Chapter 11

1.2K 38 1
                                    

Subalit, hindi pa man siya nakakalayo sa binata; na ramdam niyang nakasunod sa kaniya, ay bigla na lang tumawag dito. Natigilan pa siya nang makitang babae iyon.

"Sweetheart, you're here! I missed you!" anang babaeng kasalubong niya.

Napasimangot siya.

Kaya pala nagmamadali ang binata at halos ayaw sundin ang ina. May iba palang gagawin doon.

Hindi na niya pinansin ang dalawa at deritsong umakyat. Tutal half day naman ngayon, aayusin na lang niya ang gamit at ibang mga papeles na gagamitin sa Monday.

Padabog na ibinagsak niya ang bag sa upuan.

Bwisit talaga ang lalaking iyon!

"Hey! Mukha yatang masama ang mood mo, ah? May nangyari ba?" tanong ni Alexis.

Hindi niya ito nilingon. "Wala naman Kuya," aniya saka inayos ang mga gagawin.

"Uuwi na si Tito Leopoldo next week at may nakuha na silang secretary ko. Ibig sabihin madalang na tayong magkikita." Lumapit ito at timampal ang noo niya.

Gusumot ang mukhang hinarap niya ito. "Kuya!" inis na wika niya at inirapan ito.

Tumawa ito at hinawakan ang mukha niya nang biglang may kumalabog na pinto.

Sabay silang napatingin doon. Nakapitid na ang pintuan ng boss niya.

"Cedrick is here?" tanong sa kaniya ni Alexis.

"Yes. Nakasabay ko siya kanina," patamad niyang sagot. "Sige na. . . aayusin ko lang ang mga ito, bago ko i-turn over sa new secretary mo." Ngumiti siya rito.

Tumango ito at bumalik sa opisina na sa sariling opisina. Siya naman ay seryosong sinimulan ang gawain.

Bigla niyang naisip kung pagbibigyan ba niya ang imbitasyon ni Mrs.Thompson. Ayaw na niyang makaharap ang matapobre nitong anak. Kung gaano kabait ang mga magulang nito, kabaliktaran naman ang anak nito.

Malay ba niya na magaan ang loob sa kaniya ng ina ng lalaki. Wala naman siyang ginagawang masama. Basta kung ano lang ang iutos nito, iyon lang ang sinusunod niya. Alam naman niyang hindi siya ang tipo ng babaeng pwede iharap sa mga friend ng pamilya ng mga ito, dahil wala naman siyang masyadong alam pagdating sa pagpapatakbo ng kompanya.

Naningkit na naman ang mata niya.

"Kung ayaw niya akong lumapit sa ina deritsahin niya ako. At sino ba ako para tumanggi sa utos?" bulong niya sa sarili.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang tumunog cell phone.

"Hey! I'm sorry for bothering you again."

Mula iyon sa unknown number na napakakulit. Noong isang araw pa iyon text nang text sa kaniya.

Napaisip siya sandali. Pagkuwa'y nag-reply, "Yes, you are bothering me. Bakit ba ang kulit mo? Hindi mo naman kilala ang t-n-text mo. Are you boy or girl?" Then she hit the sent button.

Mga ilang minuto lang ang ipinaghintay niya at nag-reply ito.

"Mukhang mainit ang ulo mo, ah?"

Napailing siya.

"Mas iinit ang ulo ko kung hindi mo sasabihin ang pangalan mo at kanino mo nakuha ang number ko!?" gigil na pag-type niya, bago muling ipinadala ang mensahe.

"Just a friend of mine. And I think, you meet me already. At Alexis party. But I don't know kung napansin mo ako," anang sunod na mensahe.

Napakunot-noo siya.

Sa dami ng kaibigang lalaki ng Kuya Alexis niya hindi na niya matandaan pa kung sino sa mga iyon ang ka-text. Pero wala namang nakaaalam ng number niya kundi si Alexa?

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon