Chapter 14

1.1K 34 2
                                    

Mas lumalim pa ang halik ng binata sa kaniya, kaya hindi niya naramdaman na nakapasok na pala sila ng living room ng binuksan ang kaniyang mata. Dahan-dahan siyang inihiga ng binata sa couch kasama nito. Ibinaba nito ang ang strap ng gown niya, habang patuloy nitong pinaglalakbay ang mga kamay sa katawan niya

Sumabalit bigla ang pagsulpot nang mumunting tinig sa isip niya.

"Ako pa rin masusunod kung sino ang mamahalin ko, mom!"

"Kalimutan mo na kasunduan natin kung hindi ka tutupad! Apo ang kailangan ko."

"Tonight, I'll promise to grant your wish, mom."

Pagkuwa'y narinig pa niya ang isang mahinang ungol mula sa binata.

Hindi siya papayag na gawin siyang parausan sa plano nito.

Wake-up self!

At mabilis niya itong naitulak.

"No!" Mabilis siyang bumangon.

"What the f*ck!" mahinang mura nito na mukhang nabitin sa ginagawa.

"Ipahatid mo na ako sa driver ninyo, please," sagot niya na halos mag-ulap na ang mga mata niya.

Natahimik ang binata at mukhang natauhan sa ginagawa. Napahilamos ang kamay nito sa mukha at mabilis siyang iniwan.

Tuluyan na siyang napaiyak.

Gusto na niyang umuwi at kahit kailan ayaw na niyang tumapak pa sa bahay na iyon. Ayaw na niyang makita pa ang lalaking iyon.

Tumayo siya at mabilis na lumabas ng gate nang walang nakaaalam. Ayaw niyang makita ng kahit na sino sa ganoong ayos.

Madilim ang paligid nang makalabas siya at mukhang walang dumaraan na taxi. Ipinagpatuloy lang niya ang paglalakad, kahit pa napakalamig ng hangin na dumadapo sa balat niya.

Subalit, dahil sa suot niyang sapin sa paa at sa haba na ng nalakad niya, nananakit na ang mga iyon. At hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng awa sa para sa sarili.

Ano bang ginawa niya at napasok sa ganoong sitwayon?

Nang walang maapuhap na sagot ay dahan-dahan siyang tumigil sa paglalakad. Umupo siya sa gilid ng kalsada at inalis ang sapatos na suot.

"Ouch! Malayo pa ba ang main gate ng lugar na ito?" kausap niya sa sarili. Mabuti na lang at maliwanag, dahil bawat poste ng kuryente ay may ilaw.

Tumingala siya sa langit. Napakadilim niyon.

"Lord sana makarating muna ako sa labas ng lugar na ito at makasakay, bago mo ibagsak ang ulan," piping dasal niya.

Sana rin may dumaan na galing party para makasabay siya.

Ngunit, halos labinlimang minuto na siyang nag-iintay pero wala pa ring dumaraan. Nag-decide na siyang maglakad muli kahit nakatapak na. Nararamdaman niya na rin ang malalaking patak ng ulan sa kaniyang may ulunan.

Napapikit siya.

"Malas naman, oh!" sigaw niya.

Pero bago pa siya tuluyang mabasa nang malakas na ulan, may isang sasakyan ang huminto sa tapat niya. Hindi niya iyon pinansin. Bitbit ang sandals na ipinagpatuloy niya ang paglalakad.

Isang malakas na busina ang kaniyang narinig. Pagkuwa'y biglang humarang ang sasakyan sa dinaraanan niya. Sa inis kinatok niya ang bintana niyon.

"Ano ba! Dumaan ka na lang kung gusto mo. Wala naman ako sa gitna, ah!" Malakas niyang hinampas ng sandals ang bintana ng kotse.

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon