Chapter 42

1K 36 8
                                    

Nakarating sila ni Alexa sa isang resort sa Tagaytay. Maaga pa silang nakarating doon kaya naman kitang-kitang ang mababang ulap sa dinaraaanan nila. Timigil muna sila sa isang picnic groove. Makikita rito ang heartbreaking view of Taal Volcano. They sit and take a picture for a while. Then, they proceed to resort.

They took a shower and rest. Ganito ang buhay nilang magkaibigan kapag may problema. Dahil masakit sa ulo ang alak, mas pinili nilang mag-getaway.

"Friend, may masarap na kainan dito ng bulalo. You want to try? Then, let's go to sky ranch at sakyan natin lahat ng rides," nakangiting wika ni Alexa.

"Sure! How about horse riding?"

"Then, let's try that too. Maliligo muna ako tapos mamayang gabi, magbabad tayo sa pool," wika nito bago pumasok sa banyo. "Bukas na tayo umuwi ng Manila."

Malawak ang ngiti ng kaibigan. After a year, ngayon lang ulit nangyari ang bonding nila. Kaya lulubos-lubusin na nila dahil sa Monday, trabaho na naman.

Napatingin siya sa ibaba kung saan nandoon ang malaking swimming pool. Matatanaw din ang napakagandang view ng Bulkang Taal.

Lumabas siya sa veranda para magpahangin.

"Kumusta na kaya siya? Hindi man lang nag-effort para sundan ako," bulong niya habang yakap ang sarili, dahil sa lamig ng panahon doon.

"Hindi ba at break na kayo, Natasha? He is Cedrick Thompson. Hindi lang ikaw ang babae sa mundong ginagalawan niya."

Isang buntonghininga ang pinakawalan niya.

Erase! Erase! Pumunta siya dito para mag-relax, mag-enjoy at pansamantalang makalimot.

Muli siyang pumasok sa silid nila ng kaibigan.

"Your turn, friend. Bilisan mo para naman masulit natin ang oras sa labas bago tayo magbabad sa pool."

"Oo na," aniya.

"Sus! Alam ko na ang kilos mo, Natasha! Baka nakatulog na ako dito hindi ka pa tapos maligo diyan." irap ng kaibigan

Tinawanan lang niya ito, saka pumasok sa banyo. Mas binilisan niya ang pagligo hindi dahil sa sinabi ng kaibigan, kung hindi dahil sa lamig. Paglabas niya nakabihis na ang kaibigan at naglalagay ng makeup.

"Kailangan may makeup pa?" biro niya.

"Oo. Mag-hunting din tayo ng magiging jowa sa labas," wika nito na nakangiti.

Natawa siya sa sinabi nito. Mga ilang minuto pa at umalis na sila. Iniwan nila ang sasakyan at nag-grab taxi na lang sila.

Narating nila ang restaurant kung saan masarap daw ang lutong bulalo.

"This is our favorite place nina Mommy at mga kuya," nakangiting wika ng kaibigan. "Minsan na kami naisama ni Daddy dito bago siya mawala."

Biglang lumungkot ang mga mata nito.

"Alexa. . . kumain na tayo. Your memory about your father will remain in you. Be happy because you have a mother like Tita Alexandra."

Tumango lang ito at saka nagsimulang kumain.

Masaya ang maghapon nila at walang pinag-usapan kahit anong problema. Para silang mga batang naglaro sa mga games nang pumasok sila sa amusement park na iyon. Kinagabihan nagbabad sila sa pool while drinking champagne.

Kinabukasan nag-prepare na sila para umuwi.

Back to reality!

"Alexa, napansin mo ba ang sasakyan na iyan? Kahapon pa iyan nakasunod sa atin," wika niya.

Nasa kahabaan na sila ng zigzag road.

"Baka pauwi na ring katulad natin na nag-getaway," balewalang wika ng kaibigan.

Hindi na lang din niya iyon pinansin, pero nag-overtake ito at tinabihan ang sasakyan nila. Mabuti na lang, mabilis nakabig ng kaibigan ang manibela papuntang kanan. Kung hindi, nasagi na sila nito.

"Sh*t! Ano ba 'yon? Mag-o-overtake alam naman niyang alanganin ang pwesto niya," malakas na wika ng kaibigan.

Kinabahan siya nang biglang may bumangga sa likuran nila. Muling kinabig ng kaibigan ang manibela but this time pababa iyon at malalim ang babagsakan nila. Napasigaw siya dahil sa takbo ng sasakyan nila.

"Alexa!" malakas niyang sigaw na humawak sa gilid sasakyan.

"Natasha, hold on!"

Malakas ang loob ng kaibigan na isagad sa tabi ang sasakyan nila, imbis na sa bangin sila bumagsak. Sumalpok iyon sa isang malaking puno. Isang malakas na pagsabog ang kaniyang narinig.

Hindi niya alam kung saan iyon, dahil sa nanlalabo niyang paningin. Tumana ang noo niya sa headboard ng sasakyan. Pilit niyang ikinilos ang katawan. Pero dahil sa sakit na naramdaman, hindi na niya nagawa.

"Alexa. . ."

Nakita niyang nakasubsob ito sa isang puting tela na parang balloon. Gusto niyang abutin ang kamay nito pero wala siyang lakas.

Isang pulang likido ang umagos sa pisngi niya. Kasunod niyon ay nagdilim na ang lahat sa kaniya.

*****
Sa kabilang banda. . .

"B*bo! Ang sabi ko takutin mo lang sila, hindi ko sinabing patayin mo!" nanggagalaiting sigaw ng isang babae.

"Ma'am, iyon po ang balak ko, pero bigla akong sumalpok sa likod ng sasakyan nila."

"May nakakita ba sa iyo? Clear that area at umalis ka na diyan!"

"Ma'am, maraming pulis dito ngayon at naka-hold ako." Nanatakot ang boses nito.

"Sh*t! Anong dala mong sasakyan? Ang b**o mo talaga kahit kailan!"

Bawat mahawakan niyang gamit ay itinapon niya.

"Ma'am, private vehicle ninyo."

"Wala ka na talagang nagawang tama sa mga iniutos ko sa iyo. Papupuntahin ko ang abogado ko diyan at lusutan ninyo iyan. Huwag ninyong idamay ang pangalan ko. B**o ninyo!" Malakas niyang inihagis ang cell phone sa dingding.

Hindi siya mapakali sa nangyari lalo pa at sasakyan niya ang dala ng inutusan niya. Alam niya na lalabas ito sa media.

Kinuha niya ang telepono.

"Attorney, fix all the issues behind the scene bago pa ito kumalat sa social media. At baligtarin mo ang nangyari." Napahithit siya ng sigarilyo. "Kung paano linisin, huwag ako ang tanungin mo! Binabayaran kita para sa trabahong iyan!" Ibinagsak niya ang telepono.

Kumuha siya ng alak at nilagok iyon ng diretso.

"Akin ka lang, Cedrick! Kung kailangang linisin ko ang daan patungo sa iyo, gagawin ko iyon! Ilang taon akong nagtiis para makuha ka lang, ngayon pa ba ako susuko. No way!"

Tumawa siya na parang isang nababaliw.

Ilang araw na din niyang pinasundan ang babaeng iyon at mukhang seryoso si Cedrick dito. Kaya kahit hindi pa niya nababasa ang contract ay tinawagan niya agad ang lalaki para pirmahan iyon. Malaya siyang nakakilos na sweet na sweet sila ng lalaki at paniwalain ang mga tao na may namamagitan sa kanila.

"You're mine, Cedrick Thompson! Only mine! No one can resist my charm. Mag-intay ka lang."

At muli siyang humalakhak na parang wala ng bukas.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon