Chapter 19

1.1K 36 11
                                    

Pagdating sa restaurant, kumaway sa kanila ang isang waiter para ituro ang kanilang table. Sandamakmak ang pagkaing nakahain doon.

Lumingon siya sa kanilang likuran dahil baka may kasama pa sila, pero mukha namang sila lang dalawa ang kakain doon.

Natigil sa paglakad ang lalaki nang lumingon siya. Inalalayan siya nito patungo sa naka-reserved na lamesa. Ang nakasimangot na mukha nito kanina ay nawala na, pero seryoso pa rin. Nakita siguro nito ang kaniyang pagtataka, kaya hinila siya paharap at nagsalita ito.

"This is our first date. I mean. . . your first lunch with me. And I know my dad will kick my a** if his secretary becomes thin when he comes back in the office. So, this is it! Let's eat." At inaya siyang maupo sa isang bakanteng upuan.

Napansin niya ang tatak ng restaurant. Saan nga ba niya iyon nakita. Biglang nag-blink sa isip niya ang minsang ipinadalang pagkain ni Ken sa kaniya.

Coincidence lang ba iyon? O baka naman talagang masarap ang pagkain sa restaurant na iyon?

Tumingin siya sa paligid. Nagbabakasaling makita roon si Ken, tutal alam naman niya ang tono ng boses nito. Mukha kasing paborito rin nito ang restaurant na iyon.

"Hey! Are you with me?" tanong ng boss niya.

"Sorry, Sir. Yes, I have to—" Naputol iyon ng magsalita itong muli.

"Are you thinking someone better than me?" seryosong wika nito.

Napaangat ang mukha niya.

"What! Are you—"

Napangiti ang lalaki na ikinasinghap niya.

My! He's really handsome!

"Just kidding!" masiglang wika nito at tiningnan ang mga pagkain sa mesa. "Let's eat!" Kinuha nito ang plato niya at nilagyan ng mga pagkain.

Napakagat labi niya. Katulad din ito noong nakaraan. Parang natural na lang sa lalaki ang ginagawa. Pero, naisip niya na baka ginagawa lang nito ang mga iyon dahil sa nangyari sa party noong nakaraang gabi.

"Why biting your lips again? Are you seducing me?" puna nito. "Later, I will grant your wish in your mind. Because for now, I'm hungry." Mas ngumiti ito ng nakaloloko sa kaniya.

Mabilis niyang inayos ang sarili. Pero hindi niya alam kung anong ayos ang gagawin niya. Lahat na yata ng ikinikilos niya ay may isyu sa lalaki.

Bwisit!

Napapikit siya.

Napansin pala iyon ng lalaki. "That's good! Before we start our meal, lead a prayer for more blessings to come. Right?" usal ng lalaki.

Lord! Kung may sampung anak si Mr. Thompson, kunin mo na po. Kaunti na lang at mauubusan na ako pasensya! muling usal niya.

"Louder please. . . I can't hear it, Nasha," wika nito.

"Tapos na po, kaya kumain na po tayo. Pero ang dami po nitong pagkain na inilagay ninyo. Pwede po bang ibalik, Sir?" Akmang ibabalik niya sa lagayan iyon, pero pinigilan siya nito.

"Eat. If hindi mo maubos, give it to me," anito.

"And. . . ?" tanong niya.

"I will eat them. Ano pa ba ang dapat gawin?" kunot-noong tanong nito

Biglang may kudlit sa puso niya sa sinabi nitong iyon, pero mabilis niyang pinalis iyon.

"Ikaw ang bahala, Sir," mahinahong sagot niya..

Tahimik siyang kumain. Tanging mga tunog ng kubyertos at ang malamyos na awitin mula sa restaurant na iyon ang kaniyang naririnig. Isang kanta ng isang sikat na singer noong nineties kung hindi siya nagkakamali.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon