ASAKI GWYNETH POV
"Akala ko ba babalikan niya 'ko?"
Bulong ko sa sarili ko habang dinudungaw siya sa malayo. Hindi ko parin makita ang pabalik niyang pigura. Ilang minuto narin akong naghihintay dito. Hindi ko mapirmi ang sarili ko pakiramdam ko ay may nangyaring masama sa kaniya. O masiyado lang akong overthinker.
Naghintay nalang muli ako at ginugol nalang ang sarili sa singsing na bigay niya. I really like the silver round diamond na pendant nito, hindi ako makapaniwalang marunong siyang tumingin ng ganitong singsing. At infairnes alam niya ang sukat ko.
Napakagat labi ako sa naisip kong iyon. Kaya pala pasimple niyang hinahawak-hawakan ang kamay ko noon mga nagdaang araw, siguro ay sinusukat na niya iyon.
Kinuha kong muli ang cellphone ko sa bag at masayang pinicturan ulit ang may singsing na kamay ko.
Pagkatapos ay hinawakan kong muli at hinaplos halos ng may ngiti. I still can't believe that he will marry me soon. Naiiyak ako sa tuwa, hindi ko maimagine na gagawin niya ito.
Agad ding nawala ang ngiti ko ng naalalang ngayon ko pala sasabihin sa kaniya yung totoong pakay ko.
Shit! It's too late, I should have said that before he proposed to me. But suddenly, hindi ko inasahan na ngayon na niya pala ako proproposan. Plinano na niya lahat ng ito, feeling ko.
Muli tinignan ko ang oras sa phone ko. Isang oras na siyang hindi bumabalik. Baka nakalimutan na niya ako?... Pero bakit naman niya yun gagawin, alangan naman na na hit and run ako, after niya akong proposan tatakas siya? Napanood ko na 'yan sa k-drama eh.
Pero habang tumatagal palakas na ng palakas ang tibok ng puso ko, hindi na ito tama. Nakukutuban na akong may nangyayaring hindi maganda ngayon sa kaniya.
Agad akong lumabas ng Funco at nagsisitakbo. Hawak hawak ko ang dibdib ko dahil kinakabahan ako. Ayokong mag overthink pero utak ko na ang isip ng isip. Wala akong maisip na dahilan pero nararamdaman kong may kakaibang nangyayare.
Napatigil ako kakatakbo ng may makitang mga kandila sa malayo. Nilapitan ko iyon at napatulala.
Namangha ako sa red carpet na pinalilibutan ng mga kandila ngunit habang tumatagal ay nawawala ang pagkamangha ko dahil habang papalapit ako sa table ay pagulo ng pagulo ang paligid.
Bumalik ang tibok ng puso ko ng makita ang isang upuan na nakatumba at ang picture frame namin ni Felip na nabasag.
Agad kong tinignan ang resort at walang kailaw ilaw, except sa kwarto namin na nasa second floor.
Binitawan ko agad ang picture frame na hawak ko at agad na tumakbo sa loob ng hotel. Mas lumalakas ang tibok ng puso ko sa tuwing papalapit na 'ko sa kwarto.
Hindi ko naituloy ang huling step ng hagdan ng makita kong lumabas ng kwarto si Felip kasunod si Sabrina.
What the--- Bakit nandito siya? Anong ginagawa ng babaeng' yan dito?
Susugod na sana ako ngunit napaatras ako ng makasalubong ko sa daan ang galit na galit na mukha ni Felip sa akin.
"Hindi ako makapaniwalang magagawa mo sa'kin yun!" bigla niyang sabi, nakita ko rin ang paglabas ng ugat niya sa leeg dahil sa matinding galit.
Naguguluhan naman akong nakatingin sa kaniya. "Felip ano bang sinasabi mo?"
"Tangina Gwy!! Minahal kita eh! Totoong totoo yun! Lahat ng gusto mo ginawa ko, ipinaglaban kita. Pe...ro ba...kit na...man ga...non..." papahina niyang sabi at tuluyan siyang naiyak.
YOU ARE READING
LOVING HER TRUE
FanfictionLOVING HER TRUE || The Model And The CEO - SB19 CEO SERIES #1 ☽︎☾︎ Felip Jhon Suson is a CEO of an streetwear brand in the Philippines called, Superior Son. To be honest the CEO himself has not really thought of having his own model because he does...