Chapter 18

1.1K 38 10
                                    

Abala si Natasha sa pag-aayos ng mga dokumentong papipirmahan sa boss niya nang biglang bumukas ang elevator. Natigil siya sa ginagawa at napalingon doon.

Napataas ang isang kilay nang makita kung sinong lumabas mula sa elevator.

"Good morning, Sir," pormal na bati niya sa lalaking bagong dating.

Sa tuwing makikita niya ang lalaking ito, na walang iba kundi si Cedrick Thompson ay nag-iiba ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung bakit pero magkahalong inis at kaba iyon.

Nilagpasan lang siya ng lalaki, pero tumigil ito sa tapat ng pintuan ng opisina ng ama nito. Matagal itong nakatayo roon na parang may iniisip.

"Sir, may kailangan ba kayo?" hindi na nakatiis na tanong niya.

Pero sa halip na sagutin siya ay saka naman ito pumasok sa loob.

Ngali-ngaling batuhin niya ito ng puncher kung hindi lang siya mawawalan ng trabaho.

Noong isang araw, para itong kung sino na bigla na lang dumating sa apartment niya na nakikain at nakitulog.

Wait, Natasha. Hindi siya ang nakikain kundi ikaw. Siya ang may dala ng mga pagkain, anang kabilang bahagi ng isip niya na ikinatango niya.

Well, the fact na ito nga ang may dala ng pagkain, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang ginawa nito. Animo'y boyfriend niya kung umasta. Tapos ngayon, para siyang invisible sa harap nito!? Hah! Manigas siya!

Kung hindi niya ako gustong kausapin, fine! Hindi ko rin siya iimikan.

"Tiis lang, Natasha. Isang linggo lang naman, eh," hindi na napigilang kausap niya sa sarili.

Bakit ba hindi na lang si Alexis ang mag-manage doon, tutal one-week lang naman. At bakit ang anak pa ng amo niya, na hindi niya malaman kung ano ba talagang ugali ang mayroon?

Napailing na lang siya.

Kung sabagay, anak ito at sino pa ba ang ibang pagkatiwalaan ng sarili nitong ama?

Inis na binuhat niya ang mga folder, pagkuwa'y kinuha ang ballpen at planner. Naglakad siya sa pintuan ng opisina ng lalaki at kumatok doon.

"Sir?" tawag niya.

Hindi ito sumagot, kaya kumatok siyang muli.

"Sir? May I come in?" aniya.

Biglang bumakas ang pintuan na muntik na niyang ikatumba.

"Ay tipaklong!" gulat na bulalas niya nang tumama siya sa malapad na dibdib ng lalaki.

Hindi agad siya nakagalaw, lalo na nang masamyo niya ang mabango nitong aftershave. Bahagya pa siyang napapikit at saglit na nawaglit sa isip ang posisyon nila nito.

"Miss Del Mundo? You may get want to let go of me bago pa ako may gawin na hindi mo magugustuhan," amused na wika nito na nagpabalik sa kamalayan niya.

Napapahiyang mabilis niyang inilayo ang sarili rito.

Nakakunot ang noo nito pero hindi nakalagpas sa kaniyang matalas na paningin ang pilyong ngiti nito. "What is it?" magkadikit ang mga labing tanong nito.

Lumunok muna siya at inayos ang sarili. Pagkuwa'y ipinakita ang mga folder sa kamay.

"This needs your penmanship, Sir," aniya.

Napatingin doon ang lalaki.

"Were that urgent?"

Sunod-sunod siyang tumango. "These were the contracts for the newly built building. Kailangan na ang pirma ninyo para maipasa na sa legal department," paliwanag niya.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon