Chapter 20

1.1K 38 11
                                    

Pagbalik sa opisina inayos niya ang pagkain sa mini-refrigerator sa pantry para initin na lang mamaya. Tama rin naman ang naisip ng lalaki para makatipid na rin. Pero sa dami ng pagkain baka hindi pa rin nila maubos iyon.

Nang matapos ay bumalik na siya sa table at inayos ang mga natitirang papeles na pipirmahan. Pero kailangang ang matandang Thompson ang pumirma ng mga iyon. Sa isang araw pa naman kailangan kaya ipapadala na lang niya iyon sa lalaki.

Abala siya sa pagdikit ng mga sticky notes ng tumunog ang cell phone niya.

"Hi! How's your lunch?" mula kay Ken.

Sumilip muna siya sa bintana ng opisina ng boss niya, dahil baka makita siya nito. Pero abala ito sa pagpindot sa sariling cell phone.

Mabilis siyang nag-reply.

"Okay naman. Hindi nga lang ako makahinga sa sobrang pagkabusog. Marami kasing pagkain, pero dalawa lang kami. But in fairness, masarap at nag-enjoy naman ako," sagot niya na ngumingiti pa habang nag-s-send ng mensahe.

"That's good! I miss you," sagot ni Ken.

Biglang kumabog nang malakas ang dibdib niya. Muntik na niyang mabitawan ang telepono.

Muli siyang tumingin sa pwesto ng boss niya, na noon ay hawak ang phone at nakatingin sa kaniya. Nagtama ang paningin nila at parang may kung anong gustong iparating ang mga tingin nitong iyon. Napapangiti pa ito na tumingin sa screen ng cell phone nito. Mukhang maganda ang sinasabi ng ka-chat, kaya siguro ganoon ang lalaki.

Ikinurap-kurap niya ang kaniyang mga mata at ibinalik ang paningin sa teleponong hawak.

"Natasha. . . I said, I miss you," muli ay galing kay Ken.

Hindi niya alam kung sasagutin ba iyon o i-d-delete na lang. Pero minabuti na lang niyang ibaba ang aparato at saka tinungo ang pantry. Pakiramdam niya inuhaw siya bigla.

Ano bang isasagot niya roon? Hindi pa nga niya alam kung anong itsura ng lalaki. Ayos lang naman kahit hindi ito gwapo. Pero iyong makita mo ito ng personal at makilatis mo, iyon ang importante.

Sabi nga ng lalaki, nakita na siya nito sa birthday party ni Alexis. Subaalit, paano naman siya? Ni hibla ng buhok nito ay hindi niya yata nakita noon.

Pero, baka naman dahil lasing siya noong mga panahong iyon kaya hindi niya ito napansin?

Gosh! Nakakahiya kaya ang eksenang iyon.

Ipinilig niya ang ulo at saka tumingin sa kisame. Bitbit ang lagayan niya ng tubig ay naglakad siya pabalik sa kaniyang lamesa. Per nagulat siya nang biglang may bumangga sa kaniya.

"Tipaklong!" nabitawan niya ang dala niya.

Mabilis na nasalo ng binata ang dala niya at agad siyang tiningnan sa magkasalubong na mga kilay.

"Hey! That's too low. Sa gwapo kong ito, kamukha ko ba ang tipaklong? O baka naman may problema ka sa akin kaya palagi mo akong tinatawag na ganiyan?"

Nagulat siya, pero sandali lang iyon. "Bakit kasi bigla na lang kayong sumulpot diyan, Sir!" sagot niya nang halos mayakap na ito. Amoy niya ang pabangong hindi yata nawawala, bagkus sumasama pa iyon sa katawan nito. Kaya bahagya pa siyang napapikit.

Pero bigla siyang napamulat nang walang sabi-sabing hinapit nito ang bewang. Napakagat labing mabilis niya itong itinulak upang magkaroon ng pagitan ang mga katawan nila.

"Oh, sorry. I was just looking for you because I have something to ask. But. . ." Naiwan ang mga labi nito na nakaawang ng tumitig sa kanya. "Biting your lips again?" pabulong na tanong nito.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon