Chapter 28

1K 37 13
                                    

Nakatanaw siya sa bintana ng condo niya at isang linggo na halos wala siya sa mood magtrabaho. Sa tagal na panahon, ngayon lang siya naging ganito.

Muli niyang naalala ang huling usapan nila ni Natasha. Dinaramdam pa rin niya ang rejection nito sa kaniya.

Kinuha ang phone sa bulsa at tumingin siya roon. Picture ito ng dalaga noong una silang magkita sa coffee shop. Palihim niyang kinuhanan ito. Parang baligtad nga ang lahat, kasi dapat siya ang kasama sa picture pero tumanggi ito.

Unang kita pa lang sa dalaga, talagang na-hypnotized na siya nito. Na kahit walang gawin ang dalaga kuhang-kuha nito ang lahat ng atensiyon niya. At nadagdagan pa ito nang magkita sila sa birthday party ni Alexis at nakawan siya ng halik ng dalaga.

Umalis siya ng bansa at inalis ang mga alaala nito para maka-focus siya sa trabaho niya, pero nagkamali siya nang bumalik ng Pilipinas. Mas lalo niya itong na-miss, lalo pa at nagtatrabaho ito sa kompanya ng daddy niya.

Biglang tumunog ang telepono niya.

Si Alexis.

"Pare, kumusta ka na? Pahiram muna kay Natasha. Lunch date muna kami," anito mula sa kabilang linya.

"Mag-impake ka na ngayon din ng mga dokumento mo, Bormeo!" inis na sagot niya.

Isang halakhak ang narinig mula rito.

"Ikaw naman, relax! Magpapatulong lang ako sa kaniya para paamuin ang secretary ko. Halos hindi ako kinikibo, pare. Pero malinis naman at magaling sa mga gawain," wika nito.

Narinig niya ang buntonghininga nito.

"Siguraduhin mo lang, pare. Kamusta na siya?" biglang nasambit niya.

"Bakit hindi mo kaya tawagan at ikaw ang magtanong sa kaniya niyan." Natawa ito.

"Sige, bye na. Kung malapit ka lang nakuwelyuhan na kita, Bormeo. Ingatan mo siya at huwag mo siyang hahawakan," matigas niyang wika.

Isang malakas na tawa ang narinig niya bago ibaba ang telepono.

Na-imagine pa lang niya na magkasama ang dalawa. Gusto niyang lumipad papunta doon, pero pinigilan niya ang sarili.

Paano ko ba makukuha ang loob niya?

Isang malakas na buga ng hangin ang pinakawalan niya at muling tumanaw sa bintana.

Naisipan niyang pumunta ng mansyon.

*****

"Hi, Dad and Mom!" masiglang wika niya nang makarating.

"As per your secretary, you don't go to your office for almost one week? Any problem, son?" wika ng mommy niya.

"No, Mom. Dad, can we talk later?" baling niya sa ama.

"Sus! Kilala kita Cedrick Ken! Ayusin mo ang sarili mo. Nagdesisyon na ako na ibigay sa iyo ang titulo ng lupa na gusto mo. Iyon ba ang problema mo?" dugtong nang ina niya.

Napatingin siya sa ina.

"In one condition, give me a grandchild and bring your wife her," seryosong wika ng nito.

Ikinagulat niya ang hiling ng ina.

"Mom, are you sure? A wife? Akala ko ba apo lang?" wika niya rito.

"A grandson with a loving wife. That's it." At inabala na nito ang sarili sa magazine na binabasa.

"Dad! Can you help to find that girl?" tanong niya sa ama.

"Athena Vazquez, one of my choices," sagot ng ama.

Napaangat ang mukha ng kaniyang ina.

"I don't like that girl, Leopoldo. For billboard lang siya. I want a wife material that will love you and be a hands-on mother on your child, Ken." Seryoso ang mukha ng ina.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon