Chapter 5

1.4K 45 0
                                    

Niyaya siya ni Alexa sa garden at doon naabutan ang mga kaibigan ng kuya nito na medyo may tama na ng alak.

“Drinks?” Alok ni Alexa sa kaniya nang umupo sila malapit sa umpukan ng kuya nito.

Umiling siya.

“No, thanks,” agad niyang tugon.

“Killjoy mo na naman Natasha.” Inirapan siya nito.

Tabingi siyang ngumiti rito at iginala ang paningin sa paligid. Halos lahat ng naroon ay umiinom at siya lang ang hindi.

Hindi naman siguro masama kung iinom ako kahit konti, aniya sa sarili.

Kaya't inabot niya ang alak na ibinigay sa ni Alexa.  Nilagok niya nang dahan-dahan iyon. Mukhang ayos naman lasa, kaya tuluyan nang inubos ang laman ng baso.

“Hey! Dahan-dahan lang. Nasa huli ang tama ng alak na hawak mo,” natatawang awat ni Alexa sa kan’ya.

Medyo nanlambot nga ang tuhod niya at mabilis na nag-init ang kan’yang pakiramdam. Pati ang paningin niya ay biglang umikot. She shakes her head continuously upang mawala ang kaniyang pagkahilo. After a while, nakita niya ang ilang bisita na nagsasayaw sa gitna ng dance. She immediately joined them and danced her heart out.

Maya-maya, nakita niya ang paglapit ng kuya ni Alexa sa kanila.

“Cheers!” wika nito na itinaas ang basong dala.

“Cheers, kuya! Happy birthday ulit!” At ikinawit ng kan’yang kaibigan ang braso sa kapatid.

“Pwede ko bang mahiram si Natasha?” Narinig niyang tanong nito.

“Sure!” malawak ang pagkaka-ngiting tugon ni Alexa rito.

“Can we dance Natasha?” mahinang bulong nito sa tainga niya.

“Sige, Kuya. . .” sagot niya.

“You're so lovely by the way,” malakas na sabi nito habang sinasabayan ang malakas na tugtog sa paligid.

Natawa siya. “Ano ’yon?”

“Ang sabi ko ang ganda mo! Sana pala niligawan noon!” anito sa malakas na tinig

Muli siyang natawa na ikinasalubong ng kilay ng lalaki.

“Ano namang nakakatawa sa sinabi ko Natasha?” tila inis ng tanong nito.

“Nothing,” maikling sagot niya sa namumungay na mga mata. “Maybe I was just drunk. P'wede bang mag-CR muna ako?”

“Sure,” anito at pinakawalan siya.

Saktong napalitan nang maharot na tugtog ang musika, kaya medyo nakahinga siya nang maluwag. Nakakahiya kasing iwanan itong mag-isa roon.

“Samahan na kita,” presinta nito.

“No. I'm fine.” At mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay kung saan naroon ang banyo.

Napahilamos siya ng mukha ng maramdaman ang pangangapal niyon. Nang umayos na ang pakiramdam ay lumabas siyang muli upang magulat lang sa kan'yang naabutang tagpo. There was a pair kissing just a few steps away from her.

Naikusot niya ang kamay sa mga mata. She was thinking that it was just her imagination. Subalit, naroon pa rin ang mga ito at patuloy lang sa ginagawa. Balewala kung may nakakakita man sa mga ito.

At nang tumambad sa kaniya ang mukha ng lalaki ay agad niya itong nakilala.

Si Cedrick! Napabulalas niyang bulong.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng inis. Malalaki ang mga hakbang na nagmartsa siyang paalis doon dere-deretso sa gitna ng dance, kung saan naroon ang kanyang kaibigan.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon