Chapter 31

1K 37 16
                                    

Nakatulog siya at mga bandang alas-tres siya ng hapon bumangon. Hindi talaga siya ginising ng kapatid. Hindi rin niya alam kung nakauwi na ang mga magulang nila galing bayan.

Medyo blurry pa ang mata at magulo pa ang buhok niya nang lumabas sa kwarto. Pinusod lang niya ang buhok at itinali ng basta saka dumiretso sa kusina.

Nagtaka siya at alas-tres pa lang ng hapon ay mukhang ang dami ng niluto ng kaniyang ina. Narinig niya na tumatawa ang kan'yang ama sa labas at mukhang may bisita ito.

Sumilip siya sa bintana at nabigla siya sa nakita.

Masayang nakikipagtawanan at nakikipagkwentuhan ang ama sa nakahubad na lalaki. Matipuno ang katawan at sumisigaw sa laki ang mga muscle nito, habang itinataas ang palakol upang mabiyak ang kahoy. Pawis na pawis ito at halos mabasa na rin ang suot nitong pantalon.

Mas lalo siyang kinabahan ng lumingon ito sa dako niya. Nakangiti ito at nag-thumps up sa kaniya kasabay ng tatay niya.

Si Cedrick Thompson lang naman.

Mukhang kuhang-kuha na nito ang loob ng ama niya.

"Mukhang okay ang anak ng boss mo, Ate. Tingnan mo ang katawan, mukhang sanay na sanay na sa sibakan ng kahoy." Humagikhik ang kapatid na ikinagulat niya.

"Nathalie, anong pinagsasabi mo? Bakit hindi mo ako ginsising ng dumating sila tatay?" Umirap siya sa kapatid.

"Sungit naman ng ate ko! Abala kami mag-asikaso sa anak ng amo mo. Humingi ng sorry sa akin kanina. Dahil daw sa kaniya hindi natuloy ang swimming natin. Mabait naman pala siya, Ate," kinikilig nitong wika.

"Sus! Pakitang tao lang yan. Bakit ba andito siya? Akala ko ba busy siya sa property na nabili niya?" wala sa loob na sambit niya.

"Ewan ko, Ate. Nakita ko na lang kakwentuhan na ni tatay at nanay kanina," nakangiti nitong wika. "Ate, tapatin mo nga ako, boyfriend mo na ba iyan? May LQ ba kayo?" nanunuksong tanong ng kapatid

Ito na nga ang kinatakutan niya, ang mga tanong ng kapatid.

"Ikaw talaga kung ano-anong pumapasok sa isip mo. Tulungan na lang natin si nanay sa kusina." Kinurot niya ito sa tagiliran.

"Ate, aray!"

"Naku! Kayo ngang dalawa ay pumarine. Natasha, dalhin mo itong juice at suman sa bisita ng tatay mo. Nathalie, ayusin mo mga kalat sa lababo," wika ng ina na inaayos ang mga pagkain sa lamesa.

"Ayie! Si Ate. . ." bulong nito sa kaniya.

Pinandilatan niya ito ng mga mata. Kinuha niya ang pitsel ng juice at suman saka lumabas. Napansin niyang tapos na ang mga ito sa pagsibak ng kahoy at nakaupo na sa kubo.

Nagtungo siya roon.

Nanginginig na nilapag sa lamesita ang juice at suman. Ramdam niya ang titig ng binata habang nagpupunas ito ng towel sa katawan.

Bwisit na ito! Hindi mahiya na nasa harap ng tatay niya.

"Hi!" nakangiting wika ng lalaki.

Umirap lang siya rito at hindi pinansin.

"Naku, anak! Mabuti at nagising ka na. Aba'y kanina pa narito itong si Cedrick," wika ng ama at nagsalin sa baso. "Ikaw na ang maglagay sa isang baso at iabot mo sa kaniya," utos ng ama.

Tiningnan niya ito at inabot ang baso na may juice.

"Thank you," mahina at seryosong wika nito.

"Nadaanan namin ang resort diyan sa tapat, ay ito palang si Cedrick ang nakabili. Nagpakilala na rin siya sa amin na anak ng amo. Aba, sabi ko sakto at piyesta dito, kaya inimbita ko siya. Nakakatuwa nga at nagdala siya ng imported na alak pati 'yung isang baboy ni Esme na panglitson ay binili niya. Idagdag daw natin sa handa. Ay! Napakabait na bata talaga, eh! Eh!" masayang kwento ng ama.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon