Chapter 1

3.6K 57 0
                                    

Masayang nag-uusap ang mga estudyante sa isang kubo kung saan nag-aaral si Natasha ng kolehiyo. Pinag-uusapan nila ang hirap ng exam na ibinigay ng kanilang professor kani-kanina lang. Habang ang iba sa di-kalayuan ay kasama ang kanilang mga kasintahan na nakikinig ng musika.

Ika-apat na taon na n'ya sa paaralang iyon. At ilang buwan na lang ay makukuha na niya ang degree na matagal na niyang inaasam. Saksi ang paaralang iyon sa lahat ng mga paghihirap, sakripisyo at sakit na kaniyang naranasan maitawid lang ang buhay bilang isang mag-aaral.

"Alam mo ba Carol, graduating na ngayon ang boyfriend ko at halos wala na siyang time para sa akin," boses ng isang mag-aaral sa harapan niya.

"Hayaan mo na. Nag-OJT siya di ba?" sagot ng babaeng kasama nito.

"Oo nga. Pero parang iba na siya ngayon. Hindi man lang dumadalaw sa boarding house para kumustahin ako," muling wika nang naunang babae sa madamdaming tinig.

Umiling siya sa narinig. Sa tantiya niya mga freshmen pa lang ang mga ito. At pag-ibig talaga agad ang inatupag imbis na pag-aral.

Naalala niya ang mga panahong akala niya ay magiging masaya siya sa unang pag-ibig. Pero sa umpisa lang pala iyon. Binago ng karanasang 'yon ang pananaw niya sa buhay. Na hindi porket crush mo at biglang nagparamdam sa 'yo, sasagutin mo na agad. You have to get to know each other first, bago ang lahat. Dahil sa bandang huli at nag-invest ka nang sobra-sobra ikaw rin ang masasaktan.

But that's life. Tapos na rin ang kabanatang iyon ng buhay niya. At marami siyang natutunan dahil doon. Kaya nga ba tinatanawan n'ya na lang ang mga ganoong eksena na naririnig niya. Napaka-inosente pa ng mga freshmen na iyon sa larangan ng pag-ibig. Ika nga, hindi pa nila nalalasap ang tunay na kahulugan niyon.

Pero, hindi siya bitter. In fact, masaya na ngayon ang buhay niya kahit walang pag-ibig. Mas masarap sa pakiramdam lalo pa at makatatapos na siya nang walang kahit anong sakit na dinaramdam sa puso.

"Natasha!" Kalabit ni Alexa sa may tagiliran niya na babagong dating. Ito ang kasangga niya sa lahat ng mga hamon sa buhay bilang estudyante ng paaralan iyon.

"Yes? Bakit ba ang tagal matapos ng exam mo? Kanina pa ako nag-hihintay sa 'yo rito." Siko niya sa kaibigan.

"Ang hirap kaya ng exam. Alam mo namang kailangan nating galingan dahil ito ang magsasabi kung aakyat ba tayo ng stage o hindi," nakamulagat na wika nito.

"Oo, alam ko. Kaya nga nag-aral ako kagabi, eh. Ikaw ba? Mukhang napuyat ka sa pakikipag-usap sa boyfriend mo." Inirapan niya ito.

Tumawa lang ito.

"Halika ka na nga! Meryenda tayo sagot ko," aya nito sabay kindat.

Umiiling siyang sumunod sa kaibigan.

Minsan may pagkagalante ito, minsan naman kuripot. Pero mas madalas na galante ito sa lahat ng oras at iyon ang gustong-gusto niya.

Niyaya siya nito sa malapit na coffee shop na bagong bukas sa harap ng school, at sinubukan nila ang mga pagkain doon. Habang papasok sa loob, nakasalubong nila ang ibang estyudante na tila may kung anong kinakikiligan doon.

Imbis na makiusyuso, gumilid sila ni Alexa at kumuha ng pwesto sa bandang taas. Kita mula roon ang mga estudyanteng pinagkukumpulan ang isang lalaki.

Nagkibit-balikat siya kasabay nang pag-iling. Umangat naman ang ulo ng kaibigan niya para tingnan iyon.

"Alexa bumaba ka na lang kaya para hindi ka na mahirapan diyan," may katarayang wika niya at umingos dito. Inilabas niya ang libro, saka nagsimulang magbasa.

"Naghahanap lang ako ng waiter, friend. Grabe ka naman sa akin." Mahinang pinalo nito ang kamay niya.

"Kunwari ka pa. Gusto mo ba isumbong kita kay Adrian?"

My Textmate, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon