MAUREEN (POV)
Malapit ng mag alas 6 pero hindi parin nakakauwi si mama. Ngayon lang yata siya umuwi ng matagal ah.
Tapos na akong magluto at hinihintay ko nalang si mama para maghapun.
Dalawang linggo na simula ng umalis dito si Lucas, ayaw kong umasa na babalik siya pero maghihintay parin Ak,'- napatili ako dahil biglang bumukas ang pinto ng kubo namin at pumasok si mama na hinihingal.
Mama a-nong nangyari sa inyo.? tanong ko kay mama
Punong puno ng pawis ang kanyang mukha na tila walang tigil sa pagtakbo.
Hindi niya ako sinagot, bagkus ay pumasok sa kwarto namin at kinuha ang aking pack bag na naglalaman ng mga importanteng bagay at ipon Namin. Binigay ni mama sa akin ang aking pack bag at hinawakan ang kamay ko.
H-alina k-ana M-aureen.!
Hinihingal na wika ni mama sa akin at pinatay ang mitsa na nasa mesa.M-ama bakit po,!?
M-amaya na ako magpapaliwanag anak tumakbo na tayo.
Hinila ako ni mama papunta sa ilog at agad kaming tumawid sa kabila. Nakarinig ako ng putok ng baril kaya halos mawalan ako ng malay.
Mama,! Nakita na niya tayo,! Nanginginig na wika ko kay mama.
Shhh, tumakbo ka lang anak at wag titigil. Makakatakas din tayo ng ligtas. Mama said
Mas lalo akong natakot dahil sa maraming ilaw galing sa flashlight na nakasunod sa amin.
Mas binilisan namin ang takbo ni mama, kahit na hihirapan ako dahil sa mahabang bistida na suot ko. alam kong marami na ding sugat Ang paa ko dahil mahapdi na ito.
Give me back my daughter Marina,!!!
Nanginig ako dahil sa sigaw ng taong kinamumuhian ko.
Takbo anak.!!
Hindi binitawan ni mama ang aking kamay, kahit halos madapa na ito. Tumulo ang luha ko dahil naawa ako kay mama.
Lucas help us,! Bulong ko sa hangin
Napaluhod si mama kaya dinaluhan ko siya. Nakayuko ito sa lupa at hinihingal,
u-malis k-ana ereen at iwan mo na ako. Mama said
Napahagolhol ako at marahas na umiling, Hindi kita iiwan mama kahit anong mangyari hindi kita iiwan.
Hinatak ko ng marahan si mama pero nawalan ng kulay ang aking mukha ng may malagkit at basang bagay na nahawakan ko sa kanyang likod. Napatingin ako sa aking kamay at kahit madilim naaninag ko parin ang pulang likido sa aking palad. Hindi ko napigilan ang humagulhol ng malakas
M-ama, m-ama tara na po h-umanap t-ayo ng m-atataguan p-lease ma-ma ko.!
Hindi sumagot si mama kaya inalalayan ko siyang makatayo. Nagpahila naman ito sa akin. Malayo pa kami sa bayan kaya kailangan kong humanap ng m-atataguan kailangan. Hindi ko rin magagamot si mama dahil hindi sa bag na ito nakalagay ang medkit ko.
May nakita akong malaking puno ng akasya, kaya inalalayan ko si mama papunta doon.
Pagdating namin sa puno kitang kita ko ang mga ilaw galing sa flashlight na malapit na sa amin.
Pinaupo ko si mama sa lupa sa may paanan ng puno hindi kami madaling Makita dito dahil sa malalaking ugat ng akasya na nakapalibot sa amin. hinang hina na si mama at subrang putla na rin. Pinunit ko ang laylayan ng aking bistida at tinabil sa sugat ni mama. Kahit nanlalabo ang aking paningin dahil sa luha nagawa ko parin ng maayos.
Mas lalo akong naiyak ng haplusin ni mama ang aking pisngi.
I-wan m-o na ako e-reen anak,! Pariho tayong m-apapahamak p-ag hindi mo A-ko i-niwan.
Umiling ako habang tinatakpan ang aking bibig dahil malapit na sa amin ang mga yabag.
H-indi k-ita i-iwan m-ama please wag niyong s-abihin iyan ikaw n-alang ang meron ako m-ama ikaw n-alang m-ama ko. Bulong ko kay mama
H-anapin mo si Lucas anak tu-tulongan ka niya. M-aawa ka ereen bata ka pa at marami ka pang p-wedeng g-awin sa b-uhay. Anak ko ha-nggang dito n-alang ang kaya ni mama, hindi ko na ka-yang tu-makbo pa ereen. Hi-ndi lang isa ang Tama ng baril sa katawan ko anak.
Mas napahagolhol ako dahil sa sinabi ni mama,! Hindi ko siya iiwan kahit mamatay kaming dalawa dito hinding Hindi ko siya iiwan .!
May sinuot si mama sa aking leeg. Hindi ko na tiningnan pa kung ano iyon, dahil kailangan naming makaalis dito ng ligtas.
G-anito nalang a-nak tumakbo kana at h-umingi ng tulong.
Umiling ako dahil sa sinabi ni mama.
Hindi kita iiwan mama please.!
M-aureen m-akinig ka sa ak-in ka-hit n-gayon lang, kung pariho tayong aalis dito ma-abutan nila tayo, kaya t-umakbo kana at h-umingi ng tulong.
______&
Enjoy reading And please follow and vote for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
MARKED BY UNO (TVDM #1) Complete "
Actionthe five handsome but deadly billionaire, create a band named MASTER'IOS." sumikat ang Banda nila Hindi lang dito sa pilipinas kundi sa buong Mundo. handsome faces, well built body, billionaire.Ganyan sila kung ilarawan Ng mga tao. Pero walang kahit...