Chapter 13

1.1K 35 2
                                    

Natatarantang lumabas siya ng mansyon. Parang bibigay ang tuhod niya sa kahihiyan.

Sandali siyang tumigil at wala sa sariling napahawak sa kan'yang dibdib, na kaybilis ng pagtibok. Ipinilig niya ang ulo saka muling binilisan ang mga hakbang. Nakita niya na kumaway si Mrs. Thompson sa kan'ya. Sumenyas ito na lumapit siya sa kinaroroonan nito.

Napahinga siya nang malalim at gumanti ng ngiti rito.

Biglang may dumaang waiter na may dalang alak. Kumuha siya at nilagok lahat ng laman. Medyo mapait iyon at ang init ay umaabot hanggang sikmura.

Napapikit siya saka dahan-dahang nagmulat ng mga mata.

"Drink moderately." At isang kamay ang humapit sa bewang niya.

Nilingon niya ito.

"Mr. Thompson!" nabiglang saad niya.

"Call me, Cedrick," anito.

At tuluyan na siyang hinapit paharap at hinalikan sa noo.

Pinilit niyang baklasin ang kamay nito, pero mas lalo yatang humigpit ang yakap sa kaniya.

Isang tikhim ang narinig nila mula sa likuran.

"Son, mamaya na iyan. Ipakilala mo muna si Natasha sa mga bisita," ani Mrs. Thompson. Nakangiti itong tumingin sa kaniya.

Napayuko siya at hindi makayang tingnan ito.

Kumunot ang noo ng binata at lumuwag ang yakap sa kaniya.

Gusto na niyang matunaw na lang na parang kandila sa hiya at kaba.

She heard Cedrick sighed. "Everyone, this is Natasha. But if you have questions, sarilinin niyo na lang ang mga iyon. Because I don't want to publicly announced my relationship to someone," he said.

Napilitan siyang ngumiti at sumakay sa drama ng mag-ina. Pakiramdam niya hindi niya ma-e-enjoy ang gabing iyon. She was like a robot following every order of Cedrick and his mother. Kung hindi lang siya empleyado ng mga Thompson nag-walk out na siya kanina pa roon.

"This is your son's girlfriend?" tanong ng isang babae na kaharap nila.

Hindi ito ang babae kanina na pinangakuan na ipakakasal ang anak sa binata.

Sasagot na sana siya nang biglang umawat si Mrs. Thompson.

"Son, bring Natasha on the table and give her some foods."

Ngumiti ang binata at inalalayan siyang umalis sa nakapalibot sa kaniyang mga tao.

"Excuse us," wika ng binata bago siya hinila palayo.

"She's nice and looks innocent, Amiga." Narinig pa niyang sabi ng isang kaibigan ni Mrs. Thompson.

Mas lalo siyang nakaramdam ng pagkapahiya.

"What do you want to eat?" pukaw ng binata sa lumilipad niyang isi.

Naramdaman niyang hinapit muli ng binata ang beywang niya. Nilingon niya ito at matapang na hinarap.

"Mr. Thompson sa ginagawa mo ngayon hindi ito gugustuhin ni Alexis."

Napaawang ang mga labi ng lalaki at blangkong tumingin sa kaniya.

Para namang hindi niya kayang panindigan ang tapang na meron siya ngayon, dahil sa titig na iyon. Unti-unti niyang ibinaba ang kaniyang paningin.

"Then, why do you pretend and follow along with my mother's drama? And why are you even here, instead of Alexis?" sunod-sunod na tanong nito.

Tumalikod siya dahil pakiramdam niya babagsak na ang mga luha niya.

Ano bang isasagot niya rito? tanong niya sa sarili.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon