Chapter 5

10.6K 330 12
                                    

Happy POV

Inabot nya sakin ang isang facetowel, dahan dahan ko yung kinuha at saka pinunas sa braso at muka ko. Nanginginig parin ang katawan ko kaya yakap ko parin ang sarili ko.

"Saan yung address mo? Para ihatid ka ng taxi sa inyo." Tanong nya, gusto ko man magsalita pero Nanginginig pa ang labi ko.

"Hey, are you okay?" Tanong nya.
Di ako makasagot, kaya tumango nalang ako.

"What is your address? Para nga mahatid ka dun."

"G-greeenland S-subd..."urrrgh kung bakit ba kasi ang lamig sa Baguio tapos ganito pang gabi at naulanan ka pa.

Nakarating kami sa harap ng bahay.. sumulyap ako sa kanya gusto ko kasi mag thank you pero nahihiya ako isa pa busy naman sya sa cellphone nya kaya inabot ko nalang yung bayad ko kay manong at saka bumaba. Di ko na sya nilingon pa basta naglakad nalang ako papasok sa bahay.

Pagpasok ko sa bahay, mabilis akong binigyan ni Yaya ng towel at agad ko yung kinuha. Inutusan ko din sya na idry yung bag ko, Waterproof naman kasi yung bag ko kaya di ako nag aalala masyado sa mga gamit ko sa loob.

Pumunta ako ng kwarto ko para maligo at nagpalit ng pajama. Pagkatapos ay kinuha ko yung phone ko para magscroll sa instagram. Ilang saglit lang ay nabitawan ko na yung phone ko at nakatulog na ako.

Kinabukasan nagising ako dahil sa alarm, bumangon ako para mag-prepare, Saturday pero may pasok ako sa Ospital. After ko maligo at magbihis ng Uniform ko bumaba na ako para pumunta sa dining area. Nandun na sila Mommy at Daddy pati si Kuya Harry.

"Good morning anak." Greet ni Mommy.

"Good morning." Sagot ko.

Agad akong pumunta sa refrigerator para magtingin ng ibang food, di ko kasi type yung food na nakahain. Habang nagtitingin ako ng pagkain bigla kong naalala si Doc Lee. Buti nalang dumating sya at pinasakay nya ako sa taxi nya kundi paano na ako makakauwi? Nakaka-guilty tuloy na inaway ko pa sya nung una.

"Hoy! Tulala ka nalang dyan? Tabi nga!" Sabay ang pagtulak sakin ng kapatid ko. Napaismid tuloy ako.

"Nagtitingin pa nga ng pagkain."

"Di ka nagtitingin, nakatulala ka lang.." saka sya bumalik sa table habang dala yung orange juice.

Di na ako sumagot, nabalik yung isip ko sa iniisip ko kanina. Bakit ko ba kasi naiisip yung tao na yun? Muli akong napatingin sa Refrigerator at tumingin ng pagkain, pero ang nasa utak ko yung muka ni Doc Lee. "Sya ba yung gusto kong kainin?" Bigla tuloy akong napa-igtad. Gaga! Kung ano anong iniisip ko. Magpa CT scan na nga ako baka may fungus na yung utak ko. Mabilis kong sinarado yung pinto ng refrigerator at umupo nalang sa upuan para mag-almusal.

"Anong oras ka umuwi kagabi?" Tanong ni Daddy.

"Mga ten na po, basang basa ako sa ulan."

"Bakit kasi di ka nagdadala ng sasakyan eh marunong ka naman magdrive." Sabi ni Kuya Harry. Binigyan ko agad sya ng tingin. Hilig nitong makisali sa usapan.

Alam naman nya yung dahilan kung bakit di ako nagdidrive. Sino ba naman hindi matatrauma kamuntikan na ako mamatay sa car accident a year ago..

Nakarating na ako sa Hospital, agad na yumakap sakin si Hope, kaya nagulat ako.

"Happy, magkasama tayo sa Lab ngayon."

"Huh? Are you serious? Sa Lab ako?"  Tumango sya kaya agad akong lumapit sa Scheduled list. Laboratory no.4, nakasulat nga ang pangalan ko dun.

"Omg! Totoo nga babalik na ako sa Pathology Department" masaya kong saad habang patalon talon pa. Pati tuloy si Hope napagaya sakin. Napahinto kami sa kasiyahan namin ng biglang may umubo na halatang pilit. Kaya umayos kami ni Hope at napatingin sa kanya.

"Ngayon lang yan, sa Monday sa ibang Department ka ulit mag-aasist."

Ang aga-aga ito nanaman sya. Napatingin ako sa muka nya napansin ko na namumula ang ilong nya at medyo paos ang boses nya. May sipon ba sya? Pero umalis din sya pagkatapos nyang sabihin yung sinabi nya. Di ko na sya pinansin at bumaling ulit ako kay Hope.

Kung kahapon sunod sunod ang kamalasan ko, ngayon kaswertehan nanaman. Yeah! Tapos wala pang pasok bukas kaya mas lalong okay pa sa okay.

Mag-hapon akong nag-enjoy sa Lab, kung dati iniisip ko pa lang ang laboratory ay inaantok na ako, ngayon hinahanap hanap ko na to. Mas gusto ko na dito kaysa araw araw akong ipapadala sa ibang mga Department para mag-aasist.

"Happy, bukas punta tayo nila Kate sa mall? Wala naman pasok diba."

"Ay go ako dyan, alam mo naman ang mga paa ko ayan talaga ang hanap." Mabilis kong sagot. Infairness naman kay Hope di na sya masyadong mahinhin, totoo palang nagbabago ang tao. Pero ang galing nya, mahal na mahal talaga nya si Professor Kate kaya kahit sa harapan ko mga mapangahas silang naghahalikan, di na ako nirespeto bilang single na sawi.

Natapos ang buong araw ng duty namin, inaayos ko lang yung report ko at saka ako pumunta sa office ni Doc Lee.

"Wala nanaman sya." Napaismid ako at lumapit sa table nya ng may mapansin akong note dun. Pinapaiwan nalang nya yung report ko dahil nasa Operating Room sya. Napansin ko din yung gamot na nasa ibabaw ng table nya. May sakit nga sya, hmmn.. mahinang nilalang.. ang pagkakatanda ko ako ang naulanan kagabi at hindi sya.  Napailing nalang ako habang binubuksan ang bag ko at saka ko kinuha ang report ko at nilagay yun sa ibabaw ng table nya. Napansin ko yung apple na baon ko.

Di ko pala ito nakain kasi buong araw akong masaya at kakwentuhan si Hope. Kinuha ko yung apple at inilapag yun sa ibabaw ng table nya, bago ako tuluyang umalis.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon