Chapter 27

1K 36 8
                                    

Lumipas muli ang isang linggo at walang Cedrick na nagpakita sa kaniya. Pati ang makulit na si Ken, wala rin mensahe.

Mabuti naman at tahimik ang mundo niya.

Nagpaalam siya kay Mr. Thompson na mag-l-leave for four days simula sa susunod na araw. Mabilis naman siya pinayagan nito, dahil walang gasinong trabaho sa opisina. Signing contract na lang nang magiging model nila ang naka-pending, at plantsado na ang lahat. Although, hindi naman niya parte iyon, pero nasa check list pa rin ng boss niya.

"Sir, iyong planner nasa table ninyo na po. Wala po kayong meeting na naka-schedule for one week. Tapos kung may kailangan kayo, nasabihan ko na po si HR at si Miss Emma," wika niya.

"No, problem. Thank you, hija. Enjoy your vacation and please give my warm greetings to your parents." Maaliwalas na mukhang tumingin ito sa kanya.

Napatitig siya rito. Saan pa siya makahanap ng mabait na amo katulad nito?.

"Anything else, hija?" Napakunot ang noo nito ng maramdaman ang titig niya "Money problem?" dugtong nito.

"Naku, hindi po. Meron na po. Maswerte lang po ako kasi may boss akong katulad mo," nakangiting wika niya.

Mas lumawak ang ngiti nito.

"Mas maswerte akong may empleyadong katulad mo," anito.

Nagkatawanan sila. At bago siya tuluyang lumabas ay ipinagtimpla niya ito ng kape.

Kakaupo pa lang niya sa mesa ng tumunog ang telepono.

"Thompson Builders Corporation, this is Natasha. How can I help you?" masigla ang boses na bati niya sa nasa kabilang linya.

"Yes, Natasha! Andiyan ba si Ken?" ani Mrs. Thompson sa kabilang linya.

Nagtaka siya. Sinong Ken ang hinahanap nito? May kilala siya pero imposibleng magkakilala ang mga ito.

Baka naman nagkataon lang. Marami namang may ganoong pangalan sa mundo, eh.

"Mrs. Thompson? Magandang araw po. Wala pong Ken na ka-appointment ngayon si Sir, Ma'am May meeting po ba sila dapat ni Sir?" nagtatakang wika niya.

Natawa ito sa sinabi niya.

"Oh, thanks hija. He's here. Akala ko dumaan pa siya d'yan," wika nito.

Nagpaalam na ito. Pero bago niya maibaba ang telepono ay narinig niya ang boses ng sinasabi nitong Ken.

"Hi, Mom! I'm here!"

"Ikaw Ken, anong nangyayari sa iyo at nagmumukmok ka sa condo mo?"

Iyon lang at nawala na ang mga ito sa linya.

May anak pa bang iba ang mga Thompson? Pero dalawa lang naman sa pagkakaalam niya.

Naiiling na itinuon niyang muli ang paningin sa mga paper works na hawak. Subalit, hindi pa rin maalis sa isip niya narinig. Para kasing pamilyar sa kaniya ang boses ng tinawag ni Mrs. Thompson na Ken.

Ewan! Praning lang yata siya.

At inabala na niya ang sarili sa trabaho.

Sa sobrang tutok niya sa trabaho ay nagulat pa siya nang may lumapit sa table niya.

"Kuya Alexis! Anong meron at lumabas ka sa lungga mo? Nasaan si Miss Emma?"

Nagkibat-balikat lang ito.

"Mag-l-lunch break. Ikaw, bakit hindi ka pa nag-l-lunch?" Sumilip ito sa loob.

Napatingin siya sa orasan. Pasado alas-dose na pala.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon