
Medyo napalunok pa ako bago nagsalita.
"Mona Lisa." Sagot ko. Omg! Si Mona Lisa lang ang kilala ko.
Natawa si Doc Lee, kaya nagsalubong tuloy ang kilay ko. Ano bang nakakatawa sa sagot ko?
"What about Japanese art painting?" Tanong nanaman nya.
"Hmm..uh-huh..." wala na akong naisagot kaya nagbuntong hininga nalang ako. Wala talaga akong idea sa arts. Ano ba! sana dumating na yung coffee ko!.
Magsasalita pa sana si Doc Lee ng dumating si Christine at dala na nito ang order ko. Bigla tuloy akong nakahinga ng maluwag. Agad kong binago ang usapan at nagtagumpay naman ako.
Paglipas ng ilang minuto nagpaalam na si Doc Lee na aalis na dahil may duty sya.
"See you tomorrow, susunduin kita sa inyo." Sabi nya. Ngumiti ako at saka tumango. Pag-alis nya mabilis kong kinuha yung cellphone ko at nag search ako sa Google about Japanese art painting.
Ayoko magmukang T.A.N.G.A bukas kaya dapat may alam ako. Bakit ba kasi pinanganak akong walang alam sa Arts? Bigla ko tuloy naalala yung bonsai na niregalo ni Doc Lee kay Mommy. Japanese Bonsai nga pala yun, ang naalala ko na sabi ni Daddy ay tinatawag daw yung Ichijiku.
Mahilig sya sa mga Japanese arts, pottery and plants?
Napangiti ako. "Interesting.."
BINABASA MO ANG
Code Blue: Love (INTERSEX)
Romance[COMPLETED] Series IV-Intersex (Finished:JUNE 23, 2023) Dannielle Aleena Lee is a Cardiac Surgeon who works at Albany Medical Hospital. A former Volleyball coach who is a close friend of A-Doctors. (Kai, Kate, Cyn.) For Dannielle, career is the mo...