Chapter 9

1.3K 37 3
                                    

"Going home?" mula sa kung saan ay tanong ng lalaking nakasandal sa isang haligi ng pasilyo.

Napaatras siya at humakbang pabalik. Natakot siya na baka lasing ito at galing sa loob ng bar.

"You're gonna leave me again? Just like the last time we've met."

Napatigil siya. Pamilyar ang malagom na boses na iyon sa kaniya.

Ipinilig niya ulo. Baka naman nagkakamali lang siya.

Kinuha niya ang cell phone sa bag at tinawagan ang driver ni Alexis. Napakunot ang noo niya nang may mensahe roon mula sa unknown number kanina.

"Please, reply. . . Can you be my text mate?"

"Sus! Kung mang-g-good time ka lang huwag ako." Umismid siya.

Subalit, bago pa niya ma-i-dial ang numero ng driver ay may biglang humablot ng kaniyang telepono.

"Ibalik mo iyan!" bulyaw niya sa kaharap, pagkuwa'y umaangat ang mukha niya.

Tinamaan naman ng liwanag ang mukha ng kaharap.

"I can buy you more of this," anito na hindi ngumingiti. "I've been talking to you, but you're not paying attention to what I've said." At ipinasok nito sa sariling bulsa ang phone niya.

Nagulat siya nang makilala ito. "M-Mr. Thompson. . . kayo pala. Pasensya na ho, hindi ko alam na ako pala ang kinakausap ninyo," nauutal niyang sagot.

"Tayo lang ang tao rito, so obvious na ikaw lang kausap ko," pasupladong tugon nito at lumapit sa kaniya.

Dahan-dahan siyang umatras. "Pwede ko na ho bang makuha a g telepono ko? Pauwi na rin po kasi ako, eh."

Pero iba ang isinagot nito. "Bakit mo hinahayaang sumama sa ibang babae si Alexis, kung ikaw ang girlfriend niya?"

Lihim siyang natawa sa sinabi ng lalaki. Pero gusto niyang sakyan ang imahinasyon nito. Makaganti man lang sa ginawang pang-iinis sa kan'ya.

"Normal naman sa mga lalaki ang ganiyang galawan. Kung gusto niya, bakit pa ako maghahabol? At isa pa, problema ko na iyon. Kaya ibigay mo na ang phone ko at ng makaalis na ako, Sir!" may diing wika niya.

"No." Umiling ito. "Ako na lang maghahatid sa 'yo kung hindi ka niya ihahatid." Agad siya nitong hinawakan sa braso at hinila palapit.

"Kaya kong umuwing mag-isa! At saka, bakit ba ikaw pa ang maghahatid sa akin, eh, andiyan naman ang driver niya sa labas."

"Well. . . mas okay naman akong kasama kaysa sa driver ni Alexis. Hindi naman obvious di ba?" sarkatiskong tugon nito.

Itinulak niya ito. "Excuse me! Magbabyahe na lang akong mag-isa. At kung ayaw mong ibigay ang phone ko, kay Ku—kay Alexis mo na lang ibigay!" mataray niyang wika sabay nilampasan ang binata.

"Alexis? So, first name basis, huh. Walang endearment?"

"Eh, ano naman ngayon?"

"Alam ba ito ni Dad? That you and Alexis have a relationship? Hindi ba may policy ang kompanya? That you shouldn't get involved in any intimate relationship within the company, other than being subordinates?"

Napatigil siya sa paghakbang.

"I think, you're breaking the rules here. And I don't tolerate that kind of environment," matigas na dagdag pa nito.

Napalingon siya rito.

Nabigla siya nang hilahin nito ang kamay niya at inilagay roon ang kan'yang cell phone.

"Let's go!" anang lalaki sa hindi mababaling tinig.

"No! I can't—"

"You don't want or gusto mong ngayon pa lang ay tanggalin na kita sa pagiging secretary ni Daddy?" may halomg pananakot na wika nito.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon