Happy Chantel Choi POV
Dito sa isang Spa-Royal restaurant namin napiling mag'date ang ganda kasi ng concept ng Restaurant-Spa nila. Dinner tapos after mag kumain, pwedeng mag hot'spring, sauna, facial spa at ang pinaka nagustuhan ko dito ay ang facial acupuncture. Kaya sobrang excited din kami.
"Grabe Doc Lee, ganitong lugar talaga ang weakness ko, naaamoy ko palang lavander-mint scent ng paligid kinikilig na ako."
"Kahit wala pala ako dito kikiligin ka parin?"
Napahinto ako paglalakad at napatingin sa kanya. Seryoso ba sya sa mga pinagsasabi nya? Parang kanina pa ako nabibigla. Sabagay atakihin man ako sa puso nandyan naman sya para buhayin ako. Aw?!
Nakaupo na kami, para mag dinner. Binigyan kami ng menu at nagtingin ng food at drinks. Traditional style cuisine pero mukang masarap at pang Instagrammable pa.
"OmG! nihonshu. Gusto ko uminom nito Doc Lee."
"Sure, inom tayo."
Agad syang nag order ng Nihonshu. Nauna pa kaming nagorder ng alak kaysa food.
"Gusto ko yung after taste ng expensive Nihonshu, para kasing vanilla."
"Yeah, naalala ko noong pumunta ako ng Japan, nakatikim ako ng nihonshu ng Niigatta prefecture. Sobrang sarap, medyo sweet at vanilla din yung aftertaste." Kwento nya.
"Parehas tayo, doon ko din ako unang natikman ng masarap na nihonshu." Saad ko.
"Talaga? My grandmother live there. What a coincidence." Saad nya saka napangiti.
Kinuha ko yung cellphone ko at binuksan ko yung Instagram ko. Pinakita ko sa kanya yung pictures ko at ng family ko noong nagpunta kami sa Nigatta prefecture, Japan.
"Is that year 2019? Nasa Japan din ako ng year na yan eh."
"Yes and same prefecture. Ibig sabihin nung winter ng 2019 parehas tayong nasa Japan at nasa iisang prefecture? Wow." Nagulat na saad ko.
"Oo nga, malay mo nagkita pala tayo ng panahon na yan, di nga lang natin kilala ang isat-isa kaya di tayo nagpansinan.." Natatawang saad nya.
"Nako Doc Lee baka tayo talaga ang para sa isat-isa?" Biro ko sa kanya.
"Baka maniwala ako. Alam mong hindi ako mahilig sa jokes."
Napatitig ako sa kanya na ngayon ay busy na syang tumitingin isa'isa sa mga pictures ko sa Instagram. Maya'maya pa ay napansin ko na kinuha nya yung cellphone nya.
"Accept mo yung request ko." Saad nya.
"Sige." Sagot ko.
Syempre accept agad, si crush yan gurl. Saad ko sa sarili ko.
"my gosh pinagpapawisan ako."
"Hold on, tatawagin ko yung staff para pahinaan yung air-conditioned."
"Ay wag na Doc Lee, okay lang." Sabi ko nalang.
"Are you sure?"
Tumango ako saka matipid na ngumiti.
Dumating yung food namin at yung nihonshu. Grabe ang sarap ng miso soup, napaka balance at ang ganda ng presentation ng foods nila. Kaya agad kong pinicturan para ipost sa Instagram ko.
"Ang sarap ng food." Compliments ko.
"So far, sa mga napuntahan kong restaurants sa area na ito, isa itong Royal ang isa pinaka nagustuhan ko."
"Agree ako dyan, kaya kain ka ng madami Doc Lee."
Napangiti si Doc Lee at saka kami kumain. Nilagyan din ni Doc Lee ng Nihonshu yung 'choko' (Japanese wine cup).
BINABASA MO ANG
Code Blue: Love (INTERSEX)
Romance[COMPLETED] Series IV-Intersex (Finished:JUNE 23, 2023) Dannielle Aleena Lee is a Cardiac Surgeon who works at Albany Medical Hospital. A former Volleyball coach who is a close friend of A-Doctors. (Kai, Kate, Cyn.) For Dannielle, career is the mo...