MANUEL POV
"Boss, hanggang kailan po kayo mamamalagi dito sa resort? Ilang araw narin pong nandito si Ma'am Gwy, hindi pa ba talaga ayos ang lagay niya?" tanong ko kay Boss Kenji habang nasa labas kami ng resort, nagkakape at nag rerelax. Tinawag niya kasi ako para may makausap siya.
Marami na ulit ang tao ngayon dahil pinabukas na niya ulit ang Saud Beach for public.
"Wala ba kayong schedule sa hospital?" tanong ko ulit dahil nakatingin lang siya sa malawak na dagat.
"I transferred all my surgeries this week to another doctor." sagot niya na ikinagulat at ikinagtaka ko.
"Baki naman, Boss. Hindi ba bawal yun?"
"Kailangan kong bantayan si Gwy hanggang sa maging okay na siya, mas kailangan niya ang isang tulad ko kesa sa mga pasyente ko, hanggang kelan ko ba sasabihin yun sa'yo."
Napalunok ako ng tinignan niya ko ng matulis. Kilala ko 'to si Boss Kenji, mabait siya pero sa mga taong mabait lang sa kaniya kaya hindi ako makapaniwala na lagi naman siyang sinusungitan ni Ma'am Gwy pero grabe yung pasensiya niya para intindihin siya.
"Sorry Boss, pero kailangan mo pa bang gawin 'yan, sobra na yata, nandito naman po kaming magbabantay sa kaniya hanggang sa makabalik siya sa Manila." mahinahon kong sabi.
Humigop siya ng kape at hindi niya sinagot ang sinabi ko kundi ay nag iba siya ng topic. "Pwede mo bang i-describe sa akin kung anong klaseng boyfriend yung boyfriend niya."
Kumunot ang noo ko ng sabihin niya iyon. Wow, curious ha.
"Una sa lahat hindi naman yun iiyakan ni Ma'am Gwy kung hindi siya gwapo."
"Tsk."
Natawa ako dahil sa reaksyon niya. Hahaha, ang epek eh! "Totoo nga Boss gwapo si Sir Felip." sabi ko at natatawa, gusto ko siyang asarin. "Sa ugali naman, maayos naman, hindi ko siya nakitaan ng kayabangan except siguro noong first day na ma-meet ko siya dahil mayabang at masungit yung awra niya pero first empression lang naman yun. Ba't mo pala natanong, Boss?"
"What about his treatment of Gwy?"
Ehh? Imbis na sagutin ako ay nag follow up question pa siya, sinagot ko nalang ulit dahil pakiramdam ko sobrang curious siya kay Sir Felip.
"Malambing, protective, clingy, touchy, hmm ano pa ba? She treat Ma'am Gwy very well, ni hindi nga mapirmi yun sa pag propose sa kaniya, sobrang excited niyang pakasalan si Ma'am Gwy." mahaba kong sagot, yun naman talaga yung nakita ko sa kanilang dalawa.
"He treated very well, he excited to propose on her." madiin niyang ulit at bahagyang natawa. "Kung ganun bakit hindi man lang niya naisip na balikan ang babaeng mahal niya dito?" may pait niyang tanong.
Hindi naman agad ako nakasagot dahil hindi ko din alam ang isasagot ko. Basta nakikita ko sa mga mata niya na galit siya sa lalaki.
Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Naka ilang topic pa kami bago siya nagpaalam sa akin.
"Baka gising na si Gwy, puntahan ko muna siya sa kwarto. Paki ready na pala yung kakainin namin for breakfast, dito na kami sa baba kakain." he said at tumayo na.
"Okay, Boss."
Sagot ko. Lately, napapansin ko talaga kay boss na kakaiba ang trato niya kay Ma'am Gwy. Lagi kong sinasabi sa kaniya na hindi naman niya kailangan gawin iyon pero siya mismo ang nagpupumilit na alagaan ang babae which is nakakapag overthink sa aming lahat.
YOU ARE READING
LOVING HER TRUE
FanfictionLOVING HER TRUE || The Model And The CEO - SB19 CEO SERIES #1 ☽︎☾︎ Felip Jhon Suson is a CEO of an streetwear brand in the Philippines called, Superior Son. To be honest the CEO himself has not really thought of having his own model because he does...