Chapter 39

1K 34 9
                                    

Gusto niyang sumagap ng sariwang hangin. Ayaw muna niyang umuwi ng bahay. Gusto niyang tawagan si Alexa, pero wala siyang phone. Naiwan niya iyon. Kaya naglakad-lakad muna siya sa isang parke na hindi niya alam kung saan. Marami namang tao na naglalakad pero mga foreigner ang mga ito.

Naliligaw na ba siya?

Ang alam niya bumaba siya ng The Fort, pero hindi niya alam ang pasikot-sikot doon. Tumingin siya sa relong nasa bisig. Alas-singko na nang hapon at halos limang oras na siyang naglalakad doon. Kahit nakararamdam ng gutom hindi niya iyon pinansin. Hanggang may bumangga sa kan'yang babaeng naka-hood.

Napatitig siya rito .

Athena!

"Wow! Small world!" palatak nito. "Hindi ba ikaw ang babaeng kasama ni Cedrick last time and slash secretary ni Tito Leopoldo?" ismid nito.

Umiwas siya rito. Bakit andito ito? Baka kasama nito si Cedrick.

Mabilis siyang tumalikod, pero hinila nito ang braso niya.

"Bastos ka rin noh! Kinakausap kita! Layuan mo si Cedrick ngayon pa lang," deretso at mabalasik na wika nito. "Ambisyosa ka rin ano? Dahil sa pera kaya ka dumidikit sa kaniya. Kung sabagay, ang katulad mong mahirap at hamak na secretary ay kakapit sa patalim, gumanda lang ang buhay." Tumawa ito.

Masakit ang mga sinasabi nito.

Katulad din ito ni Steve na hinuhusgahan ang pagkatao niya. Itinaas niya ang kamay para sampalin ito, pero ibinaba rin niya.

"Bakit, hindi mo itinuloy? Dahil ba tama ako? Poor girl. . . Hindi ang katulad mo ang pipiliin ni Cedrick. Hindi niya ipagpapalit ang mga pinaghirapan niya para lamang sa 'yo. Dugo't pawis ang ipinuhunan niya roon at saksi ako sa lahat, nasa Paris pa lang kami. Kaya kung ako sa iyo, mag-isip ka na ngayon pa lang." At tinapik nito ang noo niya.

Biglang nagpanting ang tainga niya at itinulak ito. Napaupo ito sa bench.

"Una, wala kang alam sa buhay ko at huwag mo akong husgahan. Ikalawa, ayaw kung palapatin ang palad ko sa mala-demonyong mukha mo, na maamo lang kapag may camera. At pangatlo, hindi ako natatakot sa iyo. Sino ang mawawalan ng career kung tanggalin ko ngayon ang hood na iyan." Saka hinila niya iyon.

Lumantad ang mukha nito sa public.

"Guys! Andito si Athena Vasquez!"

Nakatawag ito ng atensyon sa mga tao at biglang lumapit sa kanila. Bago pa dumami ang mga iyon ay umalis na siya at tumawag ng taxi.

Naisipan niyang umuwi na lang. Mukhang makipot ang mundo niya sa labas.

Pagpasok niya sa loob ng taxi, isang masaganang luha ang pilit na kumawala sa mga mata niya. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Wala na siyang pakialam kung malakas ang iyak niya, basta gusto niyang mailabas iyon.

Ito na yata ang sakit na hindi niya malilimutan.

"Ma'am, tissue po," nag-aalangang wika ng taxi driver.

Tumingin siya rito at nagpasalamat.

"Pag-ibig po ba iyan? Ako'y kahit lalaki ay ilang beses na ring umiyak, pero ayos lang 'yan. Maayos ninyo iyan. Sa ngayon nga kasal na kami ni Misis, dahil talagang hindi ko na pinakawalan," wika nito.

"Salamat po. Congrats po sa inyo." Medyo wala na ang sakit sa dibdib niya.

"Kung hindi kayo dadaan sa ganiyan, hindi kayo titibay. Ay siya! Andito na pala tayo," anito

Binigyan niya ng five hundred ito.

"Salamat po. Sa inyo na po sukli." Saka siya bumaba.

"Ay, salamat Ma'am! Sana'y maging okay na kayo."

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon