Chapter 16

1.1K 37 6
                                    

Pinagpawisan siya habang nakatitig sa binata na nasa harapan niya. Hindi niya mawari kung paano siya magsisimulang magsalita.

"I'm hungry. Can you offer a glass of water before we eat?" Seryoso ang mukhang walang abiso itong pumasok sa loob, saka iginala ang paningin sa paligid.

Sumunod siya na nagtataka.

"Sir Cedrick, teka lang po. Anong ginagawa ninyo?" nakapameywang niyang tanong.

"You live here?" tanong nito na hindi pinasin ang sinasabi niya.

Napataas ang isang kilay niya. Iba ang dating ng tanong na iyon nito sa kaniya.

Uminit bigla ang kaniyang ulo.

"Pasensya na po, ah! Ito lang kasi ang kaya kung bayaran. Hindi kasi ako kasingyaman ninyo!" padabog niyang tugon. Naniningkit ang mata niya at gustong-gusto ng tirisin ang lalaki.

He just smirked at her, then asked, "Where's your kitchen?"

Doon lang niya napansin ang mga supot na dala nito na mukhang sa mamahaling restaurant pa galing.

Hindi pa siya nakasasagot ng lumapit ito sa lagayan ng mga pinggan at ito na mismo ang naglagay ng mga pagkain sa maliit niyang mesa.

"This is your kitchen, right?" Nilinga siya nito.

Umirap siya. Kapagkuwa'y kinuha ang upuan na nakatupi sa gilid, saka kumuha ng tubig at ibinigay sa lalaki.

"Ito ang tubig at maupo ka muna. Ayusin ko lang mga pagkain. Ano bang nakain mo at dito mo naisipang mag-snack?"

"Thank you, Babe."

Narinig niyang sambit ng lalaki. Mahina lang iyon kaya hindi siya sigurado kung tama nga ang nadinig niya.

Guniguni lang niya siguro. Bumubulong siyang tumalikod dito.

Hindi na niya ito tatanungin kung bakit nalaman ang lugar niya. Malamang kay Mang Pedring dahil inihatid siya roon kanina.

"Nakahain na po, Sir Cedrick. Nasaan ba ang sectetary mo at hindi niya ito magawa para sa 'yo?"

Nakatayo siya sa harapan nito, habang ang lalaki ay nakatitig lang sa kaniya. Muli siyang napatitig dito. Mukhang pagod nga ito at gutom na. Kaya napatigil siya sa pagdaldal.

"Are you done talking?" amused na tanong nito at tiningnan ang mga pagkain. "Why do you think my secretary would do these things for me? Except you saw her here with me," dagdag sarkastikong wika nito.

Napaawang ang mga labi niya. Oo nga naman. Wala nga naman itong aasahan na gumawa noon kundi siya.

"Come, let's eat," yaya nito nang hindi siya sumagot.

Tumayo ito at inabot ang silya na inupuan sa kaniya.

Umiling siya. "Hindi na. Maupo ka na lang diyan. Kukuha na lang ako ng mauupuan ko."

Ibinukad niya ang isa pang nakatuping upuan. Binili niya iyon, dahil minsan ginagawang tambayan ni Alexa ang boarding house niya. Minsan doon ito natutulog para lang makipagkwentuhan sa kaniya.

Nakita niyang tumayo ito at kumuha ng isang plato. Nilagyan nito iyon ng pagkain, saka inabot sa kanya.

Atubiling kinuha iyon. Sa dami ng pagkaing naroon parang dinner na iyon.

Sandali niya itong tiningnan. Pero nakatingin din pala ito sa kaniya.

Nagtama ang mga mata niya kasabay nang biglang pagkabog ng kaniyang dibddib. Subalit pilit niyang binabalewa ang kakatwang damdaming iyon.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon