Chapter 4

1.4K 38 0
                                    

"Alexa, baby!" salubong ng Kuya Alexander nito sa kaibigan.

"Kuya. . . I'm not a little girl anymore." Umirap ito sa kapatid bago nagbeso.

Umakbay ang kuya nito kay Alexa, saka humarap sa kaniya.

"This is Natasha, right? Gorgeous, huh," manghang wika nito.

"Yes, Kuya! Kaya ipakilala mo na siya sa mga friend mo mamaya para magka-boyfriend na."

Siniko niya ang kaibigan.

Tinawanan lang naman ito ng kapatid at niyaya sila sa lamesa. Pinakilala sila nito sa mga kasama at maging girlfriend nito.

"Gillian, this is my sister Alexa and her friend, Natasha. Girls, this is Gillian," masayang pakilala nito sa kanila.

Matipid itong ngumiti. Mukhang mabait at hindi maarte sa paningin niya. Maganda at simple lang ang ayos. Palagay niya'y magkakasundo ito at si Alexa.

"Hi! Nice meeting you two." Tumayo ito at ginawaran sila ng halik sa pisngi.

Tumingin siya sa kabilang dulo at nakita niya ang isa pang kapatid ni Alexa, na kausap ang babaeng katabi na halos nakayakap na.

Napailing na lang siya.

Tumabi sila malapit kay Alexis. Nakasimangot na umupo sa tabi nito ang kaibigan.

"Ito na ang gift ko, Kuya Alexis." At ibinigay nito ang books na binili nila kanina.

"Thank you, sister," wika nito na sa kaniya nakatingin.

Ngumiti siya at binati itong muli. Nakita niya kung paano dumilim ang mukha ng babaeng kasama nito.

Bigla siyang siniko ni Alexa.

"Aray! Bakit?" pabulong niyang tanong.

"Umpisahan mo nang akitin ang Kuya Alexis ko, friend. Ayaw ko sa kasama niya," ganiting bulong nito sa kanya.

Nasa ganoong sitwasyon sila nang biglang dumating ang isa pang bisita. Dahil busy silang magtsismisan, hindi nila iyon pinansin.

"Dude! Mabuti naman nakarating ka! Akala ko wala nang halaga ang pagkakaibigan natin, eh." Mabilis na tumayo si Alexis at sinalubong iyon.

"Happy birthday, Dude! Ikaw pa ba?"

Biglang siyang natigilan nang marinig ang boses ng lalaki. Pamilyar kasi iyon sa kaniya.

Saan nga niya narinig iyon? Tanong niya sa sarili.

"Guys! This is Engineer Cedrick Thompson, my college friend," malakas na pakilala ni Alexis rito.

Nagkatinginan sila ni Alexa, na parehong nilingon ang lalaki. The man who was standing in front of them, was the owner of the coffee shop!

Literal na napanganga silang dalawa. At parang gusto na niyang magtago sa mga sandaling iyon.

Nakita nilang pareho ni Alexa na sa may tabi niya ito mauupo. Kaya mabilis na tumayo ang kaniyang kaibigan at doon naupo.

"Sit down here, bro." Ipinaghila pa ito ni Alexis ng upuan.

Eksaktong paupo na ito nang magtama ang mga mata nila. Malakas ang tibok ng puso niya habang hindi ito hinihiwalayan ng tingin.

Seryoso ito. At mukhang hindi rin sila nakilala ni Alexa.

Huminga siya nang malalim.

Kunsabagay, sa dami ba naman ng tao sa shop kanina, maaalala pa nga ba sila nito?

Nag-umpisa ng kumain ang lahat. Samantalang siya, hindi alam ang kukunin sa dami ng pagkain.

"Friend, ano na? Hindi ka ba kakain?" Siko ni Alexa sa kaniya.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon