Chapter 40

1K 38 40
                                    

Kahit kinakabahan, gusto niyang malaman ang totoo. Sana mali siya. At kung iisa lang ang lalaking minahal niya at ang ka-text niya, hindi niya alam kung anong gagawin.

Pagbukas ng elevator, hinanap niya ang lalaki pero wala ito sa lobby. May lumapit sa kan'yang dalawang men in black.

"Ma'am Natasha, sumama po kayo sa amin. Pinapasundo po kayo ni Boss Ken," bulong ng isa.

Nakangiti ang mga ito.

Nagtataka siya at tumingin sa phone niya.

"I have two bodyguards there. Go with them."

Hindi niya alam kung anong bang mayroon.

Tumingin siya sa dalawang lalaki at sumunod dito.

Isang eleganteng limousine car ang naghihintay sa labas, saka inalalayan siyang papasok. Bahala na kung sino ito. Mukhang mabait naman ang mga tauhan ni Ken.

Isang exclusive restaurant ang narating nila. Parang naka-reserve lang iyon para sa kanila at walang mga tao.

"Ma'am., pasok na po kayo. Naghihintay na si boss sa loob," wika ng isang lalaki.

Bitbit ang bag at paper bag, bumaba siya ng sasakyan.

Kinakabahan at nanginginig ang mga tuhod na humakbang siya papasok. Palakas nang palakas ang tibok ng puso niya, habang palapit sa mesa. Tumingin siya sa paligid at hinanap ang lalaki.

Nakatalikod ito.

Tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng sapatos ang naririnig niya. Nang maramdaman ng lalaki ang paglapit niya, saka unti-unti itong humarap sa kaniya. Halos hindi siya makagalaw sa kinatatayuan at unti-unting bumagsak ang mga luha niya.

Si Cedrick Thompson na mahal niya at si Ken ay iisa.

Umatras siya palabas ng restaurant na iyon at nabitawan ang paper bag na hawak niya.

Kahit anong ganda ng paligid na iyon, at kahit anong daming masasarap na pagkain ay walang halaga sa kaniya sa mga sandaling iyon.

May hawak na bulaklak ang binata. Mababakas ang lungkot sa mukha nito.

"Babe, I'm sorry," anito habang papalapit sa kaniya.

Mas lalong nanlabo ang mga mata niya, dahil sa luha na hindi mapigilang umaagos doon.

"Bakit?" Iyon lang ang salitang nasambit niya.

"Sorry at naging busy ako nang mga nakaraang araw. Ngayon, gusto kong aminin sa iyo na ako si Ken. Dahil gusto kong—"

Naputol na ang ibang sasabihin nito.

"Okay na, Mr. Cedrick Ken Thompson or what so ever! Boyfriend kita, tapos wala akong alam sa pagkatao mo? Ayos na sa akin na nakilala kita nang tuluyan. Kaya pala ayaw mong magpakita sa akin noon, may iba ka palang layunin. Ngayong nakuha mo na ang gusto mo, masaya ka na ba?" Mas marami pang luha ang pumatak sa mga mata niya. "Para patunayan sa sarili mo na lahat ng bagay makukuha mo? Panalo ka na sa laro mo, pero pinuputol ko na ang lahat ng mayroon tayo!" matigas niyang wika dito.

Kinuha niya ang paper bag at inilapag sa lamesa.

"Ito, isinasauli ko na. Simula ngayon, isipin mo na lang na isang normal na empleyado ninyo ako. Ayoko rin ng gulo. Sinabihan kita na kausapin mo si Athena, pero hindi ko alam kung anong klaseng pag-uusap ang ginawa ninyo!"

Napakunot-noo ang lalaki at matalim ang matang tumigin sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin na ayaw mo ng gulo? Bakit? Dahil ba sa Steve na iyon? Pumayag kang makipag-dinner date sa kaniya, hindi ba? Kagabi pa ako tumatawag at kahapon pa ako nag-t-text wala ka man lang reply?" mariing wika nito.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon