Chapter 34

1K 39 17
                                    

Kinabukasan bisperas ng piyesta at abala ang lahat sa pagluluto.

Tinanghali siyang nagising at wala na ang kapatid sa tabi niya. Halos alas-kwatro na ng umaga siya nakatulog. Kaya nang tumingin siya sa orasan, alas-onse na ng umaga. Napahilamos siya ng mukha.

Ako yata ang may hangover! Bulong niya.

Inayos niya ang kama saka lumabas ng kwarto.

"Good morning sa ate kung sleeping beauty! Katagal mo namang magising, ah. Ayon, umalis na tuloy ang prince charming mong may hangover." Malawak ang ngiti ni Nathalie nang masalubong niya ito sa salas. "Tapos na nila lutuin ni tatay ang litson. Maliligo raw muna siya at sinundo ng tauhan niya. Pero may kasamang magandang babae ito." Nagkibitbalikat ang kapatid niya.

Nakasimangot siyang nilampasan ito.

"Mukhang sweet 'yung dalawa kasi umakbay siya sa babae, Ate," dagdag pa ito.

"Ano naman ngayon? Buhay niya iyon kaya huwag nating pakialaman. Ikaw, may maitsismis ka lang. Tsk. . . tsk. . . Anong ulam natin?" ingos niya rito.

Pero may kung anong sakit ang naramdaman niya sa dibdib.

Lasing nga lang talaga siya kagabi. At ako naman, tatanga-tanga! Naniwala agad! Bulong niya.

Kinuha niya nang pabagsak ang tootbrush at bumalik sa kwarto niya. Kinuha roon ang towel saka pumasok ng banyo.

Napatingin siya sa salamin habang nag-tootbrush. Naalala niya ang lalaki kagabi, saka wala sa loob na hinawakan ang labi niya.

Erase! Lasing lang siya kagabi! Tingnan mo nga at may sumundo raw na babae kanina. Kasama siguro sa resort.

Napabuntonghininga na lang siya. Masyadong mapaglaro ang lalaking iyon.

Binilisan niya ang pag-t-tootbrush at naligo. Paglabas niya, napansin niya ang cell phone na wala na sa lagayan. Naiwan niya ito kagabi na nakalagay sa may lampshade pero nasa lamesa na ito. Sa kabilang dulo, andoon pa rin nakatupi ang damit ng lalaki na isinuot niya noong naabutan siya nito na naka-one piece sa dagat kahapon, at ang suot nito kagabi na damit at pantalon.

Bakit hindi nito isinuot iyon at iniwan na lang? Gagawin pa yata siyang tagalaba.

Kinuha niya iyon at isinama sa mga lalabhan niya. Kumuha rin siya ng maiksing short at isang maluwang at manipis na damit. Mainit ang panahon at gusto niyang ma-relax. Mamaya naman ay mag-aayos din sila ng mga gagamitin sa pagluto ng tatay niya.

Paglabas niya naamoy niya ang niluluto ng ina niya.

"Morning po." Yumakap siya rito.

May tumikhim sa likuran niya.

"Mukhang maganda ang gising ng sleeping beauty natin, 'Nay," panimula ng kapatid niya.

"Good morning, anak. Natahalie, ika'y tumigil-tigil sa pang-asar sa ate mo. Nasaan ga ang tatay mo?" tanong ng ina sa kapatid niya.

"Nasa labas po. Tinatapos lutuin ang litson," nakangiting sagot ni Nathalie.

"Ganoon ga? Siya, doon na lang tayo kumain sa kubo. Dalhin mo areng mga pagkain at pinggan doon," baling ng ina rito.

"Halika na. At itigil mo na iyang bibig mo." Hinila niya ang kapatid.

Esaktong nakahain na nang dumating ang kapitbahay nila na si Aling Esme.

"Esme, aba'y nalipat ka dito. Anong gang atin? Pumarne ka at nang makakain muna," tawag ng kaniyang ina sa may-edad na babae.

"Naku, nagpasama lang areng binata ko. Kahapon pa daw natan-awan na dumating si Natasha mo. Nahihiya yata," wika nito na kasunod lang ang binatang anak.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon