Chapter 41

1K 39 8
                                    

Nagmadali umuwi si Cedrick pagkatapos ihatid ang dalaga sa tinutuluyang boarding house, dahil sa isang papeles na kailangan niyang ipasa kinabukasan sa isang supplier para sa bago niyang itatayong condo sa Makati area. Tinawagan niya ang kan'yang secretary para ipasa ang soft copy nito sa email.

Nasalubong niya ang ina sa hallway, bago siya pumasok ng kwarto niya.

"Akala ko ba isasama mo si Natasha?"

"Bukas na lang po para makapagpahinga siya. May tatapusin lang akong layouts at dokumento para sa project na itatayo namin."

"Siya, sige. Kami ng daddy mo ay matutulog na."

Humalik siya sa ina bago tuluyang pumasok ng silid. Mabilis siyang nagbihis at pumunta sa opisina. Alas-nuebe na nang gabi at madami-dami rin iyon.

Nasa kalagitnaan ng trabaho, tumunog ang cell phone niya.

Athena!

Hindi ito pinanasin saka binalik ang isip sa ginagawa. Pero makulit ito.

"Yes, Athena? What is it?"

"Whoa! Gan'yan ka ba bumati sa client ninyo? Or sa kaibigan mo?" inis na sagot nito.

"I'm sorry, I'm busy right now."

"Mas importante ba iyan sa isasagot ko tungkol sa contract ni Tito Leopoldo?" Tumawa ito sa kabilang linya.

"Okay! So, what? You accept it or not?" May tinatapos siya at gusto na niyang ma-close ang tungkol doon.

"Tatanggapin ko ito, if you give me a condo and a free visit on my pad, now," nang-aakit na wika nito.

Alam niya ang gusto nito, pero wala siya sa mood makipag-usap dito. Kinuha niya ito para mawala ang atensiyon ng ama na ipilit kay Natasha ang ino-offer nito. Tutal, Athena Vasquez is very popular, at maraming investors and clients ang mahahatak kapag ito ang naging model nila.

"Athena, I'm busy. Okay, I will give you a condo for that contract. And that's enough. If you don't like it, then maybe we can look for another model for this," seyosong wika niya.

"Oh, dear. . . Thank you for accepting my proposal. I'm just kidding on my last words. I know you had a lucky girl. Siya ba ang kasama mo kanina? But she is the secretary of your dad. Nagbago na ba ang taste mo sa mga babae? Anong nangyari sa isang Cedrick Ken Thompson?" Isang malakas na tawa narinig niya.

"Kung wala ka ng sasabihin, please hung up the phone." Gusto na niyang matapos ang usapan para maayos na niya ang ginagawa niya.

Narinig niya ang buntonghininga nito.

"Okay. See you tomorrow at Tito Leopoldo's office. I will sign it. And don't forget our deal," mahinang wika nito. "Ken, sweetie, I miss you," anito bago ibinaba ang phone.

Napailing lang siya.

Matagal ng nagpaparamdam ang babae pero wala itong epekto sa kan'ya.

Muling niyang itinuon ang sarili sa ginagawa.

Halos alas-singko na nang umaga iyon na natapos.

Umidlip muna siya saglit. Nagising siya sa isang katok mula sa pinto. Tumingin siya sa relo na nakasabit sa dingding.

Tanghali na!

"Oh f*ck!" Mabilis siyang bumangon at hinagilap ang towel.

"Ken, anak. Aalis na si daddy mo. May ipagbibilin ka ba?"

Naalala niya ang usapan nila ni Athena kagabi. Nagmamadaling kinuha niya ang telepono at tinawagan si Alexis. Ipinahanda niya ang contract at ang press para sa contract signing. Pagkatapos, tinawagan niya ang secretary niya at ipinaayos ang papel ng isang condo.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon