Chapter 43

1.1K 38 12
                                    

Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong kay Natasha nang magising. Halos hindi niya maigalaw ang katawan. Nakatitig siya sa puting kisame nang maalala ang lahat.

"Alexa. . ." mahinang tawag sa kaibigan.

Pero ang gwapong mukha ni Cedrick ang bumungad sa kan'ya. Sa ilang araw nilang hindi pagkikita, parang tumanda ito ng isang taon.

Bakit parang humaba ang balbas nito?

Nakatitig lang siya sa kamay niya na hawak ng binata, na mukhang nakaidlip sa tabi ng kama na hinihigaan niya. Iginalaw niya ang kamay para makuha niya ang atensiyon nito.

"Babe? Are you awake?" anito sa malamyos na tinig at hinaplos ang mukha niya. "Nurse. . . Nurse!

Nakita niyang mabilis na pumasok ang mga tinawag at tiningnan ang vital status niya.

Bakit parang ang OA ng mga ito. Gising na siya at mukhang okay naman ang pakiramdam niya.

"Mr. Thompson, stable na po siya after three days of being unconscious."

Tatlong araw na siyang naroon? Ganoon ba kalala ang nangyari sa kaniya?

"Thanks, God! Thank you, Dra," anito sa mahinang tinig.

Ipinikit niyang muli ang mga mata, dahil pakiramdam niya naglakbay siya sa malayong lugar. Hinang-hina ang katawan niya. Naramdaman na lang niya na umalis na ang mga ito at naiwan ang binata.

"Babe, open your eyes. Stay awake, please. . ." Naramdaman niya ang paghalik nito sa kamay niya.

Muli niyang iminulat ang mga mata.

"Nasaan si Alexa?" mahinang tanong niya.

"She's okay with Alexis outside. Do you want to talk to them?"

Napahinga siya nang malalim at lihim na nagpasalamat na maayos ang kaibigan niya.

Tumango siya. Tinawagan naman ng binata si Alexa gamit ang phone. Ilang sanadali pa ay pumasok ang mga ito.

"Natasha! Kumusta na pakiramdam mo?" Yumakap ito sa kaniya.

"OA mo, Alexa. Okay lang ako." Ngumiti siya rito. "Ikaw? Bago ako mawalan ng malay, nakasubsob ka sa manibela. May sugat ka ba o nasaktan ka ba?" Hinawakan niya ang braso nito.

"Pasa sa hita at braso, iyon lang. Salamat sa airbag. But I'm really sorry for what happened," naluluhang wika nito.

"Ano ka ba! Accident lang iyon. Hindi naman mangyayari iyon kung hindi kita niyaya, di ba?" mahinang wika niya.

"Natasha, how are you?" singit ni Alexis. "Tatlong araw kang walang malay. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Hinawi nito ang buhok na tumakip sa mukha niya.

"Masakit pa ang katawan ko, Kuya Alexis." Nagpilit siyang ngumiti sa lalaki.

Narinig niya ang pagtikhim ni Cedrick sa likod nila.

"Dude, pwedeng mangumusta but don't touch her," seryosong wika nito

Sa hilatsa ng mukha nito mukhang susugod sa giyera.

"Dude, kagigising lang ni Natasha-"

"Then, go out! Magpapahinga muna siya."

Natawa si Alexa at Alexis.

"Natasha, babalik na lang ulit kami mamaya. Higpit ng bantay mo, ah! Thompson, ayusin mo ang pagbabantay sa kaibigan ko. Baka mamaya makapasok ang mga tauhan ng Athena na iyon, ikaw malalagot sa akin. Kuya, halika ka na." Muli siyang niyakap ng kaibigan. "Mapagaling ka kaagad. See you later."

Natawa si Alexis saka siniko ang binata sa tagilaran. Nang makalabas na ang mga ito, ipinikit muli niya ang mga mata.

"Babe, stay awake. Gutom ka ba? Gusto mo kumain ng prutas?"

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon