C.23

306 20 14
                                    

FELIP JHON POV



     "Asaki."



Susundan ko sana siya para pigilan ng hilain ako ni Sab pabalik. Napatingin ako sa kanya. Wala na yung iyak niya, bigla siyang tumahan.



Ang tanga ko sa point na dinamayan ko siya, it was just a slap. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa akin.



"What are you doing here? Umuwi ka talaga sa Pinas?"



"Alangan naman hindi. Felip ayoko ng bumalik doon. Wala naman akong mapapala doon eh dahil wala kana, 'tsaka isa pa dito kana titira. So dito narin ako titira."



Tinaasan ko siya ng kilay. "Dito mismo?" turo ko sa bahay.



Tumango siya ng... 'malamang oo, saan pa'.



"No. I won't let you live here. This is my own house. Kung gusto mo mag condo ka."



"Really, condo? I don't want that."



Hindi na ako sumagot. Hahaba lang ang bangayan namin kung sasagutin ko pa siya. Umalis ako sa harap niya at umakyat sa hagdan.



"Umalis kana." malamig kong utos.



Tumigil ako sa paghakbang ng maramdaman kong hindi pa siya umaalis kaya agad ko siyang tinignan.



Nakatayo pa nga siya doon habang nakatingin sa akin ng may diin. Nakita ko ang pagkapit niya ng mahigpit sa hawak niyang bag. Bigla naman akong kinabahan. Kilala ko ang ugali ni Sabrina. Kapag galit siya magiging biolente siya.



"I'll be back here." she said last before turning away.



I clung to the railings of the stairs ng makaalis na siya. Napatingin ako bigla sa baba.



"Sir, ba't nandito po si Ma'am Sabrina?"



Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Ginang Manet na papasok sa main door ng bahay.



"Bumisita lang." tanging sagot ko. I saw her nod.



Ginang Manet knows that Sabrina is my girlfriend. But she doesn't know that we are separated. Last year lang yun kaya hindi ko pa nasasabi sa kanila. Isa pa ang unti lang ng sinabihan ko, kasi kapag sasabihin ko marami lang makakaalam kung ba't kami naghiwalay. I don't want them to know that Sab is that kind of person, I respect her as a woman. I know she made a mistake, pero hindi na mabubura sa akin na niloko niya ako, na nangloko siya. Para sa akin yun ang hindi ko matanggap kaya hiniwalayan ko siya.



Masakit para sakin na naghanap pa siya ng iba kahit nandito naman na ako. I gave her everything, everything of mine but she still looked for other guys... Hindi siya ganung tao noong nakilala ko siya. Oo sinasabi ng karamihan masama siya dahil galing siya sa pamilya ng politiko, pero kapag nagmahal siya ibibigay niya din lahat ng kanya. Hanggang sa nangyari yun. I can't believe she did that. I trusted her. But she just broke it.



"Sige, akyat muna ko Ginang Manet." sabi ko at tumango naman sila.



"Pasensiya na po Mr. Suson kung ngayon lang ako nakapunta, ay naku naman mataas na ang araw." Kakamot-kamot nilang reklamo sa sarili.



Ngumiti lang ako ng maliit. "Okay lang po." sabi ko at umakyat na.



Pagkarating ko sa kwarto ay bigla kong nakita ang kama. Kanina katabi ko lang siya, ngayon wala na ulit siya sa tabi ko.



LOVING HER TRUEWhere stories live. Discover now