Chapter 6

1.5K 38 0
                                    

Cedrick Thompson. Isang sikat na engineer at may-ari ng malalaking gusali na itinatayo sa bansa. Popular na endorser ng ilang sikat na clothing brand abroad. May pagkamatinik sa mga babae, at isang sikat na artista sa showbiz sa ngayon ang na-l-link dito.

Sa estado ng buhay binata, pakiramdam niya kompleto na ang buhay niya. Lahat nakukuha niya, maging negosyo man o mga babae.

Nagtayo siya ng isang coffee shop, dahil sa request ng ilang kaibigang mahilig sa ganoong lugar, lalo na kapag may mga hang-over, o kaya kapag may pag-uusapang importante. Malayo man sa linya ng mga negosyo niya ang isang iyon, pero sumubok pa rin siya. Naging successful naman ang opening noon. At ngayon, ang pinsan niyang si Michelle ang nag-aasikaso ng lahat doon.

Naisipan niyang muling bumisita roon, isang taon na nakalipas. Iyon din ang huling bisita niya sa kaibigang si Alexis.

Nasa ibang bansa siya ngayon para sa isang project na itinatayo ng ama at siya ang pinamahala nito sa  building design. Ginawa talaga niya iyon para mapapayag ang ama sa susunod niyang malaking project pagbalik sa Pilipinas.

"Cedrick, hijo, ayos na ba ang design na ilalapat sa rooftop?" boses iyon ng ama.

"Yes, Dad. Actually, me and my team coordinated to board of director at pirma mo na lang ang kulang," sagot niya na nakangiti sa ama.

Inabot niya ang isang folder sa ama. Nakita niyang pinasadahan nito iyon ng tingin. Sa awra ng mukha ng ama, masaya ito sa naturang disenyo.

"Good! This is perfect, son! Kahit kailan hindi mo talaga ako binibigo." Tinapik siya nito sa balikat.

"Thanks, Dad." Yumakap siya sa ama.

"So, paano? Ibibigay mo na ba ang titulo ng lupa na gusto ko? Magandang gawing mall at mga condo ang property na iyon. Sayang naman kung nakatingga lang," wika niya sa ama.

"Balak ng mommy mo na ipagawang private resort iyon at may blueprint na rin. Pero sang-ayon ako sa plano mo. Hahanap na lang ako ng ibang lugar para sa pagtatayuan resort. Lambingin mo lang mommy mo." Ngumiti ang kaniyang ama sa kaniya.

Lumapad naman ang  pagkakangiti niya sa sinabi ng ama. Mabilis lang namang lambingin ang mommy niya.

Subalit, may nais pa siyang sabihin dito bukod doon. Isang desisyong nabuo sa isip bago umuwi.

"Dad, tutal ayos na ang lahat dito. . . I want to go back in the Philippines," aniya sa ama.

"Of course, son!" mabilis nitong pagpayag.

Nawala naman ang agam-agam sa dibdib niya at ngumiti ritong muli.

"If there's a problem here, call me immediately, okay?" pahabol niyang wika sa ama bago tumayo.

Tumango ito, saka pa lang siya tuluyang lumabas ng opisina nito.

"Yes! Another successful plan!" naisigaw niya sa hangin habang nakatanaw sa bintana.

Inilabas niya ang ginawang design para sa pinakamalaking plano niya pagbalik sa Pilipinas. 

"Sir, tumawag na po ang clothing brand to set a meeting with you," boses iyon ng kaniyang secretary.

"Cancel it. And tell them, I will not accept any endorsement until next year," seryoso niyang wika rito.

"Alright, Sir. But I would just like to remind you that your contract will expire two months from now."

"Then, don't sign any contract with them. Book a ticket back to the Philippines," utos niya rito.

Lahat ng mga natitirang trabaho niya ay ipinaasikaso niya sa kaniyang sekretarya. Hindi pa naman niya talaga totally tatalikuran ang pagiging modelo. It's just that he has other priorities right now. At iyon ang proyektong binubuo niya sa isipan.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon