Chapter 8

1.2K 36 0
                                    

Pagdating niya sa bar nakita agad niya ang mga kaibigan. Wala pa roon si Alexis kaya, mabilis siya lumapit sa mga ito.

"Si Jane, soon-to-be my wife," pakilala ni Cyron sa kasama nito.

"This is Edz, my wife. Last year you attended to our wedding, right?" wika ni Marvin.

Ngumiti siya sa mga ito.

"This is Jessica, my longtime girlfriend," ani Joshua.

"Sky, my girlfriend." Si JP naman.

Isa-isa siyang nakipagkamay sa mga ito. As he looked into his friends' eyes, they were happily inlove with thier partners.

Napabuntonghinga na lang siya.

Nang mapadako ang tingin niya sa dulong bahagi ng mesa, nakita niya ang pagkaway ni Jerry kasama ang kabiyak nitong si Manilyn. Gumanti naman siya ng kaway sa dalawa.

Maya-maya dumating na rin si Alexis. At napanganga siya nang makita kung sino ang kasama nito.

"Natasha. . ." mahinang bulong niya sa hangin, habang nakatitig lang sa dalawa, partikular sa babae.

Napakaseksi nito sa suot na black-dazy-floral-jacquard-cami dress. Tabon ang katawan but her beauty was shining tonight.

"Dude don't stare at her like that. She's going to melt." Siko ni Marvin sa kaniya.

Naipilig niya ang ulo, saka tumikhim.

"Mga pare!" ani Alexis at isa-isang binati ang kanilang mga kaibigan. "Wow! We're complete," masayang wika pa nito.

"Yeah! But how about Cedrick? Siya lang ang walang dala sa atin," ani Cyron.

"Mahina na yata sa babae ang isang ito." Tinapik siya ni Joshua sa balikat. "Huwag puro business lang, pare. You have to enjoy life from time to time."

Nagtawanan ang lahat sa sinabi nito.

"Ikaw, Alexis, kailan ka mag-p-propose kay Natasha? Para naman makatikim kami ng handa ninyo bago kami lumipad ng Hongkong ni Jane," ani Cyron sabay akbay sa kasintahan.

Napaubo si Alexis sa tanong na iyon na ikinakunot ng noo niya. Ayaw ba ng kaibigan na seryosuhin ang dalaga?

Nakita niyang namula si Natasha na mas lalong nagpaganda rito.

"Enough with that, okay?" saway ni Alexis sa mga kaibigan. "Let's just start the night with happiness and excitement! Alam ko 'yong isa diyan kunwari walang kasama, pero mamaya lang may dadalhin iyan sa condo niya!" tudyo ni Alexis na siya ang tinutukoy.

Napailing na lang siya.

Hindi pa rin pala ito tumitigil sa pagkokolekta ng mga babae. At sa isiping iyon ay kumulo ang dugo niya. Lalo na at si Natasha ang pinag-uusapn.

Muli siyang napatitig sa dalaga na tahimik na umiinom ng juice na bigay ni Alexis. Nahuli pa niya ang ginawa nitong pagbulong sa dalaga. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon sa sinsabi nang huli.

Mabilis na tumayo si Alexis at nawala sa dilim.

"Dude, sayaw muna kami. Isayaw mo muna si Natasha habang wala pa si Alexis. Mukhang busy na naman iyon sa iba." Inginuso ni Jerry ang tinutukoy.

Nakakita niyang may kausap na ibang babae si Alexis.

Nagtangis ang mga bagang niya sa nakita. Paglingon niyang muli sa lamesa nila ay wala na roon ang mga kasama. Pumagitna na ang ito sa dance floor at sila na lang dalawa ang natira sa upuan.

"Are you happy with Alexis?" hindi na nakatiis na tanong niya rito.

Nakita niyang napaawang ang mga labi nito.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon