Chapter 2

2.4K 51 0
                                    

Habang papalit sa counter, lahat ng mga estudyante nakatingin sa bawat hakbang niya.

Bakit parang solo flight ako? Bulong niya sa sarili.

‘Yong kaninang magulong paligid, parang nag-slow motion ngayon.

"This is the last customer who ordered the  cake, Michelle?" Narinig niya mula sa lalaki.

Totoo na naka-s-starstruck ito. Gwapo, matangos ang ilong, makinis ang balat, at neat itong tingnan. Parang ang bango-bango at kaysarap  yakapin.

Pero kakaiba ang mga mata nito. Napakaseryoso niyon at hindi man lang kumukurap. Animo’y sinaniban ito ng kung ano sa itsurang iyon. Mukha tuloy itong dominante.

Walang imik at hindi man lang ngumingiti na iniabot nito ang cake sa kan’ya. Samantalang kanina, halos mapigtas na ang mga labi nito sa kangingiti sa ibang customer.

May lahi ba itong angrybird?

“Miss Nastasha, your camera?” tinig muli ng lalaki.

Dinig niya ang tawanan ng ibang customer dahil sa nakitang pagkatulala niya.

“Kukunin ko lang ang cake. Kahit wala ng pictures,” aniya habang tinitimpi ang inis. Kinuha niya sa kamay ng kaharap ang cake.

Subalit, nang magdikit na ang mga palad nila ng lalaki, mabilis siyang napaatras. Parang napaso siya sa mga kamay nito at nagdala iyon ng bolta-boltaheng kuryente sa buo niyang katawan.

Huminga siya nang malalim at kaagad na iwinaksi iyon sa isipan. Kinuha niyang muli ang cake saka tinalikuran ang lalaki nang walang kahit anong salita.

Ayaw niyang maging katulad ng mga babae roon, na animo’y myembro ng kulto nito kung makasamba sa lalaki. Normal na tao lang naman ito at walang espesyal na kung ano.

“Cake mo, Madam Alexa!” Pabagsak niya iyong inabot sa kaibigan.

“Anong nangyari at hindi ka nagpa-picture?” nakangangang tanong nito.

“No need. . . There's nothing special to him,” malakas  niyang tugon.

"There's nothing special to whom, Miss Natasha?" Boses mula sa kan’yang likuran.

Natawa ang kaibigan niya sabay harap sa bagong dating na lalaki.

“Sir, she needs an extra icing for this cake to make it more special," salo ng kaibigan niya.

Nakasunod pala ang lalaki sa kaniya.

Biglang namula ang mga pisngi niya sa hiya.

“Nice idea. But maybe. . . next time—I will consider it. And since she don't want to take a picture. . . you can claim it," wika nito kay Alexa.

“Sure!” malapad ang ngiting sagot ng kaniyang kaibigan.

Hindi siya tumingin sa mga ito. Narinig na lang niya ang tunog ng flash ng camera sa phone ng kaibigan.

Balewalang nagsimula na siyang kumain ng cake at coffee jelly. Saka inabala ang sarili sa  pagbabasa ng libro.

“Thank you for ordering! And please. . . enjoy!” wika pa ng lalaki bago umalis.

Nakahinga siya nang maluwag, nang hindi na makita sa paligid ang may-ari ng coffee shop na iyon.

“Gwapo niya, friend!” tili ni Alexa.

“Sus! Sa una lang pakilig mga iyan. T’saka naririnig mo ba sarili mo, Alexa?” Umingos niya sa kaibigan.

Tumawa lang ito.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon