ASAKI GWYNETH POV
Excited na akong mag impake dahil bukas na bukas ay aalis na ako pauwing Manila. Maliban sa miss na miss ko na si Felip ay namimiss ko narin sina Xai at Khloe. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa buhay nila ngayon. Ayoko naman na silang guluhin dahil bago kami pumunta dito ni Felip sa Pagudpud ay pareho silang wala sa bansa nun. Si Khloe ay nag focus sa International Fashion Show sa U.S kaya ayoko siyang maistorbo, ayoko rin naman kasing sabihin sa kaniya ang totoo.
Si Xai naman ay nakausap ko naman siya sa chat noong mga nagdaang araw pero madalang nalang dahil busy na siya sa trabaho niya sa Russia. Pagkakalaam ko ay sikat na siya doon bilang Hair Stylist at Make Up Artist. Proud ako sa kaniya dahil yun naman ang dream niya from the beginning.
Kaya hindi naman ako nagsisisi na dito muna nag stay ng ilang buwan sa Pagudpud dahil wala naman pala ako doong mauuwian sa Manila. Nakakahiya naman sa ancestral home nila Khloe no, eh wala na doong tao ngayon. Baka nga kapag ako lang mag isa ay baka mamatay ako dahil walang mag aalaga sa akin.
Since the night Kenji and I talked, he has been ignoring me. He avoids whenever I talk to him. He can't even look straight at me. I was confused, parang may gusto siyang sabihin bago ako makaalis.
"Doc."
Hindi niya ako nilingon nang tawagin ko siya dito sa mini office niya.
"Doc."
Ganun parin. Tutok parin siya sa pag rereseta ng mga gamot. Galing lang siya sa hospital at diretso na siya agad dito. Wala na siyang pahinga, puro trabaho nalang ginagawa niya. Tapos nandito pa ako palamunin, kaya uuwi na ako para wala na siyang problema.
"Doc Kenji."
Hays. Bakit ba hindi siya lumilingon. Imposible naman na hindi niya ako naririnig eh nasa pintuan lang ako.
Naglakad ako sa table niya at pinatunog ang bell na nasa mesa niya. Nakita ko ang paggalaw ng pilik mata niya pero hindi parin niya ako pinansin.
"Kenji, I want chicken." Pagpapacute ko para pansinin niya ako. 'Tsaka totoo namang gusto ko ng chicken.
Hindi ko nga alam kung bakit naging paborito ko yun ngayon. Hindi ko lang nakakasama si Felip naging paborito ko na ang manok.
Tinago niya ang papel na hawak hawak niya at tumayo. "Ano bang gusto mong luto? Prito, sabaw. What? I will cook you. May frozen chicken pa yata sa fridge."
Napanguso ako ng malamig ang pagkakatanong niya sa akin at hindi parin ako tinitignan.
Lumabas siya sa office kaya sinundan ko siya. Pinanood ko siyang kumuha ng frozen chicken sa ref. Tinititigan ko lang ang mukha niya at wala siyang emosyon. Lalo niyang nagiging kamukha si Felip kapag ganito awra niya.
Hmp!
"What do you want?" he asked coldly as he picked up the chopped chicken.
"Prito." masaya kong sagot.
"Sige. Wait mo nalang, 30 minutes." Tinalikuran niya ako at kumuha ng marinated sauce at crispy fried.
Hindi naman ako mapakali kasi pakiramdam ko talaga galit siya sa akin. Eh hindi naman siya ganito eh. Naninibago tuloy ako, makulit siya at sweet, pero ngayon nawala na yun.
"Are you angry to me?" parang batang sabi ko when he dropped a piece of chicken into the hot oil.
"Tumabi ka Gwy kung ayaw mong matalsikan."
YOU ARE READING
LOVING HER TRUE
FanfictionLOVING HER TRUE || The Model And The CEO - SB19 CEO SERIES #1 ☽︎☾︎ Felip Jhon Suson is a CEO of an streetwear brand in the Philippines called, Superior Son. To be honest the CEO himself has not really thought of having his own model because he does...