Chapter 37

1K 36 11
                                    

Balik opisina na siya pagkatapos ng opening ng resort at limang araw na bakasyon.

Mula kahapon hindi na siya tinigilan ng binata na maghatid at sundo sa kaniya papasok ng opisina. Katulad ngayon, pagkaupo niya sa table, nagpaalam ito na kakausapin ang ama.

"Sabay na tayo mag-lunch mamaya, babe," wika nito bago pumasok sa opisina ng ama.

Ngumiti lang siya.

Ayaw niyang magpahalata sa mga tao sa opisina na may relasyon sila ng binata maging sa ama nito. Hindi pa siya handa.

Halos mag-l-lunch na nang matapos ang meeting ng mag-ama. Mukhang seryosong-seryoso ang dalawa.

Narinig niya tumunog ang telepono.

"Thompson Builders Corporation, this is Natasha. Can I help you?"

"Can I talk to Tito Leopoldo?" anang tinig mula sa kabilang linya.

"I'm sorry, Ma'am, he has a meeting right now. If you have a message, please leave it to me or you can call after fifteen to twenty minutes?" magalang niyang wika dito.

"This is an emergency phone call. If you don't want, I will call his personal number. Can I get it!" malakas at pagalit na wika nito.

"Ma'am, we don't give his personal number to anyone, unless he had instruction. I'm sorry. Please give me your number and I'll call you back," tugon niya

"Oh, God! Please tell him, this is Athena. I don't know why you're so stupid! You are a useless secretary!"

Sasagot pa sana siya pero ibinagsak na nito ang telepono.

"Ouch! Bastos naman ng Athena na iyon. Pero pamilyar name niya," bulong niya sa sarili.

Bumukas ang pinto ng opisina ng boss niya. Tumayo siya at sinalubong ang matandang Thompson habang kasunod sa likuran ang binata.

"Sir, I got a phone call from Miss Athena. But she never left a number or any message."

Napalaki ang mga mata ng matanda.

"Cedrick, I think she's here. Please contact her, then set a meeting with us to discuss her contract. Natasha already declined my proposal. So, we need to set this as soon as possible." Saka ito tumingin sa kan'ya. "Hija, I will give you one last chance to accept my proposal. . ."

"Dad, can I talk to her first? And her answer is no," mariing wika ng binata.

"And why you are deciding for her, hijo? Give her a chance to discover," baling ng ama kay Cedrick. "Malay natin mas maraming dumating na opportunity sa kaniya. What do you think hija?" Siya naman ang hinarap nito.

Hindi siya makasagot sa tanong na ito ng boss niya.

"Okay. By the way, I have a lunch meeting to one of our investors. Hijo, do you want to join?"

"No, Dad. I have a lunch meeting too." Ngumiti ito. "Can I barrow Natasha to discuss something? Do you need her to your lunch meeting?" anito.

"Sana. . . But if you need Natasha, it's okay. Our lunch meeting is more on business trip, but not important. . ." sagot ng matanda.

Maya-maya nakita niya ang driver nito at kinuha ang dalang bag.

"I don't know kung anong oras matatapos ang kwentuhan namin. Natasha, bring our office cellphone to monitor all my transactions while you are outside. I'll go ahead," dugtong pa nito.

Yumukod lang siya parang magbigay galang dito.

Pagkasarado ng elevator, hinila siya ng binata pabalik sa opisina ng ama, saka ini-lock ang pinto.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon