Chapter 12

1.2K 36 0
                                    

Nabigla siya nang may dalawang text message na nag-appear sa phone niya.

"Hija, I'm sorry. Na-lowbat ang cell phone ko. But anyway, see you later." Galing iyon kay Mrs. Thompson.

Napabuntonghininga siya sa nabasa. Nawala ang pag-alala niya sa isip nang malamang hindi pala ito galit.

"Hi! Sorry nakatulog ako, kaya ngayon lang ako naka-text ulit. How are you?"

Kinabahan siya. Galing kay Ken ang isang mensahe.

Hindi siya nag-reply rito.

"You always made my day." Iyon ang laman ng sunod na text.

"Ako ba pinaglololoko mo? Kung serryoso ka talaga, bakit hindi ka nagpapakita?" inis na sagot niya.

"Kapag wala na kayo ng boyfriend mo."

Natigilan siya sa sagot nito.

"Ewan ko sa 'yo! Huwag ka na din magpadala ng kung ano-ano rito!"

"Iyon na nga lang ang nagpapasaya sa akin aalisin mo pa."

"Aba't—"

Natigil siya sa pag-r-reply nang biglang tumunog ang doorbell. Lumabas siya at tiningnan iyon.

"Miss Natasha, dear! This is Mia from the Kingdom of Kingdom," masiglang sabi nang nasa gate.

Natawa siya sa sinabi nito. Akala niya babae si Mia, isang pala itong binabae.

"Tuloy kayo. Pwede n'yo i-park muna sasakyan dito sa loob. Maliligo lang ako saglit," wika niya.

Alas-tres pa lang ng hapon at seven pa ang start ng dinner.

"Sige maligo ka na kamahalan at ihahanda ko lang ang mga gagamitin mo," anito.

"Bakit may gown?" napabulalas niyang sambit.

"Ito ang napili ni Madam para suotin mo," sagot nito.

Ngumiwi siya. "Talaga bang dapat ganito ang suot? Dinner lang naman ang pupuntahan ko."

Tumawa ito.

"My innocent princess, that's not a typical dinner. Maraming fafah doon at puro business associates ang makahaharap mo. Kaya kailangan mong magpaganda nang bongga. Kaya ano pang hinihintay mo? Sige, maligo ka na at nang masimulan na ang ritwal," pagtataboy nito sa kaniya.

Natawa siya. Ritwal talaga? Mukha ba siyang hukluban.

Magaan agad loob niya sa baklitang ito.

"Okay. Pasensya na at marami akong tanong." Saka niya kinuha ang tuwalya at pumasok sa banyo.

Mga thirty minutes siyang naligo at nakatapis lang nang lumabas.

"Susme! Kung ako'y naging tunay na lalaki, hindi ko mapapalampas ang eksenang ito! Iba talaga pumili si madam!" palatak ni Mia.

Napakisap nang mabilis ang mga mata niya.

"Ops! Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Hindi tayo talo dear!" irap nito pero nakangiti.

Inabot nito ang bath robe sa kaniya at isinuot iyon.

"Teka lang. Ako na." Maingat na kinuha niya at isinuot iyon.

"Parang hindi mo na kailangang ayusan, girl! Pero dahil kagustuhan ni Madam, kailangan kung gawin utos niya," anito.

Nagsimula na itong ayusan siya. Napapapikit siya habang may inilalagay ito sa mukha niya.

Natatawa lang naman sa kaniya si Mia. Pasadong alas-sais ay natapos iyon at umalis na sila.

"Bongga ang ganda mo! Ito na yata ang perfect creation ko!" tili ni Mia noong nasa sasakyan na sila.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon