Chapter 33

1K 41 17
                                    

"Babe? Something's wrong?" Pinisil nito ang kamay niya.

Boses pa lang ng binata, kahit lasing, talagang malakas na ang hatak sa pagkatao niya. Nasanay na siya na laging sumusulpot na lang ito sa harapan niya. Ayaw niyang masanay, pero hinahanap na niya nag presensiya ng lalaki, kahit ang endearment nito sa kaniya. Parang normal na lang. Masarap pakinggan na parang gusto na niyang nasa tabi lang ito palagi.

"Babe. . . I'm sorry kung mabilis. Pero ikaw talaga ang tinitibok nito." Kinuha nito ang kanang kamay niya at itinapat sa dibdib.

Napaatras siya at pilit binawi ang kamay. Tumingin siya sa paligid dahil baka biglang lumabas ang kaniyang ina at kapatid.

"Sir—"

"Stop calling me sir. I am not your boss." Hinapit nito ang beywang niya.

Napakagat-labi siya.

"And how many time did I warned you not to bite your lips. Please. . . baka makalimot akong narito tayo sa kubo ninyo." Inilapit nito ang mukha sa kaniya.

Amoy niya ang alak na ininom nito, pero mas lamang pa rin ang mabangong hininga ng binata.

Napapikit siya dahil hindi niya kayang titigan ito nang ganoon kalapit. Sa lakas ng tibok ng puso niya, hindi na niya alam ang sumunod na nangyari. Naramdaman na lang niya ang mga labi nito na lumapat sa mga labi niya. Banayad ang mga halik na iyon at nanunuot sa katawan niya ang bawat haplos ng kamay nito sa loob ng damit niya.

"S-Sir. . . Cedrick. . . hmm. . ." Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman sa oras na iyon.

"Say my name, babe. I love you," wika nito ng pakawalan ang labi niya.

Umangat ang mukha niya at dalang-dala na siya ng damdaming lumulukob sa pagkatao niya.

"Cedrick. . ." wala sa sariling sambit sa pangalan ng binata.

"Sounds good, babe," wika nito.

Muling lumapat ang mga labi nito sa kaniya nang may pananabik. Narinig niya ang munmuting ungol ng binata na lalong nagpawala sa matinong kaisipan niya.

"Ate," mula sa loob ng bahay ay narinig niya ang boses ng kapatid.

Naitulak niya ang lalaki at tumingin sa loob. Nakita niyang may bitbit itong mainit na tubig sa tasa at lagayan ng kape.

"Ate, tulungan mo nga ako rito. Pinadala ni Nanay. Timplahan mo raw kape si Kuya Cedrick." At inabot ang tasa na may mainit na tubig.

Tumingin siya sa kapatid na nakangiti.

"Bati na ba kayo? Wala ng LQ?" bulong nito.

"Anong nakita mo? I mean, anong sinasabi mo?" siko niya dito.

Tumawa ito at tumingin sa binata.

"Kuya Cedrick, okay ka lang ho?" wika ng kapatid.

"Yes. Ayos lang ako." Gumanti ito ng ngiti sa kapatid niya.

"Ayusin ko lang ang mga ginamit ninyo ni Tatay. Gusto mo ba kumain ulit, Kuya?"

Napailing na lang siya. Kadaldal talaga ng kapatid niya.

"Okay na ako sa kape." At tumingin ito sa kan'ya.

Noon niya naalala ang kapeng tinitimpla niya. Inabot niya iyon sa binata.

"Thank you and I love you," bulong nito sa hangin habang nakatingin sa kaniya.

Kumunot-noo siya at tumingin sa kapatid. Nakangiti ito. Pinandilatan niya ito ng mata.

"Lasing na nga isang ito," baling sa binata.

"Ate, wala akong nakita at napansin. Dadalhin ko lang ang mga ito sa kusina." Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ng kapatid

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon