ASAKI GWYNETH POV
The days pass quickly, kaya ngayong araw ay pupunta na kami ni Felip sa sementeryo para dalawin sina Mama at Papa. Sa totoo lang ngayon ko nalang ulit sila madadalaw, I think it's been almost three months since I last visited them, I miss talking to them.
Habang naghihintay akong sunduin ni Felip ay nag-ayos muna ako saglit kahit na naka ayos naman na ako. Bumaba na ako sa kwarto at pinuntahan si Khloe sa may gym, may gym kasi dito sa bahay nila.
"Khloe, aalis ako ha, dadalawin ko lang sina Mama."
Naka earpods pala siya kaya hindi niya narinig. Maglalakad na sana ako para harapin nalang siya para makita niya ako kaso huli na, tumingala siya at nakita na niya ako. Tumigil siya sa pag tre-treadmill at tinanggal ang isang earpods.
"Oh, saan ka pupunta? Bihis na bihis ka yata." tanong niya at nagpatuloy ulit.
"Ah papaalam lang ako na aalis ako, pupuntahan ko lang sina Mama at Papa."
Wala naman na siyang sinabi. Gets na niya yun. "Sige, mag iingat ka."
Tumingala lang ako. "Ahh, si Xai pala saan?"
"Ay kanina pa umalis."
Nag pout ako. Hindi nagpapaalam ang isang yun na aalis. Uuwi kasi siya sa bahay nila ngayon. Alam niyo namang hindi naman dito nakatira si Xai, tumitira lang yun dito kapag may movie marathon kami, have a drink, over night sleep or kapag trip niya lang.
"Sige alis na 'ko, bye!"
Tumango lang siya isang beses at nag focus na ulit sa pag e-exercise kaya umalis na ako doon. Hindi ko na sinabi na susunduin ako ni Felip, aasarin lang ako nun.
Pagkalabas ko ay narinig ko ang busina sa labas. Saktong sakto. Naglakad na ako palabas ng bahay at pagkabukas ko ng gate ay nakita ko agad ang Lamborghini niya. Sinarado ko ang gate at lumapit sa kotse. Kumatok ako sa window para pagbuksan ako.
"Felip!"
Pero hindi bumukas. Hays nakatulog yata, grabe naman.
"Uyyy buksan mo 'to!"
"Why, love?"
Napatayo ako ng tuwid ng maramdaman ko ang braso niya na yumakap sa bewang ko.
Pinalo ko ang braso niya doon at sinamaan siya ng tingin. "Nakakainis ka!"
He just laughed. "Good Morning my princess!" he said and kiss me on the cheek.
He opened the passenger seat and helped me to get in. But before he close, I hug his neck to kiss him on the lips, just a smack kiss. I saw his small smile and he closed the door very gently.
Umalis narin kami agad pagkapasok niya sa kotse. 30-40 minutes lang naman lalakbayin namin papunta doon, pero kung traffic mahigit isang oras ang aabutin.
Dumaan muna kami sa flower shop at bumili ng sympathy flower na nakalagay sa basket, dalawa kasi tig isa sila ni Mama at Papa. Bumili narin kami ng dalawang malaking votive candle.
Pumunta rin kami sa malapit na super market at bumili ng ready to eat food and drinks, bumili rin kami ng snacks. Balak kasi namin magtagal doon. To refresh our mind narin. Di naman mainit doon sa banda nila Mama kasi malapit sila sa may puno.
YOU ARE READING
LOVING HER TRUE
FanfictionLOVING HER TRUE || The Model And The CEO - SB19 CEO SERIES #1 ☽︎☾︎ Felip Jhon Suson is a CEO of an streetwear brand in the Philippines called, Superior Son. To be honest the CEO himself has not really thought of having his own model because he does...