ASAKI GWYNETH POV
"Bagay ba sa akin 'to Xai? Parang hindi yata."
Napanguso ako habang tinitignan ang sarili sa size mirror ng dressing room.
"Of course Gwy! Ang ganda ganda mo. Naku mabibighani at maglalaway na naman sa'yo si Mr. Suson niyan pag nakita ka na naman niya."
Napairap ako. Ang lakas mang asar ng bwiset na 'to.
"Seryoso kasi."
"Oo nga, maganda nga." Nilapitan niya ako at niretouchan ulit.
"Pang ilang retouch mo na 'to sa'kin. Hindi pa nga nag uumpisa eh."
"Hehe sorry na, ang ganda mo kasi eh, kaya unang kita palang sa'yo ni Mr. Suson nabighani na siya sa'yo."
Tinuro ko siya sa mukha, natigilan siya sa pag blablush on sa akin. "Isang banggit mo pa sa lalaking yun, kukutungan na kita." sabi ko at kinagatan siya ng pang ibabang labi para takutin.
"Hehe sorry. Nacucutan kasi ako sa inyong dalawa eh." sabi at nagpatuloy. Pumikit naman ako. "Bakit kasi hindi ka nalang mag yes sa offer niya, habol ng habol na yung tao sa'yo oh, ang choosy nito."
I opened my eyes.
"Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng lalaking iyon sa akin nung una kaming nagkita?"
Tumahimik siya.
"Kaya ayoko, Xai. Kahit anong pilit at paghabol niya sa akin hindi ko tatanggapin ang pagiging Model ng sarili niyang clothing line. Balenciaga ang gusto ko hindi SPS."
"Tsk. Balenciaga ambassador naman siya ah... 'Tsaka Off-White and Calvin Klein, hehe."
Inirapan ko siya. Yuck.
Yung lalaking iyon. Oo gwapo siya, matangkad, matalino, attractive, cute, moreno, sobrang galing magdala ng damit, sexy--- huh? No hindi siya sexy, kahit six packs ang abs niya hindi siya sexy, isang suntok ko lang yata sa lalaking yun matutumba na siya agad eh.
Naiinis talaga ako sa kanya kahit kilalang kilala siya bilang Ceo at magaling na Ceo. Pero hindi ko parin maipagkakaila na manyakis siya.
Napapikit at napabuntong hininga ako. Bigla ko na namang naalala yung unang pagkikita namin sa isang Runway Event last week. He was the audience habang nag ru-runway kami sa gilid ng pool while wearing bikinis.
Tangina, para niya ako hinuhubaran sa bawat titig niya sa akin. Buti nalang hindi ako nagpadala. May pangisi ngisi pa siyang nalalaman. Nakaka, hmmm, ayaw kong magmura talaga eh naiinis ak---
"Miss Asaki. Wala ka yata sa katinuan, mukhang bad mood ka na naman."
My jaw dropped when I heard his deep but cold voice. He held me in both arms to support me. Naramdaman ko ang katawan niya sa sarili kong katawan. Ang hilig hilig talaga niyang lumapit ng ganito.
Magnet ba siya?
Tumingin ako sa paligid. Wait... Nasa dressing room ako kanina ah, nirere touch pa ako ni Xai, bakit nandito na ako sa hallway, anong nangyari?
Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko na naman ang ngisi niya at ang mga mata niyang nanunusok.
"Let go of me." sabi ko at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, hindi naman madiin, magaan lang, kinuryente pa yata ako ng hawakan niya ako doon.
Ganun na ba ako mag isip sa nangyari nung nakaraang linggo para hindi mapansin yung dinaraanan ko?
Napahawak ako sa sentido ng maaalala na pupunta pala ako sa comfort room para umihi. Shemayyy.
"Saan ka ba pupunta? 10 minutes nalang mag sstart na ang Runway." he ask, mukha pa siyang nag aalala sa'kin ha. Oopss baka kadeluluhan ko lang 'to.
This man, mag aalala? Psh, ang cold cold kaya ng buong pagkatao niya.
"That's why I'm walking here because I'm going to CR." I answered to his question.
He nodded.
"Ikaw bakit ka ba nandito?"
"Uhm... I was going to visit you sana. I'm just going to ask if you accept my offer to be my model."
Hindi ako sumagot. Nag cross arm lang ako.
"You're the only model I can see that makes my clothes look full out, you're the only one Miss Asaki, so please pumayag ka na."
He said na parang bata. Naka plead pa ang mga kamay. Para namang sira ulo 'to.
I stood up straight. "Bakit ba ako ang gusto mong maging Model ng SPS? Marami naman diyang iba ah. May mas maganda at sexy sa akin, sila nalang, Mr. Felip Jhon."
I was about to leave when he pulled me by the hand and pushed me against the wall.
Napalunok ako dahil sa pabigla bigla niyang kilos. Tatangka sana akong tumakas kaso hinarang niya ang kanyang braso sa magkabilang gilid ng ulo ko.
"Miss Asaki, pag sinabi kong ikaw, ikaw. Ikaw ang gusto ko, wala ng iba."
Tinitigan niya ako ng malalim. Tila bumalik na naman yung titig niya sa akin nung una niya akong makita. Yung hinuhubaran.
At, ano sabi niya. 'Ikaw ang gusto ko, wala ng iba.' Ako lang daw ang gusto niya hahaha, grabe naman yun.
Tinulak ko siya. Hindi naman iyon sobrang lakas. Syempre CEO parin siya, mas mataas parin siya sa akin kaya nirerespeto ko siya.
"S-sorry." he said.
"But this is all I can say, there are many models who want to apply to SPS, and you are lucky because you don't have to struggle, ako mismo ang pumipili sa'yo. This is a great opportunity for you Miss Asaki, if you don't take it, it's up to you."
Inayos ko lang ang damit ko. Hindi ko siya sinagot. Umalis ako sa harap niya at dali daling pumunta sa CR.
I closed the door and immediately went in front of the mirror.
Tatanggapin ko na ba?
Baka kapag mawala din 'tong opportunity na 'to, baka ako rin ang magsisi.
Haist. Pero hindi ko talaga type yung tao na yun. Ang dark ng personality niya.
Ay bahala na. Last day na niya dito sa Pinas ngayon. Babalik na siya bukas sa US, and kapag hindi parin ako nag 'Yes' baka masayang lang din.
I sighed and combed my own hair. Hindi ko na alam.
☽︎☾︎
A/N: Don't forget to vote, comment and share. Thank you everyone! Swerte mo naman Asaki, pinili ng nag iisang Ken Suson. Anyway, Enjoy Reading!
YOU ARE READING
LOVING HER TRUE
FanfictionLOVING HER TRUE || The Model And The CEO - SB19 CEO SERIES #1 ☽︎☾︎ Felip Jhon Suson is a CEO of an streetwear brand in the Philippines called, Superior Son. To be honest the CEO himself has not really thought of having his own model because he does...