Chapter 22

1.1K 34 8
                                    

Halos hindi siya makatulog ng oras iyon. Nakatitig pa rin siya sa bulaklak na nasa table.

Tumingin siya sa orasan. Pasado alas-dos na nang madaling araw. Tatlong oras na mula nang ihatid siya ni Cedrick, pero gising na gising pa rin ang diwa niya.

Sinusubukan niyang ipikit ang mga mata pero mukha ng lalaki ang nakikita niya.

"Cedrick Thompson!" Bumalikwas siya sa higaan.

"Tumayo siya at kumuha ng gatas sa mini fridge. Pabagsak siyang umupo sa upuan at nagsimulang inumin ang malamig na gatas. Kinalikot niya ang kaniyang cell phone para manood ng mga korean movies, pero text ni Ken ang biglang nakita niya.

Two minutes ago?

"I'm drunk, babe. Are you still awake?" Bungad sa kaniya ng mensahe.

Kumunot-noo siya at kinabahan sa uri ng text ng lalaki. May kurot sa dibdib niya ang maikling mensahe na iyon. Mas lalong naghalo emosyon niya.

Tutal hindi rin siya makatulog, patulan na lang niya ang chat nito.

"Yeah! Do you have a problem?" sagot niya rito

"I want you and I miss you. Can we meet? Won't you be angry?"

"Bakit naman ako magagalit. Nang makita na rin kita ng personal," reply niya.

Hindi ito nag-reply. Naghintay siya ng thirty minutes, pero wala pa rin hanggang mararamdan niya ang pamimigat ng talukap ng kaniyang mga mata.

Siguro nakatulog na ang loko na iyon, bulong sa sarili at nag-alarm ng phone.

*****

Maagang siyang dumaan sa bahay ng mga Thompson dahil tumawag ang ama ni Cedrick na ready na ang mga dokumento. Almost seven in the morning iyon, kaya hindi siya ma-l-late pagpasok sa opisina, dahil eight thirty pa naman ang start ng office hours. Kahit mugto ang mga mata at antok ay pinilit niyang gumising ng maaga.

Nag-doorbell siya para malaman ng mga guwardiya ang presensya niya sa labas. Ngumiti naman ang guwardiya nang makilala siya.

"Good morning, Ma'am Natasha. Naghihintay na po sila sa loob," anito.

Napakunot-noo siya. Bakit sila? Baka naman si Mrs. Thompson ang kasama.

Tumango na lang siya at pumasok.

Maganda talaga ang garden ni Mrs. Thompson. Napakaraming bulaklak ang namumukadkad doon. May mga daisy, rose, orchids at iba pang naggagandahang mga halaman. Makikita rin dito ang mga nagliliparang mga paruparo na malayang nakikipaglaro sa hangin. Kaya hindi siya nagtatakang magtayo ito ng flowershop dahil sa hilig nito sa mga bulaklak.

Narating niya ang sala at hinanap ang mga tao roon.

"Ma'am Natasha, iwan ninyo muna ang mga gamit dito at sumabay na kayong mag-almusal sa kanila," magalang na bugad ng kasambahay roon.

"Naku, huwag na po. Kukunin ko lang po ang mga papeles," aniya.

"Naghihintay pa naman si Sir Cedrick. Umakyat lang siya saglit sa kwarto niya," sagot nito.

Kinabahan siya sa sinabi nito. Akala niya sa condo ito natulog?


"Natasha, you're here. Come, join us," ani Cedrick na bigla na lang sumulpot sa kung saan at nilapitan siya.

Lumingon siya rito. He looks very handsome in his skyblue long sleeves and black pants paired with black shoes. Napakalinis nitong tingnan at halos lahat yata ng damit na suotin nito ay bumabagay sa lalaki na lalong nagpapatingkad sa kagwapuhan nito.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon