Chapter 23

1K 38 12
                                    

Isang mapayapang araw iyon para sa kaniya, dahil mabilis na lumipas ang isang linggo at bumalik na si Mr. Thompson sa kaniyang trabaho. Ang anak nito ay lumipat na sa sariling opisina. Sa kabilang building lang naman iyon kung tutuusin. Pero bakit hinahanap niya ang presensya ng lalaki roon? Nakakahiya man aminin pero na-m-miss niya ito.

Nag-prepare sila ni Emma ng mga dokumento para sa general assembly na gaganapin ngayong araw. Pagkatapos niyon ay inayos niya ang mga gagamitin ni Mr. Thompson.

Napatingin siya sa isang signing contract na nakalista roon. Iyon ang kontrata para sa hinahanap ni Mr. Thompson na modelo. At napaswerte naman nang makakakuha niyon dahil half a million ang talent fee.

Wow! Ang laki! Parang isang buong course nang kapatid niya sa isang university ang presyo niyon.

Naalala niya ang pinag-usapan ng mag-ama noong nakaraang linggo. Hindi talaga mapigilan ang patuloy na paglago ng company ng mga Thompson. Bukod sa Thompson Builders Corporation, may bagong mall itong itinayo. Isipin mo pa lang kung gaano na kalawak ang negosyo ng mga ito. At hindi naman iyon kataka-taka dahil masiipag ang mga ito.

"Natasha, hija, naka-ready na ba ang lahat?" tanong mula sa pintuan ang boses.

Nakita niya ang maaliwalas na mukha ng matandang Thompson. Mabilis siyang tumayo at nagbigay galang dito.

"Yes, Sir. Everything is ready," bibong sagot niya.

"Good. Intayin lang natin ang iba para makapag-start na tayo," tugon nito. At muling pumasok sa loob ng opisina.

Inayos niya ang sarili para presentable naman siya sa harap ng ibang investor.

"Hi Natasha, sabay na tayo mamaya pagpasok sa conference room," wika ni Emma. May dala itong sandamakmak na mga papel.

Napakunot-noo siya.

"Bakit parang ang dami mong dala? Para saan ang mga iyan?" tanong niya rito.

"Si Sir Alexis ang inaatasan na mag-distribute ng company profile sa ibang investor, kaya nag-print ako ng marami," nakasimangot nitong wika.

Umiling at natawa siya sa tinuran ni Emma.

Anong drama kaya ni Alexis? Pwede namang sa power point at i-send sa e-mail para paper less na din.

Mga ilang minuto pa at isa-isa nang dumating ang mga investor. Nagbigay galang sila at sumunod sa loob. Nakita niya si Alexis sa dulo katabi ang bakanteng upuan, habang si Emma ay d-n-distribute ang mga nasa folder na dokumento. Nasa bandang kanan siya ni Mr. Thompson na ngayon ay nakaupo sa unahan.

"Mr. Alexis Bormeo, where's Cedrick?" tanong ni Mr. Thompson, saka tumingin sa relos.

Biglang kumabog ang dibdib niya nang marinig ang pangalan ng binata.

"At the parking lot, Sir." Tumayo si Alexis at magalang na sumagot.

Tumango lang ang matanda at bumaling sa kaniya.

"Natasha, can you get my eyeglasses on my table. I think this eyeglass is not suitable here," bulong ni Mr. Thompson.

Ngumiti siya at yumukod, tanda ng paggalang, saka nagmamadaling lumabas. Nahagip ng mata niya ang noon ay nakangiti ng si Alexis. Yumukod lang siya at gumanti ng ngiti.

Napatigil siya sa paglakad nang maalala niya ang duplicate ng susi ng opisina ng boss niya. Kinapa niya iyon sa bulsa. Nabunutan siya ng tinik sa lalamunan ng makapa iyon. Ayaw kasi niyang bumalik para lang sa susi.

Nang makarating siya sa loob ay hinanap agad ang pakay. Nakita niya iyon sa may tabi ng frame ng mag-anak. Ang ganda ng ngiti ng mga ito. Siguro mga fifteen years old lang ang binata roon at ang kuya nito ay nasa eighteen. Naakbay ang mag-asawa sa mga ito. Napansin niya ang mga initial sa suot nitong tshirt, CK and GJ.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon