C.52

160 12 14
                                    

ASAKI GWYNETH POV



     I'm glad because Doc Kenji said that I will get better this week. Kaya ibig sabihin makakauwi na ako sa Manila, makikita ko na siya, finally.



Ang totoo niyan mula noong magising ako sa pagkawala ng malay, gusto kong tumakas nun sa resort kasi gusto kong makauwi agad sa Manila. Pero hindi ko nagawa kasi totoong mahina ang puso ko sa mga araw na iyon, mas lalo pa ngang mas sumasakit sa tuwing iniisip ko siya, sa bawat patak ng luha ko ay siya ring pagkirot ng puso ko.



Kaya kahit anong nangyari hindi ako pinabayaan ni Doc Kenji dahil baka kapag umuwi ako mag isa at ganun ang kalagayan ko ay hindi ako aabot sa Manila. And that is what he fears.



Yung pagbalik ng sakit ng puso ko walang pinagkaiba noong bata ako. Sa tuwing naririnig kong nag aaway ang magulang ko kumikirot yun ng sobrang sakit, and it happened again when Felip left me.



Hanggang ngayon masakit parin yung nangyari, dala-dala ko parin yung sakit, pero siya rin ang naging lakas ko para gumaling. Gustong gusto ko na siyang makita, at sabihin lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya.



I couldn't do that anymore because he blocked my number as well as my e-mail, so I couldn't message him to say my explanations.



Mahigit dalawang buwan narin yung nakakalipas at sa loob ng isang buwan na yun maraming nangyari sa akin, at baka tulad ko ay marami ring nangyari sa kaniya doon.



Tanging hinihiling ko lang naman na kapag binalikan ko siya ay ako parin.



"Gwy."



Napalingon ako sa pinto ng pumasok doon si Kenji na may bitbit na gatas. I appreciated his care for me lalo na this days, hindi ko alam kung bakit naging doble yung pag-aalaga niya sakin.



Alam niyo sa totoo lang noong una ko siyang nakita nainis talaga ako, bakit? Kasi marami silang similarities ni Felip. Yung height, yung mata, yung ilong, yung boses, yung kulay. Potek! Sa tuwing tinititigan ko siya para bang nasa harapan ko lang si Felip kahit hindi naman. Kaya mula at sapol naiinis ako sa kaniya.



Pero unti-unti ko naman na siyang tinatanggap, nagpapasalamat ako dahil kinupkop niya ko, kung wala siya siguro hindi ko alam kung ano ng nangyari sa akin. Isa rin siyang tumutulong para pagaanin ang nararamdaman ko, marami siyang sinasabing advices about love, wala pa daw siyang experience doon pero sa pananalita niya parang meron na, malalim siyang magsalita na talagang tatatak sa isip mo.



Pero alam niyo ba kung ano pa ang ikina-iinis ko, yung pangalan niya. Kasi sa bawat banggit ko ng pangalan niya, nababanggit ko narin yung pangalan ni Felip na Zer Ken.



Paano ako makakalimot ng husto kung yung palagi kong kasama araw-araw eh kapangalan pa ni Felip. Ayoko na!



"Drink this before going to sleep."



Inabot niya sa akin ang baso ng gatas kaya umupo ako at inabot iyon. "Thank you." sabi ko at sinimulang inumin.



He sat in front of me and stared at me. To be honest, I'm ackward with what he's doing, he's so sweet to me, and ako naman ay wala lang. Pero kahit papaano naman nasasanay na ako, I really don't want other men to do this to me dahil si Felip lang ang gusto kong gumawa nito sa akin.



"How are you feeling?" tanong niya. Sa buong pagsasama namin, ngayon ko lang nakita yung mata niyang may halong lungkot.



"I'm fine now. I can say that my normal heartbeat is back. Thank you." nginitian ko siya bilang pasasalamat sa pag-aalaga sa akin.



LOVING HER TRUEWhere stories live. Discover now