Chapter 17

1K 26 0
                                    

"Hey! Kanina ka pa tulala diyan." tanong ni Alexa na ipinitik pa ang daliri sa harap niya.

Kakaalis lang ni Cedrick kaya mukhang wala pa siya sa sarili. Kaya nang marinig ang boses ng kaibigan ay nagulat siya.

"Andiyan ka na pala!" palatak niya.

"Wala pa friend! Guni-guni mo lang ako," inis na wika nito at piankatitigan siya. "Kanina pa ako nakatayo sa pinto. Ganiyan ba kalubha ang sakit mo?" Hinipo nito ang kaniyang noo at leeg saka kumunot ang noo.

"Mukha namang wala kang sakit. Pero bakit wala ka sa sarili mo?" usisa nito bago tuluyang pumasok sa loob.

Sumunod siya na umiiling, saka tinapik ang mga pisngi niya.

"Forget that scene, Natasha!" inis na bulong niya sa sarili at kinuha ang phone na naka-off.

Lumingon si Alexa sa kaniya na may hawak ng pinggan.

"Mukhang fiesta, ah. Ang dami ng pagkain. 'Yong totoo friend, may nanliligaw na ba sa 'yo? Sa kaniya ba galing lahat ng ito?" Nanlaki ang mga mata ng kaniyang kaibigan sa senaryong nabuo sa imahinasyon nito.

"Tumigil ka nga, Alexa! May nagpa-deliver lang ng mga iyan kanina. Baka galing sa mga Thompson kase absent ako di ba?" Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

Tumawa ang kaibigan niya. At iba ang pakiramdam niya roon. Para bang may gusto itong malaman. Kapag ganoon pa naman ito ay hindi ito maawat.

"Ikaw ba alam nila Kuya Alexis na rito matutulog?" tanong niya na iniba ang usapan.

"Of course. Gusto ko kasi ng peace of mind." Umupo ito at nagsandok ng mga pagkain sa lamesa. Kahit mayaman ito hindi mo makitaan ng kaartehan sa katawan at ready lagi na makisabay sa kaniyang kabaliwan.

"Bakit? Nag-away na naman ba kayo ng boyfriend mo?" usisa niya at tinitigan itong mabuti. "Kilala kita Alexa. Pang-ilang boyfriend mo na ba iyan mula nang hiwalayan mo si Adrian last year?"

"Ito nga ang problema. I don't like him na," anito. Itinaas pa nito ang paa sa upuan saka nagsimulang kumain na naka-kamay lang.

"What! But why?"

"His ex came back at ayokong magulo ang buhay ko," tugon nito sabay ismid.

"Papaano kung ikaw na ang mahal at hindi ang ex niya?"

"Eh, di, mag-effort s'ya!" angil nito bago sumubo. "Pero mag-distance muna ako sa kanila. Kung kami sa huli, mas okay." Nagkibit-balikat ito.

"Ikaw ba naka-move on na sa ex-boyfriend mo? Kasi sa style mong iyan, mukhang hindi pa."

Ngumiti ito nang mapakla.

"Don't mention him, friend. Because I hate him so much!" Nakita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata nito.

Bago sila makatapos sa kolehiyo, nag-break ng dalawa ni Adrrian. Nakita kasi ni Alexa na may kalandiang ibang babae ang kasintahan. Simula noon iniwasan na ito ni Alexa at wala itong dininig na paliwanag.

Para saan pa ba, kung huling-huli na ito ng kaibigan niya? T'saka si Andrian ang first love ng kaibigan niya. Tapos nakuha lang saktan ng lalaki.

*****

Kinabukasan, maaga silang gumising. At dahil mauuna ang opisina ni Alexa, ito muna ang inihatid ng taxi. At syempre fully paid na ng kaibigan niyang galante.

Pagdating niya sa opisina, nakita niya si Alexis na kausap ang bagong secretary nito. At bukas ay darating na si Mr. Thompson, buhat sa business trip mula sa Paris.

"Good morning, Sir Alexis," masayang bati niya sa binata.

Ngumiti rin ito. "Morning. This is Emma," pakilala nito sa sekretarya.

"Hi, Miss Emma! Welcome here and enjoy." Nakipagkamay siya rito.

"Natasha, please help Emma to know better about her task, bago ka lumipat sa opisina ni Tito," bilin ni Alexis.

"Yes, Sir!" masiglang wika niya.

Hindi ito sumagot. bigla na lang itong tumalikod at iniwan na sila roon.

"Wala yata sa mood," aniya sa sarili.

Tumingin siya kay Emma na tahimik lang.

Maganda ito at mukhang first time magtrabaho sa malaking kompanya. At nakikita niya ang sarili rito noong nag-uumpisa pa lang siya.

"Miss Emma, pagpasensyahan mo na si Sir." Ngumiti siya rito.

"It's okay, Miss Natasha. Masasanay din ako." Gumanti rin ito ng ngiti sa kaniya.

"Hindi siya masungit, promise. Baka madami lang trabaho. Ito nga pala ang mga files na dapat mong ma-update at ito ang mga planners. Dito nakalagay ang lahat ng schedule ni Sir Alexis." Iniabot niya ang mga iyon sa babae, habang nakaupo ito sa upuan.

Halos maghapon siyang nag-endorse ng mga gawain kay Emma. Mabilis naman itong matuto at mukhang dedicated sa lahat ng bagay. Lalo na sa hahawakan nitong trabaho.

"Kapag may tanong ka, tumawag ka lang sa akin. Huwag kang mahihiya. Natasha na lang din ang itawag mo sa akin," aniya.

Ngumiti ito. "Emma na lang din ang itawag mo sa akin." Muli itong nakipagkamay sa kaniya.

Nagpaalam na siya kay Emma. Dumaan muna sa dati niyang mesa at inayos ang lahat ng gagawin kinabukasan. Malamang madami na naman siyang gagawin dahil sa mga contract na dala ni Mr. Thompson.

Nang maayos ang lahat, saka siya umuwi. Nagpaalam na sa kaniya si Emma kanina na halos kasunod lang si Alexis.

There's something between the two? Aniya sa sarili.

Umiling lang siya. Sana naman huwag ng patulan ni Emma ang binata. Masaydong mahilig ang lalaki sa babae. Baka masaktan lang ito.

Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cell phone niya.

Mensahe iyon mula kay Ken, "Hey! How are you?"

Mukhang busy ito at ngayon lang nangulit.

"I'm fine, Ken," reply niya at muling itinago cell phone sa bag. Pero bago maisarado iyon ay tumunog ulit ang telepono niya.

Ayaw sana niyang sagutin dahil alam niyang si Ken iyon, pero nakatatlong ring na iyon. Tumigil siya sa lobby bago iyon sinagot.

Napalaki ang mata niya nang makitang hindi si Ken iyon kundi si Mr. Thompson.

Nagmadaling sinagot niya ang phone.

"Hi, Sir! Good evening po!" masiglang wika niya.

"At last, sumagot ka na."

"Sorry, Sir. Naka-silent po kasi ang cell phone ko," hinging paumnahin niya.

"Forget it," anito. "Anyway, nandito na ako sa bahay, pero napagod ako sa business trip. Si Cedrick muna ang papalit sa akin in one week. Ipadadala ko ang mga papeles na kailangang pirmahan. Kung mayroon pang ibang pipirmahan, ibigay mo sa kaniya," mahabang wika ng matandang Thompson.

Nanatili lang siyang walang kibo at nakikinig sa sinasabi nito.

"Nasha, are you still there?" utag nito sa kabilang linya.

"Yes, Sir, noted po," tugon niya.

"Alam kong paauwi ka na, kaya pinapunta ko si Pedring diyan para ihatid ka. Nasa lobby na raw siya. See you next week, hija," wika nito.

"Salamat po. Magpahinga po muna kayo. Mag-taxi na lang po sana ako."

"Sige na, hija. Stay safe." Saka nito ibinaba ang telepono.

Timingin siya sa labas at nag-hintay sa driver ng mga Thompson. Pagkuwa'y tahimik siyang sumakay nang pumarada iyon.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon