Chapter 24

1K 36 3
                                    

Inihagis niya sa kama ang kaniyang shoulder bag saka hinubad ang sapatos at umupo sa gilid ng kama. Hindi naman traffic pauwi, pero masyadong maraming nangyari sa araw na iyon. Buti na lang at holiday bukas. Mapapayapa ang isip niya.

Nagpahinga lang siya ng ilang minuto, saka isinalang sa washing machine ang mga labada. Hindi na siya mag-d-dinner dahil busog pa siya. Naglinis siya ng kwarto at inilapat ang katawan sa kama.

Bago siya umuwi kanina, kinausap siya ni Mr. Thompson tungkol sa model contract. Mariin siyang tumanggi. Pero lahat ng mga investor ay boto sa kaniya. Tanging si Cedrick lang ang tumanggi sa ideyang iyon. Malaki ang maiitulong niyon sa pag-aaral ng kapatid niya kung papayag siya.

Pero anong alam niya sa mundong iyon? Haist!

Oo nga pala. Sa Sunday na ang opening ng flowershop ni Mrs Thompson at wala pa siyang susuotin. Tinawagan niya si Alexa.

"Friend! I miss you! Super busy ba?" malakas na wika nito.

Boses mo naman. Hindi naman ako bingi," aniya rito.

"Anong mayroon at pasado alas-nueve na ay gising ka pa?"

"Samahan mo ako bukas sa mall, please?" malambing na wika niya.

"Ano gagawin natin?"

"Grand opening ng flower shop ni Mrs Thompson sa isang araw. Imbitado ako at wala pa akong maisusuot," sagot niya.

"Wow! Sige, ako na ang bahala sa iyo. Madami kaming na-shopping ni Mama kahapon. Kaya pumili ka na lang dito tapos dito ka na lang matulog at ako ang mag-aayos sa iyo," masayang wika niyo.

"Friend, nakakahiya naman kung pati damit na isusuot ko ay sa iyo pa rin," agad na tanggi niya.

"Asus! Ayos lang iyon. Huwag mo ako dramahan, Natasha! Baka ipasundo kita ngayon sa driver namin," pananakot nito.

Sa bandang huli pumayag na siya

"Tomorrow, one in the afternoon. Sunduin ka ng driver namin, okay?" excited na tili ng kaibigan niya.

Napailing na lang siya.

"Sige, na nga," sagot niya.

More than a friend ang turing niya sa kaibigan. Alexa was like her long-lost sister. Wala na yata siyang masasabi rito na kahit busy sa trabaho, marami pa rin itong time para sa kaniya. Balak na nitong mag-resign kapag nakaipon na at magtatayo na lang daw ng jewerly shop. Nasa dugo din nito ang pagiging negosyaste at ayaw humingi sa mama at mga kuya nito ng tulong. Gusto nito na pinaghirapan ang pera na gagastusin sa negosyo.

Noong isang araw kinausap siya nito tungkol sa business na itatayo. Masaya siya para sa kaibigan. Gusto nito na sosyo sila, pero papaano ang sahod niya? Sakto lang sa ipinapadala niya sa mga magulang at kapatid. Nakakaipon naman siya pero hindi pa rin iyon sapat.

Narinig niya ang pagtigil ng washing machine. Authomatic iyon kaya pagbukas niya ay isasampay na lang ang mga nilabahan. Pagkatapos maglinis ng kwarto at magsampay, saka siya pumasok sa banyo at naligo.

*****

Isang tambak na paper bag ang nasa harapan niya.

"Alexa, ang dami mo namang inilabas. Lahat ito pinamili ninyo ni Tita Alexandra kahapon?" bulalas niyang wika.

"Oo. Treat iyan ni Kuya Alexis kay Mama. Syempre, sumama ako. Busy ka raw kahapon dahil may biglaang general assembly ang mga Thompson," wika pa nito na isa-isang binuksan ang mga paper bag.

"Ops! Ito na lang hiramin ko." Itinaas niya ang ikatlong paper bag na binuksan ng kaibigan. Isa iyong double crazy off shoulder butterfly embroidery mesh overlay dress.

Isinuot niya iyon saka umikot sa salamin, bago humarap sa kaibigan.

"What do you think?" tanong niya dito.

Nakatitig lang sa kaniya ang kaibigan at nanatiling nakanganga.

"Speechless ako sa kagandahan mo, Natasha." Yumakap ito sa kaniya. "So, perfect! Baka lahat ng paruparo at bubuyog pumunta sa flower shop na iyon at hindi na umalis." Malakas na tumawa ito.

Namula ang pisngi niya sa sinabi ng kaibigan na tila naging fairy godmother niya.

"Mas lilitaw pa iyan kapag inayusan kita bukas. Perfect!" Saka umikot-ikot ito sa kaniya.

"Masyado mo naman akong binobola. Kung hindi lang kita kaibigan, sikuhin kita sa leeg dahil sa kadaldalan mo, Alexa," irap niya rito.

Tumawa lang ito.

"Bigla akong nagutom sa kagandahan mo, friend. Bakit kasi ang hina ni Kuya Alexis sa 'yo?" ismid ng kaibigan nang humarap sa kaniya.

Natawa siya sa sinabi nito.

"Gusto mo bang sabunutan ako ni Donna?" tanong niya habang tinatanggal ulit ang suot na damit at isinuot muli ang damit kanina. Loose t-shirt at maiksing maong na short, kaya kita ang long legs niya.

Sanay na siya na ganoon ang isinusuot kapag andito siya sa bahay ng kaibigan. Madalang lang sila lumabas ng kwarto. Dito sila nagtatambay madalas.

"Alam ko break na sila last month pa," balewalang sagot nito.

"But why? Mukhang mabait at okay naman sila."

"Oo, pero hindi ko alam kung bakit sila biglaang nag-break. Now, chance mo na makuha ang loob ng kuya ko." Kumindat sa kaniya ito.

"Kapatid lang ang turing ko sa kaniya," irap niya sa kaibigan.

Narinig niya ang muling pagtawa nito.

"Basted na agad, Natasha." At ngumiti ito. "Halika ka na nga sa baba. Meryenda muna tayo. Alas-sais na pala?" Hinila nito ang braso niya palabas ng kwarto.

Nagkwentuhan at nagbibiruan sila pababa ng hagdan nang bigla siyang kinurot ni Alexa sa tagiliran.

"Ouch! Bakit na naman?" irit niya at hinampas ito sa braso.

"Bakit ang ganda mo? How to be you po?" natatawang wika nito.

Napakunot-noo na lang siya sa tinuran nito. Pinusod lang niya a ng buhok ng messy bun, tapos itinaas ang long loose t-shirt sa maong niyang shorts at nakatapak. Kahit sanay na siya sa bahay ng kaibigan, ayaw pa rin niyang mag-tsinelas o mag-sandals sa loob. Parang ayaw niyang dumihan ang makinang na muwebles sahig ng mga Boromeo.

"Anong maganda? Ikaw nga itong ang daming manliligaw-" Natigilan siya sa pagsalita at tumungin sa nakangusong kaibigan.

Sinundan niya ang tinuturo nito sa baba ng hagdan.

Tatlong pares ng mga mata ang nakatingin sa kanila. Si Alexis, Cedrick at ang isang lalaking hindi niya kilala kung sino iyon. Pero mukhang kaibigan ng dalawa.

Nakita niya ang pagsimangot ng kaibigan niya. Pero hindi niya maalis ang tingin sa lalaking katabi ni Cedrick. Kung kaibigan ito ni Alexis, malamang ito si Ken!

Nawindang ang buong pagkatao niya. Hindi siya handa para rito. Napahawak siya sa braso ng kaibigan. Gwapo rin naman ito at makinis. Mukhang may sinabi din sa buhay.

Pero mas lalong nawala siya sa sarili ng salubungin ang nakakunot-noong si Cedrick, habang ang mga mata ay nakapako ang tingin sa kabuuan niya. Mukhang sa hitsura nito, hindi nito nagustuhan ang suot niya.

Eh, bakit ba? Umirap siya rito at muling tumingin sa lalaking katabi.

Maganda ang ngiti nito. Hindi niya alam kung sa kaniya nakangiti o sa kaibigan na kanina lang ay masaya, pero ngayon ay parang pinitpit na luya.

Hinila siya ng kaibigan papunta sa kusina. Hindi nito pinansin ang kapatid at ang bisita nito. Pero bago tumalikod, ngumiti siya kay Alexis.

Kinabahan siya, paano kung si Ken nga iyon? Anong gagawin niya? At paano si Cedrick?

Litong ipinilig niya ang ulo.

Malakas magpa-fall si Cedrick na palagi na lang sumusulpot katulad ngayon. Si Ken, maalaga at maalalahanin.

Ano na? Gusto niyang magka-boyfriend, pero parang pinahihirapan naman siyang mag-desisyon.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon