Chapter 36

1K 33 13
                                    

Pagpasok sa banyo ng binata sinubukan niyang lumabas sa kwarto pero hindi niya mabuksan ang pinto. Hinanap niya ang lock button pero wala ito. Pagtingala niya may nakita siyang isang sensored red light.

Sensored ang pintuang ito? Bulong niya sa sarili.

Sibukan niyang i-adjust ang sarili at tumapat doon pero ayaw bumukas. Napagod na siya kaya hinawi na lang niya ng kurtina, saka tumanaw sa malawak na karagatan.

Mula sa kinatatayuan niya makikita ang asul na tubig at luntiang kapaligiran. Talagang mala-paraiso ito. Panalo na ang mga Thompson sa pagbili ng resort na iyon.

Ang mala-maldives nitong buhangin at mga naggagandahang cottage ay nakatutuwang pagmasdan. Perfect lagyan ng mga jetski at mga sasakyang pang-sports ang resort na iyon.

Iba talaga ang mayayaman, isang pitik lang ng kamay mabibili na ang gusto nila.

Nasa ganoong pwesto siya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa banyo.

"Like the view, babe?" Tinig mula sa likuran niya.

Tumango lang siya.

Nainis siya dito nang maalala ang pintong naka-lock.

"Bakit mo ini-lock ang pinto—" Napatigil siya sa pagsalita nang makita niyang nakatapis ito ng towel.

Kitang-kita niya ang mga butil ng tubig sa katawan ng binata. Walang mapagsidlan ang kakisigan nito at parang isang goddess ang kagwapuhan. Kahit sino yatang babae ang makaharap nito ay hahanga rito.

"Done checking? Did I pass?"

Tinig nito na nagpabalik sa kaniya sa katinuan.

Napakagat-labi siya at tumalikod sa binata na pulang-pula ang mukha.

"Magbihis ka na at pakibuksan mo ang pintuan ng makakilos ka nang maayos. Gusto ko na ring lumabas." Malakas ang kabog ng dibdib niya.

Narinig niya ang pagtawa nito.

"You need to practice this scenario, babe." At lumapit ito sa kaniya.

"Cedrick! Ayusin mo na sarili mo ng makabalik na tayo sa bahay. Baka hinahanap na tayo nila Tatay," madiing wika niya.

"Alright!" sagot nito at hinapit ang bewang niya, saka hinalikan ang batok niya.

"Cedrick, binabawi ko na ang kasunduan natin sa game." Tuluyan na siyang nainis sa lalaki dahil sa kakulitan nito.

Napatigil ito at hinila siya paharap.

"No, hindi ako papayag," anito.

"Then, magbihis ka na sa loob ng banyo o mag-iintay ako sa labas," irap niya sa binata.

Tinaas nito ang kamay tanda ng pagsuko at ngumiti.

"Okay. Stay here and I'll fix myself."

At tinanggal ang towel na nakabalot sa katawan.

Napalunok siya nang makita ang halos hubad nitong katawan, kahit naka-boxer shorts na ito.

"Cedrick Thompson! Ngrrr. . . !" nasambit na lang niya sa inis at tumalikod sa binata.

Isang malakas at malutong na halakhak ang pumailanlang sa buong kwarto.

Maya-maya pa ay tumahimik ang paligid at naamoy niya ang preskong pabango nito. Nanununuot ang swabeng amoy sa buong kalamnan niya.

"Done, babe. Let's go outside. By the way, this door is censored to me." Itinaas nito ang kamay saka bumukas iyon. "I need to indicate your hand here." Saka nito kinuha ang kamay niya at pinatong sa isang aparato sa gilid, habang pinipindot ang password.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon